Chapter 8

1.4K 35 1
                                    

BETTY and the PRINCE

written by: Lorna Tulisana

Napatigil sa bungad ng kuweba si Betty ng makita ang umiiyak na si Wewa. At ng makita siya nito ay tila kasing-talim ng itak ang tingin nito sa kanya.

"Wewa,anong nangyari?",lumapit ito sa bata.

Aktong hahawakan ni Betty ang kaibigan ng mabilis itong umiwas at umatras, " Huwag mo akong hahawakan,espiya!".

Sa salitang espiya,naramdaman ni Betty na may problema.

"Mali ako ng pag-aakala na isa kang mabuting tao! Kasing sama ka rin pala ng mga Ramaka!", halos pasigaw nito sa pagitan ng pagluha.

" Ng ano?".

"Wewa.....".

Sabay na napatingin ang dalawa sa prinsepe na nasa bukana ng kuweba. Mabilis na lumuhod at yumukod si Wewa bilang paggalang sa bagong dating.

At kung kasing-talim ng itak ang tingin ni Wewa kay Betty,kasing-talim naman ng espada ang sa prinsepe.

Pakiramdam ni Betty ay bibitayin na siya.

"...iiwan mo muna kami! Gusto ko siyang makausap!", hindi ito kumurap sa pagkakatitig kay Betty.

Mabilis na tumalima si Wewa. Halos tumakbo ito palabas.

"Saan ka nanggaling?".

"Sa bayan! Hindi ba't binigyan mo naman ako ng kalayaan na mamasyal doon?".

"At inabuso mo ang kalayaan na iyon!", halos pasigaw nito na nagpaatras kay Betty, "Kinuha mo lang ang tiwala ko para maituloy mo ang noon pa ay balak mong paghahasik ng gulo dito sa Bernalia!".

"Anong ibig mong sabihin?", naguguluhan si Betty,ilang beses na niyang nakita kung paano magalit ang prinsepe,pero sa pagkakataong ito ay hindi lang ito basta galit,galit na galit,tila gusto na siyang saksakin ng matatalim nitong mga mata.

"Alam mo ba kung ilang mamamayan dito sa Bernalia ang magugutom dahil sa ginawa mo?".

" Teka,ano bang ginawa ko? Nakakagutom na ba 'yong maglakad-lakad at mamasyal. Ako nga ang nagutom!".

" Huwag ka ng magkaila pa,espiya....".

At sa muling pagkakarinig ng salitang espiya,sigurado na si Betty na may malaki ngang problema.

".....may nakakita saiyo ng pakainin mo sa apoy ang Tantula!".

Tarantula? Ang alam niya ay isang malaking gagamba 'yon. Kung makakita man siya noon,talagang iba-barbecue niya ito. Ang tanong,tama nga ba ang pagkakarinig niya? Dahil sa pagkakaalala niya ay wala pa naman siyang tarantulang nakakasalubong sa ilang buwan na niyang pamamalagi sa Bernalia.

" Bakit hindi ka makapagsalita,espiya?".

"Kasi hindi ko maintindihan kung ano ba ang sinasabi mo! Anong tarantula? May tarantula ba dito?".

"Tantula!", muling sigaw nito, " Lugar iyon kung saan kinukuha ang mga kinakain ng buong Bernalia! Isa iyong malaking taniman at hayupan!".

Kinutuban si Betty. Kaya ba galit na galit sa kanya si Wewa at maging ang prinsepe dahil siya ang pinaghihinalaan ng mga ito sa nangyari?

"At dahil sa ginawa mo,maraming tanim ang nasunog at maraming hayop ang namatay!".

"Wala akong kinalaman sa sinasabi mo!",unti-unting bumabangon sa dibdib ni Betty ang pagkasuklam sa lalaking minamahal. 

Paanong pinagduduhan siya nito? Dahil ba hindi pa rin mawala sa isip nito na isa siyang mapanganib na espiya na ipinadala ng ibang Kaharian upang maghasik ng gulo?

BETTY and the PRINCE: book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon