Matinding pintig ng mga puso, pinapawisang mga palad, at ang mga armas, nakataas at inihanda. Ang ulap ay kulay-abo, nagmimistulang salamin sa damdamin ng libo-libong mga tao na nagtipon sa harap ng munisipyo. Ang amoy ng masangsang ng bakal at mamasa-masang lupa ay naghalo at bumalot sa kanilang lahat; kahit ano ay maaring mangyari. Ang takot sa lingid na kaalaman ay di kinikilala ng mga kasapi. Matapos nang lahat na kanilang pinagdaanan, wala nang lugar para umurong at sumuko- kami o siya lamang ang tutumba ngayon.
Para sa masa, ang bulong nila sa sarili.
Ang mamatay para sa Vida ay isang karangalan. Sa gitna ng dagat ng rebelyon, isang babaeng may buhok na kasing itim ng tinta at mga matang may tapang ng apoy. Sino nga ba maga-akalang isang babaeng tulad niya ang maglulunsad ng kilusan laban sa manunupil na tulad niya. Hindi niya ito maaasahan. Bago niya mautusan ang mga mambubutang niya, sila ay mababalutan na ng sariling maruruming dugo tulad ng kanilang mga biktima sa kalsada.
Walang awa.
"Lilith,"
Tumingin ang babae sa kanya, ngumiti na para bang pinapalakas ang kanyang loob at hinawakan ang kanyang kamay.
"Ngayon natin sisingilin ang kalayaan niyo, Markus." sabi nito na may matinding paninigurado
"Salamat." Ngumiti si Markus habang tumango si Lilith at pinisil ang kamay niya, isang huling beses bago bumitiw para kunin ang sandata at armas.
"Harapin mo kami, duwag! Harapin mo kami, mga taong inalipin mo, mga dugo ng kabataan na kinatas para sa iyong kapangyarihan! Harapin mo kami para makita mo mga mukha ng mga inosente bago ka mamatay sa madugo mong laban! Harapin mo kami habang tinatapos namin ang paniniil!" Sigaw niya, ang mga ugat sa leeg ay kitang kita at ang luha tumutulo sa pulang pisngi, "Harapin mo ang anak mong tumitindig laban sa karahasan ng sariling ama!"
A higanteng pader na bato ay naghiwalay at lahat ng tao ay napatingala sa diktador, nakasuot ng kulay-abo na ternong pang-ibabaw at pang-ibaba. Mayroong dalawang malalaking gwardiya sa tabi niya. Napatingin si Lilith sa ibaba at nakitang may mas ikakapapanget pa ang mahal na bayan ng Vida.
"Ang aking unica hija, napakasahol naman netong sorpresang ito," tumawa ang diktador na parang demonyo kasama ang kanyang mga utusan.
"Aking ama," sinabi niya, gigil na gigil, "Ano pa ba hinihintay mo?"
Itinaas ng diktador ang kanyang kamay at lumagitik ang daliri na nagdala ng nakamamatay na katahimikan sa mga tao. Hindi nagtagal ay nagmartsa na ang mga utusan.
"Patayin mo silang lahat." Tahimik ang kautusan ngunit tila yelong matulis na sumaksak sa tenga ng karamihan.
At tila ang impiyerno ay nabuwag.
BINABASA MO ANG
Marionette: The Robyn's Play
Adventure"Magandang gabi," Ang kanyang ngiti ay tila sapat upang magpadala ng kilabot mula ulo hanggang paa at iniligay ang kanyang kamay sa balabas-sarado nitong baba Napalunok si Olessia, nagkukunwaring buo ang loob, "Nasaan ako?" "Sa tingin mo ba hindi k...