PROLOGUE
Sabi nga nila lahat ng tao ay nai-inlove. Pero bakit ako nainlove nga ako bakit sa kaaway ko pa? Ganun ba talaga ang tadhana para tamaan ako ng pana ni cupido? Destiny ba kami para sa isa't isa? Eh pano kapag sinabi ko na sakanya yung nararamdaman ko ano nalang mangyayari? Posible bang layuan niya ako at tuluyang hindi na ako kausapin? Paano kapag hindi ko kaya? Ang natatandaan ko nung una kaming nagkita wala akong pakielam sakanya. Pero bakit habang tumatagal nagkakaron na? Sana panaginip na lang lahat ng nangyayari para pwede pa akong magising ng hindi totoo ang nangyayari sa paligid ko! Ang sabi ko sa sarili ko hindi ako magmamahal ng Lalaki dahil pare-parehas lang silang manloloko. Pero nagkamali pala ako. He cares for me a lot, Itinuring niya akong kaibigan pero Hindi ko alam kung hanggang kaibigan lang. Paano kaya kung masabi ko sakanya ang totoong nararamdaman ko? Posible bang layuan niya ako? Sana ganun din ang nararamdaman niya saakin. Umaasa ako, umaasa akong hindi ako mabibigo sa pagmamahal ko para sakniya pero bakit nasasaktan ako? dahil siguro ako lang yung lumalaban para lang mapatunayan ko sakanya na mahal ko siya higit pa sa sapat. Sana hindi ako masaktan tulad ng nangyari saakin noon. Sana kahit paano sumaya naman ako para wala yung galit sa puso ko. Sana iba siya sa mga lalaking nakilala ko.
~~Nagmamahal~~
~Nathalia Isabelle RamirezAuthor's note:
#TDGTheDiary
