His Unexpected Confession

532 10 4
                                    

Hi my name is Kisha Reyes, 15 and turning 16 soon, 4th year high school, mahilig mag wattpad at isang facebook operator ng isang fictional character aka OP ng isang story sa wattpad.

Alam nyo ba yung feeling na may guy bestfriend? Ako kasi wala nun eh, hindi naman sa nag-iinarte ako pero iba daw kasi yung feeling na magkaron. Actually may kaibigan naman akong lalaki pero hindi ko yun bestfriend kasi crush ko sya.

Sa sobra naming close napapagkamalan kami na 'kami' daw yung as in mag bf/gf. Nang hihinayang naman ako sa tuwing naririnig ko ang mga bagay na yun, naiisip ko kasi sa sobrang close namin na parang mag bestfriend, bakit hindi ganun yung trato nya sakin? I mean, bukod sa ilang kaibigan nyang lalaki, ako lang ang kaclose nya mula pa pag kabata at ako lang ang nakakalapit sa kanya na babae. Sya na nga yung tinuturing ko bilang bestfriend eh kahit di nya alam. Kasi kahit na hindi namin nasasabi sa isa't isa na mag bestfriend kami, lagi naman kaming nandyan para sa isa't isa.

Pero mahirap rin pala pag wala kang ibang kaibigan, lumaki kasi ako na si Kyle lang ang palagi kong kasama simula pag kabata. Sya lang ang natatanging kaibigan ko kaya nga ata ako nagka crush sa kanya at tuluyan ng na inlove eh. At dahil nga sa wala akong ibang kaibigan wala akong na pag sasabihan ng feelings ko sa kanya.

Minsan tuloy naisip ko na maghanap na lang ng ibang kaibigan kahit sa facebook lang, yung kahit di mo kilala personally. Sabi kasi nila na parang mas okay pa daw makipag usap sa isang stranger kasi atleast di ka naman nila kilala at di ka nila basta basta mahuhusgahan.

Kaya naman nililibang ko na lang ang sarili ko sa pag wawattpad at pagiging OP ng isang fictional character ng isa kong favorite na story.

Nagmessage naman yung author nung story ng pinag ooperatan ko, sabi nya na kelangan nya daw ng isa pa na pwedeng mag operate ng facebook nung bagong character, sinabi ko naman na wala akong alam kung sinong pwede. Alangan namang si Kyle e di naman yun mahilig sa mga ganun.

Nag sulat na ako sa bagong diary ko at nilagay ito sa bag bago ako natulog. Excited na akong pumasok bukas kasi sabay kaming papasok ni Kyle.

--------------------------------------

"Good morning po tita" masiglang bati ni Kyle kay mama, saktong kakadating nya lang at pababa na ako ng hagdan. "Good morning Kish" sabi nya saka nag smile, ngumiti lang din ako bumati. Napaka gwapo nya talaga, napaka swerte ko at kaibigan ko ang lalaking to, kaya naman napakaraming naiingit sakin sa school eh. Magsawa sila! haha

"Tita una na po kami ah" sabi nya kay mama habang naka ngiti

"Osige, ingat kayo ha. Salamat nga pala sa laging pagsabay mong pumasok dyan kay Kisha, bagay na bagay talaga kayo" sagot ni mama kaya naman na napasigaw ako sa kanya "Ma naman eh!" Nakakahiya kay Kyle no, baka bukas di na ko sunduin nito kawawa naman ako. Eto namang si Kyle tumawa lang at umalis na nga kami ng bahay.

Nilalakad lang namin ang school kasi malapit lang naman yung subdivision namin dun. May dala nga pala akong dalawang libro na agad namang kinuha ni Kyle, napaka gentleman nya talaga, lalu tuloy akong nahuhulog sa kanya di naman nya ako sinasalo.

"Akin na yang libro ko magaan lang naman yan."

"Ako na, para namang di ka pa sanay na pinagdadala kita e. Ayoko namang nahihirapan ka pa sa pag dadala." tumingin lang ako sa gilid at lihim na napangiti. Kaso wrong timing kasi bigla namang umambon, knowing Kyle for sure wala yung dalang payong kaya agad akong kumuha sa bag ko. Pagka bukas ko ng payong agad nya itong kinuha sakin.

"Ako na rin magdadala." sabi nya sabay ngumiti, di na rin ako nag pumilit gusto ko rin naman eh. Nakarating na kami sa school at hinatid nya na ako sa room namin. Ayan na naman yung mga titig samin, yung iba nakakamatay, yung iba nakakatuwa. Nakakamatay kasi kung makatitig sila akala mo bawal ng pumasok ng magkasabay ang isang lalaki at babae. E ang dami ngang couple dito sa school namin. Well, sadly hindi kami kabilang sa mga couple na yun. Yung ibang titig naman nakakatuwa, kasi parang kita mo sa iba natutuwa sila samin. So ano kami parang mag bf/gf talaga na staying strong? Sana. Haha

His Unexpected ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon