BETTY and the PRINCE
written by: Lorna Tulisana
Unti-unting minulat ni Betty ang mga mata ng maramdaman ang init ng kamay na nakahawak sa kanya.
"Sis?!".
Tama ba ang kanyang narinig?
"Sis,are you okay?".
Pumatak ang mga luha ni Betty ng makita sa tabi ang kaibigang matalik, " Tessa!".
Mahigpit na nagyakap ang magkaibigan.
"Kumusta na ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?", buong pag-aalala nito.
Nasapo ni Betty ang noo,may benda ito.
"Nagamot na ang mga sugat mo! Buti na lang at doktor ang isa sa mga bisita ni Jemar!".
Nadako ang mga kamay ni Betty sa kanyang dibdib kung saan bumaon ang patalim ni Lirika,may naramdaman siyang kirot dito.
"Hindi naman naging grabe ang mga tinamo mong sugat,pero sabi ng doktor kung hindi ka agad nagamot,maaaring maraming nawalang dugo sa'yo!".
"Sis,nasaan ako?".
"Nandito ka sa bahay ng mga San Agustin,sa Villa Benedicta! Huwag kang mag-alala,sis,nakakulong na si Lirio!".
"Si Lirio?", pagtataka ni Betty.
Ano ang kinalaman ng ex-boyfriend ni Tessa sa nangyari sa kanya?
"Nanggulo siya dito at nagbanta ng kung anu-ano sa amin ni Jemar. And then,galit na galit na umalis! Wala kaming ibang paghihinalaang iba sa nangyari sa'yo kundi ang gagong 'yon! Siya lang naman ang kilala kong taong walang puso!".
Abot hanggang langit pa rin ang galit ng kaibigan sa ex-boyfriend nito kahit matagal na panahon nitong naging kasintahan ang lalake. Kahit sa kanya nangyari ang ginawa nito,baka isumpa pa niya ito.
Si Lirio ang dahilan kung bakit pumanaw ang ama ni Tessa. Inatake ito sa puso ng minsang umuwi ang anak na may malaking pasa sa mukha at nalaman na sinasaktan pala ito ng kasintahan. Sinugod nito ang binata at nagpambuno ang dalawa hanggang sa inatake ito at hindi na umabot pa ng ospital.
Naging martir man o tanga si Tessa,hindi sa pagkakataong iyon. Hiniwalayan nito ang kasintahan,at ang labis na pagmamahal niya dito ay napalitan ng galit.
"Si Uno?", biglang naalala ni Betty ang sasakyan.
"Nasa garahe! Pero,sis,ang mga gamit mo wala sa sasakyan! Mukhang may napadaang salisi gang,buti na lang at hindi siguro marunong mag-drive kaya hindi tinangay ang kotse mo!".
Naiwan niya ang lahat ng gamit sa Bernalia.
"Teka,bakit nga ba natagpuan ka sa labas ng kotse mo?".
"As usual,itinirik na naman ako ni Uno!".
"Ha? Pero,nakita ko no'ng dinala dito si Uno,in good condition naman siya? Naku,baka tinopak na naman ang makina! Sinabi ko naman kasi sa'yo palitan mo na 'yon dahil nakita mo naman muntik ka ng mamatay!".
Kahit pa may pera siya pambili ng bagong kotse,hinding-hindi niya ipagpapalit ang kanyang Uno. Dahil ito ang laging magpapaalala sa kanya na minsan ay dinala siya nito sa isang lugar kung saan niya nakilala ang prinsepe na minahal niya at nagmahal rin sa kanya.
"Buti na lang talaga at nadaanan ka ni Prince,kung hindi habangbuhay kong.....".
Biglang napatitig si Betty sa kaibigan, "Sino?".
"Si Prince San Agustin! Hindi mo pa 'yon nakikilala. Nakababatang kapatid ni Jemar!", idinikit nito ang mukha sa kaibigan, "Mag-iingat ka do'n dahil certified player 'yon!".
BINABASA MO ANG
BETTY and the PRINCE: book 1
FantasyPaano kung ang pag-ibig na matagal mo nang pinapangarap at hinihintay ay matagpuan mo sa tamang pagkakataon,ngunit sa maling panahon? Mas pipiliin mo bang makulong na lamang dito kasama siya o bumalik sa sariling mundo at muling mag-isa? Isang aksid...