Puppy Love (Chapter 14): Huling Araw Ng Simbang Gabi

11 0 0
                                    

Chapter 14 

Nagdaan ang mga araw at tuloy-tuloy kaming nagsimba. Walang tigil. May isang araw nga lang na muntik na kaming hindi makagising. Ayun nagmadali na kami, hindi na nga ako nakapagayos ng damit at istura ko. Masaya ako kasi lagi ko siyang nakikita. Araw-araw ko siyang nakakasama. 

Ika-Siyam na Araw ng Simbang Gabi 

 Sa wakas, naka siyam na araw din kami. Importante tong araw na to. Lahat ng hirap, puyat, pagod napagdaanan namin. Pero ang mas masaya, kasama ko si Ana sa karanasang to. Wala nang mas sasaya pa sa kasama mo ang kasintahan araw-araw. Gumising ako mga 3:20 AM na. Medyo pagod na rin ako kakagising ng maaga. Pero huling araw na! Papatalo ka ba sa antok! Last day na ng Simbang gabi! Mamimiss ko rin to. May next year pa naman eh. Dali dali akong naligo at nagbihis at pumunta sa bahay nila. Dali-dali ring lumabas si Ana. 

"Grabe muntik na kong di makagising. Buti na lang nagalaram yung clock."

"Okay lang yun, tara na.", tumakbo na kami papuntang simbahan. 

"Naku wala akong jacket. Madali pa naman ako sipunin.", pinahiram ko yung jacket ko sa kanya.

"O Eto muna gamitin mo.", sinuot niya tapos niyakap niya ko. 

"Thank you Escort ko.", pumunta na kami ng simbahan. Ang dami na namang tao. Ayun siyempre nakinig kami sa misa tapos after nung misa. Pumunta kami sa altar. Kinausap ko siya habang naglalakad kami. 

"Alam mo ba balang araw, gusto kitang ilakad dito.", sabi ko sa kanya.

"Hay Anton ang landi mo na nga, ang corny mo pa.", pero nagblublush siya.

"Seryoso. Gusto ko ikaw na yung first and last ko."

"Ang sweet mo talaga kahit kailan. Yan ang gusto ko sayo.", naglakad kami sa harapan, umupo tapos lumuhod. 

"Alam mo ba yung sabi nila na kapag natapos mo yung siyam na simbang gabu may pwede kang hilingin.", sabi ko.

"Talaga?"

"Oo. Ako nga ilang taon ko ng ginagawa yun basta natapos ko yung simbang gabi."

"Kung saka-sakaling may hihilingin ka, anu yun?"

"Ikaw muna."

"Umm Ako. Yung matupad ko yung mga pangarap ko sa buhay. Maging Architect. oh Ikaw na."

"Gusto mo ba talaga malaman?"

"OO naman.", sabi ni Ana.

"Ang tanging hiling ko lang naman eh makasama ko habambuhay yung katabi ko ngayon.", napatigil siya. 

"Tama na nga, masyado na tayong nilalanggam.", sabi niya.

"May nakalimutan ka ba ngayon?", tanong ko sa kanya

"Ewan."

"Anu ka ba, Monthsarry natin ngayon. Happy 6th Monthsarry. Ang swerte, Christmas Eve."

"Oo nga! Sensya! Sobrang puyat nakalimutan ko na. Happy Monthsarry.", kiniss ko siya sa cheek tapos kiniss niya ko sa cheek. 

"May banat ako sayo"

"Anu yun?"

"Dalawang araw lang naman kita gustong makasama Muse ko.", 

"Talaga Escort ko?"

"Oo naman, araw-araw", 

"Hay dinadaga na tayo dito sa cheesiness natin.", 

"Tara na uwi na tayo. Kita tayo mamaya, Lunch sa Wendys ha."

"Oo naman malapit lang eh", ayun naglakad kami papauwi

"See you later sa Wendy's See you tomorrow sa Outreach program. Bye Muse ko. I love you."

"Bye Escort Ko, I love you too.", hinalikan ako ni Ana sa labi, magandang Christmas gift to. Umuwi ako sa bahay ng may malaking ngiti. Ang sayang Pasko naman nito.

Puppy Love (Ongoing Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon