Malamig na ang simoy ng hangin. Mahamog, nagsisimula na mangaroling ang mga bata, marami ng mga dekorasyong pampasko, mga ilaw na kumukutikutitap. Ilan lang to sa mga senyales na malapit na magpasko. Malapit na yung monthsarry namin ni Ana. Haay. Staying Strong pa rin kami. Kahit madalas na kaming nagkikita, super taas pa rin nga mga grades ko. Minsan nga pumupunta siya sa bahay namin para magpatutor, pero pag pa-chix siya, pinapokya ko siya ng assignment. Galing no. Since tapos tapos na yung Christmas party, edi Christmas break. Mas marami kaming time ni Ana na magkasama. Dahil iba ang trip namin ngayon, nagcommute kami pauwing magkasama. Maraming nga kaming napagusapan nung sumakay kami ng Jeep.
"Anung Plano mong Christmas Break natin ngayon? Bakasyon.", sabi ko sa kanya.
"Edi anu pa nga ba? gumala. kumain. matulog."
"Kahit kailan talaga galaera ka na matakaw ka pa"
"Ayyy nagsalita ang hindi matakaw. Pero seryoso ikaw anung plano mo."
"May plano ako para sa ting dalawa.", sinabi ko kay Ana with pleasing eyes and seriousness.
"Ano naman yun?"
"Paano kaya kung magkasama tayong magsimbang gabi. Kakaibang trip yun. Puyatan tayo.", sabi ko.
"Puwede kaso walang mang-iindiyan ah. Dapat magkasama tayo parati magsimba."
"OO naman. Giginawin ako pagwala ka. Gusto ko kayakap kita parati.", sabi ko sa kanya.
"Ang landi mo! Lagi nga tayong magkasama eh. Sige deal, magsimbang gabi tayo ah. ", nagshakehands kami. Nakakaexcite. First time ko magsimbang gabi kasama yung girlfriend ko. Kakaibang idea. Kakaibang trip.
Unang Araw ng Simbang Gabi
2:30 AM na nung nagising ako. Medyo maaga kasi 4:00 AM naman yung simba. Ang baho ng hininga ko. Nag-toothbrush ako. Naligo at Naghilamos. Nagbihis. Tapos Tinext ko si Ana.
Muse Ko. Gising na. 3:10 AM na. Pag di ka pa gumising Pangit ka sige ka. Haha joke lang. Papunta na ko diyan sa bahay niyo.
Nagreply siya.
Kakagising ko lang. Salamat sa text mo. Eto paligo na ko. Love you escort ko.
Lumabas na ko ng gate ng bahay namin at naglakad papunta sa bahay nila. Medyo may ilaw ang karamihan sa mga bahay. Siyempre unang araw ng simbang gabi. Excited. Ayun nasa harapan na ko ng bahay nila Ana.
"Tao po! Ana!", sumigaw ako at walang sumagot. Halos mga 20 minutes akong naghintay. Malapit na magmisa.
"Tao po! Ana! Bilisan mo na! Yung kampana tumutunog na!", ayun ilang saglit lang lumabas na si Ana. Gayak na gayak.
"O, saan ang punta mo? Party. Grabe ha."
"CHE! Masamang bang magpaganda kahit konti.", nabwisit ko yata.
"Joke lang. Magand aka na kahit walang make-up. You're Beautiful Just the Way You Are."
"CHE! Malayo pa ang Pasko. Nakakain ka ata ng QUESO DE BOLA! Puro bola nasa bunganga mo!", natawa na lang ako. Sanay na ko kay Ana. Mataray siya pero mabait yan. Sweet pa.
"Tayo na, lakad na tayo papuntang simbahan."
"O tayo na.", habang nalalakad kami, nilamig ako.
"Ang lamig, kailangan ko ng yakap.", hirit ko kay Ana.
"O eto yakapin mo tong bag ko!"
"Wag naman. Ang kailangan ko, hug ng taong pinakamamahal ko eh.", napangiti si Ana.
"Sige na nga, eto i-hu-hug na kita. Landi mo eh!", hinug ako ni Ana.
"Sus gusto mo naman eh. Pakipot ka pa. Buti nga ako pa nagsabi sayo i-hug mo ko.", sabi ko kay Ana.
"Kahit kailan talaga di nawala kakapalan ng mukha mo!", sabi niya sa kin.
"Kurutin mo nga kung makapal. Eh ano tawag sa mukha mo, manipis!"
"LECHE!", sabi niya.
"Habulin mo ko!", tumakbo ako papuntang simbahan. Hinabol ako ni Ana. Para kaming mga batang nagtatakbuhan sa Luneta. Medyo marami ng tao ng dumating kami sa simbahan. Ayun nung nasa simbahan kami siyempre nakinig kami sa sermon. Kahit minsan nagkukulitan at nagkikilitian. Ang lamig, buti na lang naka-jakcet ako. Nung nag-peace be with you na, nagnakaw ako ng halik sa cheeks niya tapos niyakap niya ko. Ang sweet lang talaga namin. Pagkatapos nung misa may nakita si Ana Putobumbungan.
"Ui Anton, libre mo ko ng puto bumbong.", pagyaya ni Ana.
"Sure sige. Ilan gusto mo?"
"10 haha. hording. Favorite ko to eh."
"Wag naman 3 okay na?"
"Sure.", ayun binili ko yung puto bumbong mga 7 piraso. para sa kin tsaka para kay Ana. Naglakad na kami pauwi.
"Kita kits bukas?", sabi ko kay Ana.
"Parang di magchachat at magtetext mamaya.", sabi ni Ana.
"Eh mamimiss kita eh. hug mo ko", ayun hinug ako ni Ana at nagpaalam na kami sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomanceSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.