Chapter 3

319 15 1
                                    

Chapter 3

Sooyoung's POV

Slow motion,

Butterflies in my stomach,

Fireworks behind Luhan?

Ano ba 'tong nararamdaman ko? Isa lang ang naiisip ko ngayon, baliw na ba ako? Kasi hindi ko na din alam ang pinag-iisip ko eh.

"Soo?" May biglang sumampal sa akin.

"What-" Pasigaw kong nasabi at nagulat ako kasi ang EXO nasa harapan namin ngayon. Si luhan....

"Ang lakas mo mag day dream ah." Sabi ni Min-Ah at bigla siyang tumawa sakin. Tinignan ko siya ng masama at nanlaki ang mata niya. Bakit ako sinampal nito? Napahiya tuloy ako.

"Bakit mo ko sinampal?!" Lalo pang lumakas ang boses. Nakita kong medyo natakot yung reaksyon ni Min Ah, siguro hindi niya sinasadya ang pagsampal sa akin. Pero alam niya naman kasing ayaw ko sa lahat ay napapahiya ako sa publikong lugar.

"Easy bata, hindi naman malakas sampal niya sayo. Pinasampal ka lang ni Baek kasi nag deday dream ka eh." Sabi ni Kris sakin. Hindi ko siya sinagot kasi hindi naman siya ang kausap ko eh. Tsaka bakit niya ako kinakausap? Maayos ba ang kondisyon naming dalawa? Hindi naman kami close ah.

"Bakit mo siya tinawag na bata, Kris?" Out of the blue na tanong ni Baekhyun.

"Sooyoung. So young, Ibig sabihin bata. Slow!" Sabi ni Kris at yung reaksyon naman ni Baekhyun ay hindi maipinta. Hindi mo alam kung nalilito ba siya o gusto niya ng manapak ng tao eh.

"Tatawa na ba ako?" Sarcastic kong sinabi sa kanya, kasi wala ng pumapansin sakanya eh. Tapos mukhang nagjo-joke siya pero walang nakakuha ng joke niya eh. Korni naman pala siya eh!

"Tatawa? Joke ba yun?" Seryoso pang tanong ni Chen.

''Hyung, nagjo-joke ka ba?" Singit ni Kai at tumingin siya kay Kris na takang-taka. Parehas lang sila ng reaksyon ni Chen. Kasi si Chen hindi ko na rin maintindihan kung ano bang reaksyon ng mukha niya ngayon eh. Tapos nakita ko yung expression ni Kris parang naasar na sa mga ka grupo niya.

"Hyung? Joke ba yun? Tatawa na ba kami? Dali para di tayo mapahiya." Mahinang tanong ni Tao kay Kris, pero walang kwenta din yung mahina niyang boses kasi narinig ko padin eh. Maya-mayabiglang nag sigh si Kris.

"Oo! Joke yun! Ayoko na nga kayo kasama mga wala kayong common sense eh. Wala na napahiya na tayo." Sabi ni Kris at naglakad na siya paalis sa canteen. Natatawa ako sa nangyari ngayon lang pero pinipigil ko yung tawa ko kasi mamaya bumalik siya at mag-away pa kami. Ayoko ng may kaaway, first day na first day ng pasukan may kaaway agad?!

"Nagjojoke pala siya? Hindi naman ako nainform." Sabi ni Suho at bigla siyang natawa. Si Baek din sumunod ng tawa at lahat na sila natawa na, maliban lang sa akin.

"Hayaan mo na si Kris, mainitin talaga ang ulo nun." Sabi sakin ni Baekhyun at natawa padin sila. Halata naman eh, hindi na kailangan pang sabihin ni Baekhyun. Hindi ko nga nakasalamuha sa auditorium ng maayos, aasahan ko pa bang maayos ko siyang makakasama sa iba pang lugar?

"Teka, nakita niyo ba si Sehun? Bigla nalang kasi nawala." Tanong ni Suho at ako naman bigla akong nabulunan. May zago na naipit at lalamunan ko. Di ako makahinga!

"Ahem- e...ekk.. ehem!" Sigaw ko para lumabas yung zago.

"Uy, Soo! Okay ka lang?" Tanong ni Suho at tumingin ako sakanya, hawak hawak yung leeg ko at umiling ako. Hindi na ako makapagsalita kasi baradong-barado na yung lalamunan ko. Hinigpitan ko pa yung kapit ko kay Suho dahil sobrang sakit na ng lalamunan ko.

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon