Chapter 10

1.4K 35 0
                                    

BETTY and the PRINCE

written by: Lorna Tulisana

Kahit napakaganda ng malawak na hardin ay hindi ito naging dahilan upang mabawasan ang kirot na nararamdaman ni Betty sa tuwing sumisiksik sa kanyang isip ang eksenang kanyang nasaksihan kanina. Masaya na ang prinsepe kasama ang prinsesa nito. Nakalimutan na ba siya nito? Ang bilis naman! Samantalang siya ay halos araw-araw iniiyakan ang pagkawala nito sa kanyang buhay.

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapanilawala!".

Kapag naging maayos na ang lahat,lilisanin na niya ang Bernalia. Bahala na kung saan siya dalhin ng kanyang mga paa,kahit pa sa bayan ng Magabo.

"Ang galing niyang magbalatkayo!".

Napansin ni Betty na sumunod sa kanila sa labas sina Prinsepe Yulo at ang malandi nitong prinsesa na talaga namang halos kapit na kapit sa lalake.

Umiwas ng tingin si Betty. Lalo lang siyang nakakaramdam ng sakit.

Kahit may agwat ang distansiya ay hindi inaalis ni Prinsepe Yulo ang tingin sa ina at sa espiya na tila ba nasa malalim na pag-uusap. Labis talaga ang kanyang pagtataka kung paanong nakuha ng dating kasintahan ang tiwala ng reyna gayung hindi ito basta-basta nagtitiwala sa kung sino-sino. Nagtiim ang bagang nito. Napakagaling talagang magsinungaling ni Betty kung paanong napaniwala din siya nito noon.

" Kailangan na nating magmadali,mahal na reyna,dahil nalalapit na araw ng kanilang pagsalakay!",kailangan na rin niyang madaliin ang paglimot sa prinsepe dahil kung siya nga ay nakalimutan na nito.

Napahinto sa paglakad ang reyna,tumingin ito sa malayo, " Ngunit,pareho tayo ng palagay,Betty,na may mga matatapat ng naglilingkod kay Romano dito sa aking Kaharian! Kanino tayo magtitiwala? Sino-sino ang mga dapat nating pagkatiwalaan?".

"May kilala akong taong puwede nating pagkatiwalaan,mahal na reyna!".

Sunod-sunod na katok ang nagpatigil sa buong pamilya ni Wewa sa kani-kanilang ginagawa.

"May inaasahan ba tayong paunahin sa ganitong kalalim na gabi?", takang tanong ng ina ng tahanan na napahinto sa pagsusulsi nito.

"Ako na ang magbubukas!", mabilis na iniwan ni Wewa ang pagpupunas ng mga plato at tinungo ang pintuan, " Betty?!", mulagat nito ng bumungad sa kanya ang nakangiting dalaga.

"Kumusta ka na,Wewa?".

Sa pagkakarinig ng pangalang binitiwan ni Wewa ay halos takbuhin ng buong pamilya ang pintuan. 

"Siya ba ang mapanganib na espiya na kinaibigan mo,Wewa?".

Marahang tumango si Wewa,napayuko ito at iniiwas ang tingin kay Betty.

Dalawang espada ang agad na tumutok kay Betty. At napatingin siya sa nagmamay-ari nito. Isang binatilyo na sa tingin niya ay kapatid ni Wewa,at isang matipunong lalake na kailanman ay isa sa mga taong hindi niya makakalimutan. Dahil kasama ito sa tatlong hoodlum na kawal na humuli sa kanya at nagpahirap noong unang araw niya dito sa Bernalia.

"Ama,anong gagawin natin sa kanya?", tanong ng binatilyo.

"Isa lang ang maaari nating gawin,ang dalhin siya sa palasyo at iharap sa prinsepe at reyna!".

"Hindi na kailangan,kawal!".

Katulad ng suot ni Betty ay nakadamit rin ng isang alipin ang pumasok. Ngunit,agad din itong nakilala ng mga naroon, at mabilis ang mga itong lumuhod at yumukod.

"Mahal na Reyna Berna,isang karangalan ang maging panauhin kayo dito sa aming tahanan!", wika ng kawal.

"Nabanggit sa akin ni Betty na isa kang tapat na kawal ng palasyo!".

Napasulyap ang kawal maging si Wewa kay Betty.

"Handa kong ialay ang aking buhay para sa Bernalia,mahal na reyna!".

"Kung ganoon,tumayo ka,kawal!".

Tumalima naman ang kawal. 

Ipinatong ng reyna ang kanang kamay sa kanang balikat ng kawal, " Itinatalaga kita bilang bagong heneral ng aking mga hukbo!".

Wala mang salitang namutawi sa labi ng mga naroon,naramdaman ni Betty ang pagkabigla ng lahat.

"At inaatasan kita na ipagtanggol ang Bernalia sa nagbabantang panganib!".

Matapos makapag-usap sina Reyna Berna at ang bago nitong heneral ay muling palihim na bumalik ng palasyo ang dalawa.

"Sana ay mangyari ang lahat ng ating mga balak,Betty,bago pa man mahuli ang lahat!".

"Magtiwala na lang tayo kay Heneral Amando,mahal na reyna! Matagal na siyang kawal kaya natitiyak ko na mabilis niyang makikilala ang mga taong dapat niyang pagkatiwalaan!".

"Iyon na nga lang ang magagawa natin,ang magtiwala at umasa na maaayos din ang lahat! Sana nga lang ay bilisan ni Heneral Amando dahil nalalapit na ang ikaapat na kabilugan ng buwan!".

Tinungo na ni Betty ang sariling silid ng makaramdam ng pagod at antok. Ngunit,sa pagsara ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang galit na mukha ng prinsepe. Mahigpit siya nitong hinwakan sa braso.

"Aray! Ano ba?!", nagpapalag si Betty.

"Ano ang ginawa mo para makuha mo ang tiwala ni Ina? Bakit nagbalik ka pa dito? Ano ang masama mong binabalak?".

Malakas na itinulak ni Betty ang prinsepe dahilan upang makawala siya sa pagkakahawk nito, "Nagbalik ako dito dahil may mahalaga akong kailangang gawin! Kung iisipin ko lang ang sarili ko,mas gugustuhin ko na hindi na kita makita pa kahit kailan! Dahil kinasusuklaman kita mula ulo hanggang paa,ay hindi! Hanggang talampakan!",mabilis niya itong tinalikuran.

"Aalamin ko kung ano ang mga binabalak mo dito sa Kaharian!",madiin nitong wika.

"Huwag ka ng magpagod dahil malalaman mo talaga 'yon! Now,get out!",itinuro nito ang pintuan.

Kahit hindi man naunawaan ni Prinsepe Yulo ang tinuran ni Betty ay alam niya ang ibig sabihin nito. Mabilis itong lumabas at malakas na isinara ang pinto.

Nag-unahan naman sa pagpatak ang mga luha ni Betty. Bakit ba kasi hindi pa siya ibalik sa pinanggalingan niya para masimulan na niyang kalimutan ang prinsepe? Dahil bawat pagkakataon na nakikita niya ito,nararamdaman pa rin niya ang pag-ibig niya dito.

BETTY and the PRINCE: book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon