Para sa babaeng kukumpleto ng aking tula.
Gusto kong siguraduhin saiyo
Na bago tayo magtagpo
Isa na akong sasakyan
At ikaw ang magiging musika ko
Isa na akong matibay na saranggola
At ikaw ang pinakamatabigay na buntot ko
Sisiguraduhin ko rin
Na isa na akong pinaka-matibay na kandila
At ikaw ang pinaka-masarap na cake na papatungan ko
Ako'y magiging masarap at malamang lumpia
At pakiusap magsilbi kang purong suka na may bawang sili, asukal at paminta
Na sa ating paglalakbay
Ikaw ang mag sisilbing buhay ko
Mapabilis o mapabagay ang ritmo mo
Ay sasabay ako
Masaya, malungkot ang liriko
Ay kakantahin ko parin ito ng bung puso
Dahil ikaw ang musikang magiging paborito ko
At sa aking paglipad
Alam kong may panahon na babagsak ako
Ngunit hindi ako aburido'
Kasi alam kong ikaw ang magiging balanse ko,
Mapataas man kaliwa o kanan
Hindi kita bibitawan.
Sabay nating susuungin ang lakas at ingay ng hangin
Hanggang sa tayo'y sumayaw sa tugtugin
Dahil ang lakas at ingay ng hangin sa atin ay naging maaliwalas na tugtugin.
Tandaan mo,
Hindi lang ako nakapatong
Bagkus ako ang kandilang magtatanggol sa'yo
Pagliliyabin ko ang apoy na meron ako
Para sa mga taong mag tatatakang sirain ang pagkatao mo
Na bago ni pagpipira-pirasuhin ang tulad mo ay dadaan muna sila sa bangkay ko
At mangangako ako na ipagtatanggol at aalagaan kita hanggan sa may hininga ako
Hindi lang ako gawa sa gulay gaya ng karrots at monggo
Dahil isa akong spesyal na lumpia
na mayroong manok at keso na ibinalot sa pagmamahal ng magulang ko
At hinubog sa grasya ng Panginoong Hesu Kristo
At alam ko, sa pagtatagpo ng spesyal na lumpia
At pinaka purong suka na nanunuot sa anghang at sarap na may kasamang tamis at kakaibang lasa.
Na pag nalasahan nila ang ang ating pag-iisa
Ay magiging saya, inspirasyon at halimbawa tayo sakanila.
At panghuli, "Para sa babaeng kukumpleto ng aking tula."
Ako ang magiging haligi ng tahanan na ating ipapatayo
At ikaw ang pinaka-maganda, maliwanag at mamahaling ilaw na ikakabit sa tahanang ating mabubuo
Sa salita ng Diyos ang magiging malalim na pundasyon nito.
Para sa babaeng kukumpleto ng aking tula
Sabayan mo ako sa pagsulat ng kanya-kanyang kwento nating dalawa
Hanggang sa ang kwento natin ay magtugma
Sabay nating ipapahayag sa madla na sa pagmamahalan nating dalawa
ay maroong walang hanggang nakatalaga.
- Nagmamahal ang iyong pang habang buhay na kasintahan.
YOU ARE READING
Para sa babaeng kukumpleto ng aking tula.
PoetryHango sa isang daang tula ni stella. :D Para sa aking Danica hahahaha