story of my book

13 1 0
                                    

Isang napaka amo na sanggol na babae ang sumambulat sa sa isang probinsya syempre ako yun harharhar...sa kagustuhan ng nanay ko na may panghawakan sa relasyon nila mag kasintahan. Ako ang naging daan upang matawag sila na pamilya....
    Akala ko pamilya...pamilya na pangarap ng lahat ...habang nagkakaisip ako namumulat din ako sa realidad ng buhay ....ang buhay na madalas kulang o walang atensyon....para masabi lang  na ..na eenjoy ko ang pagiging bata sumabay ako sa agos ng panahon na salat sa atensyon ...d ko nga alam anong atensyon ang gusto ko basta ang alam ko marami ako katanungan sa buhay ko sino ako?san ako galing?ano gusto ko? at kaninong atensyon hihingiin ko?....dahil d ko naman talaga alam kung sino ba ang pamilya ko... Kaya ang atensyon ko ay ibinuhos ko sa pagsabay sa agos ng buhay  pero swerte pa din at sa akin napadpad ang agos ng atensyon ng aking lola ...wow spoiled brat pa....d naman ako lumaki na kulang sa lahat in fairness nakakasabay naman sa uso ...d naman sobrang rangya ng buhay pero masuwerte na at may lola na nagbibigay ng atensyon ...atensyon bilang lola ina kaibigan .....mahirap maintindihan noong una pero nasanay na din.. asan ang mga miyembro ng pamilya??? Tanong na hindi naman bago.. Hayzzz wag na magtanong obserba na lng.. yun ako ....sabi tahimik lng daw akong bata may utak naman maganda pero observant ...kaya nga matured daw isip ko d tulad ng ibang kaedaran ko....ngayon naintindihan ko na ang tawag pala sa pamilya na meron ako e broken family at take note may ka bundle pa broken family ka sa pamilya na d rin naman sila ang tunay mo na kadugo in short. Ampon ako ....pero d na ko nag tanong nagalit o nanumbat happy na ko na nabuhay ako at kahit paano may atensyon naman na nakukuha... Highschool ako ng putaktihin ako ng mga panghuhusga. At pangunguna sa buhay ko ang totoo ....d ko alam ano nangyayari bat sila may mga panama sa kin. Na karamihan d ko pa naiintindihan pero para d ako mag mukang tanga pretending dalaga matured at palaban ang dating ng beauty ko para d kayan kayanin lng ng kung sino sino sabi ko nga sa sarili ko i am a warrior of my own battle....nagkatotoo nga maraming pagsubok ang kailangan kong malagpasan para lng maabot ko ang buhay na pinapangarap ko ....ano nga ba yun ??? Una pag ako nag karon ng pamilya hinding hindi ito magiging broken katulad ng meron ako....mag aabroad ako at yayaman.. Sasaluduhan ng mga tao na mapang api nong akoy isang tau tauhan lamang...think positive yan ang bitbit ko palagi kahit san ako mag punta .....nangyari nga tnx to God nagka work ng marangal may posisyon pa...nag ka negosyo puhunan ang lakas ng loob at determinasyon ayan na jarannnn si love at first sight sya na ba ang bubuo ng pangarap ko na complete simple happy family....ayyy sarap maging reyna. ....ng tahanan nagkaron ako ng prinsesa at hari sa tahanan na malayo sa bansang aking kinamulatan...pero syempre ang tagumpay minsan nakukuha di lng sa sipag kundi may halong swerte ....swerte ko kasi ang panganay ko ....syempre ampon ako e d copy paste gets nyo na....ang hari ng aking buhay ay napakabait at lahat ibinigay sa amin mag ina. Material financial love pero kulang sa atensyon....samahan mo pa ng cultural differences kaya si pangarap na d maging broken family huhuhu basag na basag. Si pangarap yung nagging broken family na hindi   mo ineexpect akala mo lahat tama na. At perfect.. kaya matapang ako e..pero ang totoo weak ako sa mga tao na akala ko mahal ako yun pala mahal ako pag kailangan ako pag wla na ako who u ako...sabi nga nila swerte ako sa career negosyo pera madali ko masulosyunan pero sa love life.. Love of family ...love of friends hayzzzz madalas luhaan ako sa huli....maldita ako oo pero may golden heart kaya nga kahit ano pagsubok d ako pinapabayaan ni God.... Pero Ang totoo nakakapagod din hanggang kelan susubukin na matatag ako madalas naiisip ko d ko na kaya sarap magpakamatay ....tanong na paulit ulit bakit ako lagi ang nasasaktan at nagsasakripisyo at uunawa sa lahat wala naman ako kaaway at lalong d ako madamot.....ayun kasi naniniwala ako sa kasabihang the more you give the more blessings will come to you hayzzzz mali pala the more you give the more makakapal at mapang abusado na tao ang dumarating sa buhay ko ......feeling kulang atensyon napagod....na depress d nakayanan tinakasan ko ang palasyo at bumalik sa bansang aking sinilangan....ayun maraming pagsubok pagbabago laking adjustment sa life style ...environment especially financial.. pero dahil takot ako mag isa at kelangan ko ng atensyon another hero ang tumusok sa pu....so ko... D tulad ng unang hari ko na sunod sa layaw ako at ni minsan walang pisikal na away kulang nga lang sa atensyon.....iba naman itong sumunod na my hero ng buhay ko.. story of our love life is so makulay syempre at first imbis sweet puro action drama and romance ang dating  marami pang pagsubok na akala namin mas ok pa na. Bigyan na ng the end ang story of our love.buti na lng d kami nagpatinag ..laban pa din sa hamon ng buhay..maraming pagsubok at pangarap na d natupad sa ngayon.. Hindi pa naman huli naisip ko na lng hindi lahat pabor sa kung anong nais mo minsan nababago ang guhit ng plano kasi may mas magandang guhit ng buhay ang mas akma sa kulay at desenyo ng buhay na nais natin.. kami ni my hero may away pa rin pero pinatibay naman kami ng sandamakmak na pagsubok pero hindi pa rin kami  susuko tuloy lang sa hamon ng buhay gago tignan pero lover boy at responsable naman si my hero ko kaya  kahit na may kasalanan ako na sa mata nyo o ni may hero walang kapatawaran ...isa lng masasabi ko d ko ginusto yun kailangan lng para d ako maligaw sa bansang aking pinasyalan ...kaya nga kay may hero pa rin ako umuwi .kasi kahit ano pang nangyari..maganda man o pangit pag mahal mo paglaban mo...may samaan ng loob sumbatan pero ang importante nagkasundo na kami na ilibing na sa unang taon ng storya ng pag ibig ang lahat ng masamang bangungut ...at ngayong nasa pangalawang taon na kami sana pagtibayin Pa kami.at kumapit pa hanggang huli...plano ng buhay meron pero takot pa ko na mawala ang atensyon ni may hero d ko pa kaya mag isa. Ang totoo feeling secured ako pagkatabi ko sya lagi hindi ako natatakot na may mananakit o magsasamantala pa sa akin. Pagkasama ko si may hero nakakalimutan ko ang balde baldeng problema marami rin naman kasi kaming compatible na gusto kaya madalas masaya rin naman kami pero para sa pamilya na masaya at nakakasabay sa buhay ng realidad....katawang lupa ay maghihiwalay pansamantala pero ang puso tiwala at pagmamahal ang panghahawakan hanggang sa marating ang huling pahina ng kwento ng buhay......atensyon kanino ko nga ba hihilingin ....mali ang mang hingi ng atensyon ng pamilya,anak ,asawa ,kaibigan o ng mga tao sa iyong paligid....ang kailangan pala atensyon mo sa sarili mo para malaman mo ano ang guhit ng palad ang nais mo....atensyon sa sarili??? Kailan..??.paaano ??...sisimulan.???...
   Ooopsss asap .....for the sake of simple complete happy family
My hero.. my 2 daughters ...and 2kids ni my hero iba iba man sinapupunan nagmula pero para sa kin buo na ang pamilya ko....sana hanggang sa huling taon na aking maipagdidiwang ang aking kaarawan...sana..hindi  mapilas ang mga pahina ng aking libro .....story of my book..ano ang susunod na kwento sa pahina. Ng aking. "Story Of My Book"
Sabi nga nila nasa Diyos ang awa nasa akin ang desisyon .....letsss seeee

               
                         
             

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 29, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Story Of My BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon