Iiwas na lang...
Nitong mga araw na nagdaan
Lalong lumalalim aking nararamdaman
Alam kong bawal na ito
Pero pilit pa ring nakikipag-usap sayoSiguro iniisip ng iba, ang landi ko na..
Alam kong may syota na nilalapitan ko pa
Di ko maibuntong ang sisi sa kanila
Sa totoo, kasalanan ko naman talagaAyoko nang mas mahulog pa ako
Kase sa huli masasaktan nanaman ako sayo
Ang kaso kahit anong pilit ko
Paulit- ulit lang rin naman na nangyayari itoPeste, bakit umaasa pa kasi ako
Kahit alam kong meron ng kayo
Dapat nga wala na ako dito
Kontrabida lang naman ako sa inyoSiguro nga baka oras na
Oras na para ako'y tumigil na
Hindi na tama na meron pa tayong koneskyon
Magdudulot lang ito ng kumplikasyonOo na, ako na lang ang iiwas
Para relasyon niyo'y di na magasgas
Ako na lang ang lalayo
Kahit mahirap ito sa parte koHindi na kita kakausapin pa
Hindi na kita lalapitan sinta
Pero hindi ko kayang tumigil dito
Dito sa pagmamahal ko sayoMag-iwasan na lang tayo
Para matahimik na ang mundo niyo
Pangako, hindi na ako manggugulo
Alang alang sa ika-liligaya mo...
BINABASA MO ANG
Tula Para Sa Aking Mga Naging Sinta
PoetryMga salitang di mabigkas Kaya pilit na tumatakas Mga salitang di masabi Tinatago nalang sa paghikbi Mga salitang di magawa Aking idadaan sa tula Bunga ng pagmamahal at pag-iwan nila Lahat ng ito'y aking nailathala