Likod Bahay

344 3 0
                                    

sa probinsya namin ito nangyari.

_________

ang bhay nila lolo at lola ay katabi lng ng bhay ng mga tita ko. bale may dalawang bhay na malapt sa bhay nila lola at lolo tapos yung mga kapit bhay nila ay malalayo na sa knila. sa paligid ng bhay nila ay palayan pero sa isang side ay farm road na.

reunion to nung mangyari.

last night na ng reunion namin that time.

syempre kaming magpipinsan ay nagpuyat at ang mga matatanda ay natulog na. nagbobonding kami kc kinabukasan nun ay uuwi na kmi. kaya ayon harutan, kantahan at syempre hndi mawawala ang takutan. mga 2am na ng umaga ay 2loy parin yung paghaharutan at pagbobonding namin. kunti nlang dn kming gising mga 6 nlang kami.

at dito na nangyari yung kinakatakutan namin.

"mahilig dn ako manuod ng horror pero gusto ko madami kami" sabi ko sa pinsan ko.

"ako dn. pero ayaw ko yung my mga nakakadiri nakakasuka kasi eh" sabi ng pinsan kong babae na si arlene.

"ako? wla. nakakawala kc ng pananampalataya yan eh. Lalo na kung mahina ang faith mo, mabilis ka matatakot" sagot ng pinsan kong lalaki. nakakatanda sya sa amin si kuya rey.

"kung sa bagay. Pero syempre kung alam mong takot ka wag ka na lang manuod" sagot ni arlene.

tuloy lng ang kwentuhan namin ng biglang magsalita si Arlene

"hala! si tita yun dba?" arlene.

paglingon ko wla akong nakita.

"saan? wala naman ah." sabi ko.

"nandun na. pumunta sa likod ng bahay nila lola." arlene.

"ah alam ko na kung san yun nagpunta. hahaha . iihi yun dun. haha" Sabi ko.

(a/n: guys, sira kc yung cr nila lolo that time kaya dun kami sa tita ko nakikiCR. pero pag gabi talag madalas yung mga matatanda sa likod bahay na umiihi. ewan ko kung bkit.)

"hahaha. tara sundan natin. ihi dn tau dun. hahaha" yaya sakin ni arlene.

napansin ko naman c kuya rey na tahimik lang. inisip ko cguro awkward sa kanya yung mga pinagsasabi namin ni arlene.

"tara!" sagot ko kay arlene.

so yun nga. pumunta dn kami sa likod bhay. makikiihi na dn sana kami. pag silip plang namin sobrang dilim agad ang nakita namin.

"arlene, ang dilim naman sure ka bang nandito si tita?" tanong ko.

"oo. nakita ko sya dito pumunta eh. dba naka short sya na white? tapos pink na t-shirt?" sabi nya.

"ewan. di ko naman napansin yung damit nya e." sagot ko.

"tara na nga bka naman sa kabila na yun dumaan" sabi nya.

bumalik kami ni arlene. pero bgo kami nakabalik sumilip muna kami sa bintana ng bhay nila lola. nasa sala lng naman kasi natutulog yung iba naming tita at tito pati na dn cla mama at papa. pagsilip namin nakita namin si tita na nasa loob ng kulambo nila at natutulog. kaya bumalik na ult kami dun sa mga pinsan namin.

"oh ano? nakaihi kayo?" tanong ni kuya rey.

"hndi nga e. ang dilim kasi saka di na namin naabutan si tita" sagot ni arlene

so tuloy ult kami sa mga kwentuhan nakisali na dn yung iba naming pinsan. habang nagkukwentuhan biglang nagsalita ng malakas si arlene.

"hala may tao oh!" sabay turo nya sa my mga taniman ng saging malapt sa palayan.

napatingin kaming lahat.

"saan?" halos sabay sabay na tanong namin ng mga pinsan ko.

"ayun oh sa my saging banda. nakatayo tapos nakatingin dito." sabi ni arlene

dun na ko kinilabutan ng grabe. hinahanap ko dn yung sinasabi ni arlene pero di ko makita hanggang sa nagsalita na yung isa ko pang pinsan.

"ay ou nga! ayon oh" sabi ni jon.

sobrang takot yung naramdaman ko. halos hndi na ko tumitingin dhil ayoko na makita.

"pasok na sa loob dali. lahat kayo pasok na" sabi ni kuya rey sa amin.

kaya naman nag uunahan kaming pumasok sa loob.

pagdating sa loob ay kanya kanya kaming talukbong ng kumot.

kinabukasan yun ang naging topic namin. kinwento namin sa ibang pinsan pati na dn sa tito ko.

"bka naman tao talaga yun at sasawayin lang kayo. ang ingay nyo kc kagabi." sabi ni tito.

natahimik nlang kami kasi alam namin na pinapagaan lng ni tito ang loob namin para mwala yung takot namin.

nung tatlo nalang kaming magkasama. ako, si kuya rey at arlene biglang nagsalita si kuya rey.

"arlene alam mu yung nakita mo kagabi na sinasabi mong si tita? hndi si tita yun eh masyadong mapayat tapos mahaba buhok." kuya rey.

"ou nga noh? kaso lng yung damit kasi nya parehong pareho ng kay tita." sabi ni arlene.

"ou nga kasi nakita ko dn. tapos yung nakita mung tao sa my sagingan, sya yun eh" kuya rey.

natahimik kami ni arlene. maya maya nakita namin si tita papunta sa amin.

"tita! lumabas ka b kagabi?" tanong ko.

"ha? hindi. bakit?" sagot nya.

"hindi ka umihi kagabi tita?" tanong ko ult.

"hindi nga. sobrang pagod ako kagabi kaya tuloy tuloy yung tulog ko. bakit b kasi?" sagot ni tita.

nagkatinginan nlang kami ng mga pinsan ko.

"wala naman po." sagot ni arlene.

after that di na namin ult pinag usapan yun. alam na namin ni arlene na tama si kuya rey.

__________

end

Likod BahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon