Tulay

31 0 0
                                    

Tulay

Tulay na nagdudugtong sa inyo
Tulay na pinaghirapan ko
Tulay na ako ang may gawa
Tulay na sa akin ay sumira

Matagal na tayong magkasama
Pero torpe pa rin ako sinta
Kase alam kong may mahal kang iba
Alam kong wala na akong pag-asa

Gagawin ko ang lahat para sa iyo
Kahit alam kong masasaktan ako
Ano bang pangalan niya
Tutulungan kitang mapalapita sa kanya

Ang tanga tanga ko na
Mahal kita pero iba ang aking ginagawa
Pinapaligaya kita gamit ang iba
Kung pwede ako na lang kaso diko magawa

Ilang beses na nga ba
Ilang pabor na ang hiningi mo para sa kanya
Sana nga ako na lang siya
Para mahalin mo ako sinta

Alam kong hanggang dito na lang ako
Hanggang dito na kang tayo
Ako lang ang magiging tulay mo
Pero kailanman ay hindi ako ang mamahalin mo

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon