Chapter 15

4.5K 66 0
                                    

Elaine's POV


Tumingin ako sa suot ko sa harap ng salamin, I'm wearing a black square neck dress and red bottom stilettos. Simple lang ang make up na ginawa ko dahil it's just a simple birthday celebration. Sinusuot ko ngayon ang hoop earrings for the final touch.

Tiningnan ko ang katawan ko. I'm perfectly fine, finally.

It's been a month simula noong nangyari sa akin, and I'm ready for my revenge... lintik lang ang walang ganti.

"Let's go?"

Sinundo pa ako ni Anjo dito sa apartment kahit ilang beses ko nang sinabi na kaya ko naman mag-drive papunta sa mansion nila. Pero dahil makulit siya eh wala na akong nagawa.

Tumingin ako sa kanya at masasabi kong ang ayos ng itsura niya ngayon. He's wearing a black suit, pants and formal shoes, pero naka-turtleneck ito na kulay maroon, brush-up ang hairstyle niya na ngayon ko lang nakita na ginawa niya, and he keeps on adjusting his watch.

Psh. Gwapong-gwapo sa sarili.

Pinaandar na niya ang kotse at ang tanging ginawa ko lang buong byahe ay tumingin sa dinaraanan namin.

It's so peaceful and I'm feeling free.

Agad niyang itinigil ang kotse sa tapat ng mansion. Sabay kaming lumabas kay Pula at nang makalapit siya sa akin ay hinawakan ko ang braso niya at nagsimula na kaming pumasok sa loob. Madami na rin ang mga bisita na nandito at habang naglalakad kami ay may ibang tao na napapatingin sa amin.

"I'm sure my Dad is already there."

Tumango ako at sumunod sa kanya.

Minsan lang umuwi ang Daddy niya dito sa Laguna dahil sa Maynila talaga ito naninirahan at nandoon ang business nila.

"Wow! You guys look so perfect!"

Nakita ko si Jen na nagmamadali na tumakbo palapit sa amin kahit naka-heels ito. Mabilis siyang bumeso sa akin pati na rin kay Anjo, hindi naiwas ang tingin ko sa kanya dahil... hindi ko naman maitatanggi na ang ayos niya rin tingnan ngayong gabi.

She's wearing a navy blue fitted dress and gray heels. Dahil natural lang na wavy ang buhok niya ay nakalugay lang ito at may suot siyang pearl hairclip.

"Ang taray ng hikaw ah, sabitan ba yan sa MRT?"

Ginalaw niya ang earrings ko at hinampas ko ang kamay niya para tumigil siya kaya natawa na lang siya. Umirap ako, hanggang dito talaga ay hindi niya ako titigilan sa pangungulit niya.

"Nandito na si Dad?"

"Yah. Kausap niya sila Daddy. Magpakita ka na at kanina ka pa hinihintay,"

Tumango si Anjo at nagpaalam na rin sa amin si Jen para lapitan ulit ang kausap niya kanina. The theme of the party was too formal, makikita mo ang mga bisita dito ay ilan ay matatanda na rin, ang iba naman ay mga kasing-tanda lang din namin ni Anjo na siguro'y mga pinsan niya.

"There he is."

Nang makita ko na kung ang tatay niya ay kumunot ang noo ko.

Paul de Guzman... para siyang si Anjo. But in late 40's.

"Dad! Happy birthday!"

"Son! It's nice to see you!"

Nagyakapan ang mag-ama dahil tuwang-tuwa na makita ulit ang isa't isa.

"Elaine! Wow, I'm so glad that you're finally okay,"

Ngumiti ako at bumeso sa Mommy ni Anjo.

You're My Bad Girl (Bad Girl Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon