BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
"Mahal na reyna,ayon kay Heneral Amando,nakahanda na ang lahat!", halos pabulong ni Betty sa reyna na nakatanaw sa labas ng bintana ng silid nito.
"Mabuti!", lumayo ito sa bintana at tinungo ang kinaroroonan ng isang baul.
Nakamasid lang si Betty ng kinuha nito mula dito ang isang uri ng kasuotan.
"Noong makilala ako ni Haring Marakat,isa akong mandirigma!".
Naisip ni Betty na kaya pala kalmado ito lagi sa gitna ng anumang problema dahil isa pala itong mandirigma. Kahit babae ito,tiyak niyang isa itong magiting at matapang na mandirigma.
" At masakit para sa akin na hindi ko man lang siya naipagtanggol noong siya ay paslangin sa mismong harap ko!", walang kiming hinubad nito ang suot na damit at pinalit ang pandigmang kasuotan nito.
"Mahal na reyna,huwag mong sabihin na......".
"Kailangan ako ngayon ng Bernalia,Betty! At bilang reyna,tungkulin ko na ilayo sa panganib ang aking mga nasasakupan!".
"Pero,may mga kawal na......".
"Sasama ka ba sa akin,Betty?".
"Oo naman! Pero....".
Inihagis ng reyna ang isa pang kasuotang pandigma kay Betty at wala ng nagawa pa ang dalaga kundi ang sundin ang kagustuhan nito. Pero,ano ba ang alam niya sa labanan? Singer lang siya at gitarista.
Natigilan si Prinsepe Yulo habang nakatanaw sa labas ng beranda ng silid nito. Dalawang anino ang kanyang natanawan palabas sa malawak na hardin.
Kinutuban ito ng tinungo ng dalawa ang isang daan na tanging sila lamang ng ina ang nakakaalam. Isang lihim na lagusan palabas ng palasyo.
Mabilis na lumabas ng silid ang prinsepe at palihim na sinundan ang dalawang kahina-hinalang anino. At halos hindi siya makapaniwala kung saan patungo ang mga ito. Sa mapanganib na gubat ng Nanako.
Kahit nagdadalawang isip ay sinundan pa rin ng prinsepe ang dalawa hanggang sa makapasok ang mga ito sa gubat. Iniwasan niya ang lugar ng mga bulaklak ng Bulako dahil baka makita siya ng kung sino man ang kanyang mga sinisundan.
"Ah!", isang espada ang tumutok sa leeg ng prinsepe .
"Magpakilala ka!".
"Ako ang Prinsepe ng Bernalia!".
"Prinsepe Yulo?".
Yumukod ang isang kawal na sa pagkakakilala niya ay ama ni Wewa, "Kawal,anong ginagawa mo dito?", takang tanong ng prinsepe.
Bago pa man nakasagot ang kausap ay isang kawal ang lumapit, " Heneral Amando,paparating na sila!".
Heneral? Nagtalaga na ba ng bagong heneral ang kanyang ina ng hindi niya nalalaman?
Napatingin si Prinsepe Yulo sa hawak ng bagong dating. Hindi siya maaaring magkamali. Isa ito sa mga gamit ni Betty. Ang nagpapalaki ng mga bagay na gustong makita ng may hawak nito. Ang binoculars.
"Maghanda na kayo!", madiing utos ng heneral.
"Masusunod,heneral!", yumukod pa ito bago tumalikod.
"Kawal,anong nangyayari?".
"Mahal na prinsepe,isantabi mo muna ang iyong mga katanungan dahil sa pagkakataong ito,magsisimula na ang digmaan sa pagitan ng mga Ramaka!".
"Ramaka?".
"Magkubli ka,Prinsepe Yulo!".
Sumunod naman ang prinsepe. At ilang sandali pa,tatlong anino ang kanyang nakita na ang isa ay may hawak ng bulaklak ng Bulako para tanglawan ang nilalakaran ng dalawang kasama.
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasíaPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...