Operation Recollection! (one shot)

88 2 0
                                    

"Class there are only 4 days left before your graduation that is why the school will organize a somewhat recollection tomorrow where you will have a chance of 3 minutes to tell each of your classmate everything that you want to say. Lahat Sila ay makakausap niyo bukas ng personal..Yung mga kaaway niyo at pati na rin Yung mga special someone niyo, Lahat sa loob ng tatlong minuto." inanounce ni Ma'am Delgado ang paparating na recollection bukas sa graduating class

Biglang naghiyawan Yung klase at lahat ay para bang mga hayop na nakawala sa kanilang mga kulungan Lahat excited para sa recollection bukas.

"Okay class dismissed" sabi ni ma'am na isang signal na recess na.

" Bestfrieeeeeeeend!" Tili nang bestie kong si Pem habang Hinihila ako ng malakas

" Ano na naman sayo Pem?"

" Ella! Hindi ka ba masaya? May chance Kang makausap si Nathan!" Sigaw niya

" Anak nang! Tumigil ka nga dyan Pem Baka marinig ka niya!" Sabi ko sa kanya habang tinatakpan Yung bibig niya ng kamay ko

Si Nathan? Siya lamang si Mr. Perfect ko at ang nag-iisang crush ko Simula first year kami

At hanggang ngayon walang nakakaalam ng nararamdaman ko sa kanya maliban dito sa makulit kong bestfriend.

At malamang Yung recollection lang ang tanging paraan para masabi ko sa kanya ang lahat bago kami grumaduate

Pero parang Hindi ko yata kaya eh! Natatakot akoooo!

" Anong sasabihon mo sa kanya bukas? Sabihin mo na Lahat dre! Exciting yun!" Ayan na naman si Pem

" Ewan ko sayo Pem! Nakakatakot kaya yun. At Kahit gusto ko na umamin sa kanya, Hindi ko kaya dahil Baka Kung ano isipin niya." Sabay lamon ko ng baon na chips

" Yieee Echoos ka pa Dyan sasabihin mo lang naman eh" sagot niya naman habang tumatawa

" Che! " yun na lamang ang sagot ko sa kanya

" Tekaaaa! bright Idea! Alam ko na! Bwahahahha!" Sabi niya Sabay tingin saakin

" Ay naku ikaw Pem ha! Natatakot ako sa Kung ano ang Plano mong yan! Kung ano man yan

AYOKO."

Yan kasing bestfriend ko pag may bright idea equals malaking plano. Ang lakas ng imagination niya na minsan napapahamak kaming dalawaaa parang Phineas and Ferb lang ang peg.

" Trust me bestfriend! This time Hindi to papalpak!" Sabi niya saakin

" Eh ano Plano mo?" Tano ng ko sa kanya Sabay titig ng diretso

" Halika!" Sabi niya Sabay hila saakin para ibulong ang naisip niyang Plano

.

.

.

.

.

.

.

.

" Tatawagin natin itong Operation tuli! Ay Mali pala sorry! Operation Recollection!" Sigaw niya sa tenga ko pagkatapos ibulong ang Plano, Grabe Baliw na talaga tong isang to

Wala akong magawa kaya sinunod ko na lamang ang gusto niya para pagbigyan siya.

Rehearsal daw ang Gagawin namin mamaya.

Pagkatapos ng klase ay magpapaiwan kami sa classroom para magrehearse ng sasabihin ko bukas sa harap ni Nathan.

Oorasan niya daw ng 3 minuto ang speech ko.

Operation Recollection! (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon