Wish Upon A Star

2.9K 54 34
                                    

 WiSH UPON A STAR :)

Short Story

..kahit minsan ba nasubukan mo nang tumigil ng sandali para lang bigyang pansin kung gaano kaganda ang mundo na ginagalawan natin..

..nung bata pa lang ako mahilig na talaga akong tumingala sa langit kapag gabi.. lagi kong tinititigan ang buwan pati ang mga  nagnining-ning na mga bituin.. and one of the best part kapag nakatingin ka sa langit ay kapag nakakita ka ng falling star :)

..kapag tumitingin ako sa langit gumagaan ang pakiramdam ko at para din na gusto kong angkinin ang lahat ng nakikita ko dito, I always think na isa ito sa mga pinaka magandang gift sa atin ni GOD, lagi ko din iniisip na isa ito sa mga bagay na hinding hindi pwedeng agawin sa akin pero pwede kong ishare para sa iba  .. siya nga pala I’m Jules Soriano :) yun na lang ang sasabihin ko, siguro naman hindi na importante pa kung ilang taon na ako o saan ako nakatira or kahit na ano pa..

..nung bata pa ako, isang gabi na naka upo ako sa park at naghihintay para kay mama tinitignan ko ang langit ito kasi ang nakakapagpasaya para sa akin.. tapos bigla na lang may lumapit na isang batang babae sa akin.. hindi siya nakatingin sa akin.. nakatingala lang din siya tapos kinakausap niya ako.

“ang ganda tignan ng langit diba? :)” hindi ako sumagot, malay ko ba kung ako nga ang kausap niya.. haha. Hindi ko naman kasi siya kilala.. tinitignan ko lang siya..

Wish Upon A StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon