Chapter 11

74 4 8
                                    

Xandra's POV

Nag lalakad ako palabas ng bahay na tinutuluyan namin. Kailangan ko makausap si Xavier. Panigurado galit din sakin yun eh. Pano ko nalaman? Halata sa trato niya sakin kanina. Bahala na kung ano sabihin niya basta kailangan ko makipag-ayos sa kanya bago ako pumili. Alam kong mas matimbang ang mahal kesa sa mahalaga. Kaya dun siguro ako magbebase kung sino ang pipiliin ko. Ayoko makasakit pero mukhang kailangan. 

Nakalabas nako ng bahay at nakita ko si Xavier sa may sea side kaya agad kong nilapitan kahit sobrang kinakabahan ako ng sobra. Ngaun ko lang naramdaman na galit talaga siya sakin. Kasi dati naman nagkakatampuhan kami pero hindi naman yung ganito na parang ang cold niya sakin. Di ko tuloy alam kung pano ko siya susuyuin. Tsk. Nung nakalapit nako sa kanya napatingin siya sakin pero umiwas agad siya. At ako naman umupo sa tabi niya. 

Xavier~ Sorry na, ha? Di ko naman sinasadya eh. Wag kana magalit sakin ha? " sabi ko. Pero itong katabi ko NR as in NO REACTION -_- Ano ba dapat kong gawin? Di ako sanay sa ganito. Tsk. 

Uyyy~ Sorry na, hon. Wag kana magalit sakin. Patawarin mo nako. Bati na tayo :3 Ayoko ng galit ka sakin eh :3" sabi ko habang sinusundot sundot siiya sa tagiliran. Konting push na lang to. Haha. Di ako matitiis nito.

Tumigil ka, Xandra. Tsk. Nakikiliti ako, wag kang makulit jan" sabi niya. Alam kong nag pipigil ng ngiti to. Haha. Kaya imbis na tumigil ako lalo ko siyang kiniliti.

Ayaw. Patawarin mo na muna ako, tas kapag pinatawad mo nako tsaka kita titigilan. Kaya sige na." 

May ginawa kabang iba para magalit talaga ako sayo? Alam mo Xandra, may tiwala ako sayo. Alam ko yung mga nakita namin kanina alam ko lahat may dahilan. Tulad nga ng sabi mo kanina sa kapatid mo, nilalamig ka kaya ka niya niyakap. Pero may dapat paba akong malaman ha, Xandra? May itinatago kapa ba samin? " sabi niya. Naguguilty ako nag sinungaling ako sa kanila kanina. Pero kung yun ang solusyon para mag kaayos kami ni Xavier tutuluyan ko na ang pagsisinungaling tutal naumpisahan ko naman na eh. 

S-siyempre wala na. Ano ka ba. Sinabi ko na lahat kanina yung dapat niyong malaman no. Yun na yun lahat" sabi ko

Buti naman. Pero inaamin ko kanina nung nakita ko kayo ng ganun ang pwesto nag selos ako ng sobra. Alam kong mali na mag selos ako kasi parang ang lumalabas, wala akong tiwala sayo. Pero kasi kahit sinasabi ko kanina sa sarili ko na wag ako mag selos kasi wala lang yun, di ko pa din maiwasan. Di ko alam kung bakit. Xandra, may dapat ba ako ikaselos sa inyo ni Xander? Nahihirapan kana ba ha? Nahihirapan kana ba kasi parang ako yung dahilan kaya di ka maging masaya ng tuluyan?"

Wala ka dapat ikaselos, Xavier. Wala ka dapat pagdudahan samin. Oo, may past kami ni Xander pero wala na yun. Matagal ko na nakalimutan yun, at ikaw ang dahilan kung bakit nawala yun kasi tinulungan mo ko. Siguro kung wala ka hanggang ngaun siya pa din pero dumating ka eh. At hindi ikaw ang hadlang sa kasiyahan ko kasi ikaw ang dahilan kung bakit ako masaya ngaun. " sabi ko. Panibagong pagsisinungaling nanaman. Nagiging sinungaling nako. Ayaw ko naman magsinungaling pero kailangan pa din. 

Shhh. Wag kanang umiyak. Sorry kasi nag bintang ako. Wag kana umiyak, Xandra. Ayoko ng umiiyak ka eh" sabi niya sabay halik sa noo ko. Umiiyak na pala ako. Hindi ko namamalayan. Yung iyak siguro na lumabas sa mata ko, siguro yun yung guilt na nararamdaman ko. Sobrang naguguilty ako sa mga sinasabi kong kasinungalingan na sinasabi ko sa kanila.

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon