Alam niyo yung feeling na pinafall ka pero di ka naman sinalo. Yung feeling na hindi kayo pero grabe ang pagpapakita niya ng motibo sa iyo, at dahil sa mga motibong pinapakita niya ay nahuhulog na ako sa kanya. Yung inadmit ko sa kanya na mahal ko siya, pero ilang araw lang ang nagtagal hindi ko alam na may iba na pala siya, kaya lately ay hindi niya ako pinapansin dahil may bago siyang kaMU, grabe yung feeling na inlove kana sa kanya pero ang nangyari ay nilet go ka niya. Ang sakit grabe. Yung feeling na hindi ka na kayo nagpapansinan dahil nga ayaw daw nung bago niyang ka MU, kaya lumayo din ako sa kanya. Pero iba yung feeling na pagmagkikita kayo ay gusto mo siyang yakapin, gusto mong hawakan ang kamay niya. Pero wala akong magawa wala na eh nag let go na siya.
Pero dumating yung araw na chinat ko siya, nag ask ako ng permission if kung pwede ko bang gamitin ang kanyang pangalan sa storyang gagawin ng kaibigan ko na tinutulungan ko. Hindi ko inaasahang pumayag siya, at sa araw na yun, tinanong niya ako kung pwede ba daw siyang makipag balikan sa akin, pero di ako naka sagot agad, dahil nga diba may kaMU siya, tapos nalaman ko rin na bet niya ang close friend ko. Ang malas ko diba? Nung sunod na araw, lumapit ako sa kaklase niya, tapos biglang sinabi nga kaklase niya na "Ate, MU raw kayo ni *******?" na ikinabigla ko naman dahil di naman ako pumayag na kung pwede ba siyang bumalik sa akin, kaya tinawag ko siya at nung paglabas niya ay lumapit ito sa amin, at tinanong siya ulit ng kaklase niya na "MU kayo ni ate?" takang tanong ng kaklase niya, at sunagot niya naman ng "oo MU kami " kung alam niya lang yung feeling na ginaganyan niya ako. Walang patawad grabe ang kapal ng mukha, pero I know to myself kahit sabihin ko na ang kapal ng mukha niya ay mahal ko pa rin siya.
Pero di ulit nag tagal repeat the history parin, ayun nung may naka MU na siya na taga ibang school nanaman ay nilet go niya ako ulit.
---------+++++++--------------
Hahahahaha ansakit non' ang sama naman ni guy.Alam niyo yung feeling na habang nag huhugas ka ng pinggan ay pinapagalitan ka pa rin dahil di ka raw gumagawa ng kahit ano dahil naka kulong ka lang raw sa kwarto mo. Ang galing anyway giod night readers~
August, 29. 2017