"CHAPTER 5"

92 17 3
                                    


Chapter 5
**The Demon Punished**



"Julie Point of View"



Ang sakit ng ulo ko, agad kung iminulat ang mga mata ko, nakita ko ang maliwanag na parang nasa langit na yata ako, ngumiti na lang ako.



"Hoi, anong ngiti ngiti mo jan, kumain kana, akalain mo may pagkain rin pala rito kahit na nakakatakot" lumingon naman ako kung sinong nakipag-usap sakin, si Deanie pala. Ngumiti ako sakanya, para na akong baliw nito, diko alam kung anong nangyari sakin.



"Deanie ano bang nangyari talaga sakin ba't nagkaganito ako, nahihilo na parang iwan" walang ganang sabi ko, wala na talaga akong lakas kahit na nakatulog ako ng ilang oras. Umupo ako sa kinahigaan ko at ina-alayan naman akong umupo nito. Agad akong kumuha ng dalang Apple nito medyo fresh ito. Kumain narin ako ng rice at ang ulam ay isang piniritong isda.



"Dahan dahan lang kumain baka mabilaukan ka niyan" sabi ni Deanie sakin.



"Nagugutom na kasi ako noh, panong hindi ako makakain ng madamiiiii *ink*"




"Tubig, tubig" agad kung tinunga ang bigay niyang tubig "Don't talk if your mouth is-"



"Full" sabi ko ng agad akong nakahinga ng mluwag "Paanong hindi maka salita baka magalit kap kapag hindi ko sasagot" sabi ko nito agad naman siyang nag pout.



"Sinabi ko bang sagutin mo ako, pwede namang taposin mo munang kumain at tumayo kana, tapos maghanda na naman tayo ng panibagong armas, mag-ikot-ikot rin tayo rito para malaman natin ang kanilang kahinaan o ano bang nangyari dito sa bahay nato, kaasar na nga dito, sana maka alis na tayo dito sa pesting bahay nato" aniya. Agad na siyang nag walkout, ako nito ay kain lang nang kain, sino kayang nagloto nito, sarap magloto.



Akala mo kung sinong nagsalita, pero bilisan kong kumain para naman makahanap na kami ng clue, nas mabuting maaga kaming kikilos.



Nang natapos na akong kumain ay agad din akong umalis dito sa walang kabuhay-buhay na kwarto, napaka bored ng kulay.



"Tapos ka na palang kumain, tayo na, doon tayo sa library" sabi ni Deanie sakin, kasama narin namin si Karleizl na ngayon ay nakahawak lang sa braso ko.



"Kailangan nating makuha si Lorjean sa madaling panahon Julie kasi nag-alala na ako sakanya baka naman sinaktan siya doon" sabi ni Karleizl na parang bata, agad ko siyang tinanguan at ngumiti, ngumiti rin siya, while si Deanie ngayon ay nauuna nang naglakad papuntang Library.



"Alam mo ba Julie may nakita akong album ng family nila, ang sweet pala nilang mag pamilya dahil sabay sabay silang natutuwaan, naglambingan at nagtatalunan, pero di ko pa natapos iyon, iwan ko ba, bakit kaya nagkaganito sila, wag mong sabihing sinumpa itong bahay nato o di kaya parang sa movie ng beauty and the beast, baka nga may zuma rin dito, or halimaw sa banga sana wala" aniya, ang corne nito, pero napaisip lang ako baka ngang sinumpa ito, pero bakit sila sinumpa diba happy family sila. Wala akong imik na pinansin si Karleizl at nagpatuloy lang sa paglalakad ng nakaabot na kami sa Library ay nakita ko kaagad si Kent, Joshua and Deanie na nagbabasa ng mga creepy books yata.



House Full Of Surprises(The Unknown Curse)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon