"DYLLAN''
Kinabukasan. . .
"Wow bro astig sa pormahan ah! San ang libing?" Si Dindo, ang nakababata kong pamangkin!
"Puro ka talaga kalokohan!" Sabay gulo ko sa buhok niya!
Muli kong pinag-masdan ang repleksyon ko sa salamin at napangiti ako sa aking suot!
Isang black suit at naka neck-tie pa! Para tuloy akong men in black nito!'Kita mo na! Maging ikaw ay natatawa sa pormahan mo kuya!" Dagdag biro pa ni Dindo! Ang batang isip matanda!
'Ngayon lang kasi ako nakapag-suot ng ganto ka pormal na damit! Pakiramdam ko tuloy, mag tatrabaho ako sa opisina samantalang driver lang naman ako ng may ari ng opisina!" Natatawang sambit ko pa!
'Eh ano naman kung driver ka huh? Ang masama eh tulad ng mga tambay diyan sa labas! Walang ginawa kundi uminom at mag sugal!" Singit ni auntie! Ang nanay ni dindo!
"Si kuya ba naman! Walang bilib sa sarili!" Si Dindo.
'Oo na! Salamat sa suporta auntie, dindo! Pangako..sa unang sahod ko! Ililib--
"Wag na! Nauudlot lang eh! Ilang pangako na ba yang napako?" Natatawa pang sambit ni Dindo!
"Hindi na ngayon! Malakas ang pakiramdam ko na..akin ang araw na ito!" Nakakuyom ang kamao na napasuntok pa ako sa hangin!
'O siya! Siya! Humayo kana at baka naman ma late ka dahilan ng pag kaudlot na naman niyang pangako mo!" Si aUntie na tumatawa pa!
Kaya naman wala na akong inaksaya pang oras at lumakad na ako papunta sa RESTO DEL VALLE building!
Natatawa nalang ako kapag niloloko ako ng mga taong nag bibiro sa porma ko ngayon lalo pa at ngayon lang ako nag suot ng ganto!
Agad akong sumakay papunta sa RDV building at ilang sandali pa ay nasa harapan na ako nito.
Tiningala ko ang Napaka-taas na building at napapalunok pa akong nag lakad papunta doon para maabutan ang nag kakagulong mga empleyado!
"My God! Tumawag na kaya tayo ng pulis o kaya rescue?"
'Oo nga! Baka mamaya may nangyare nasa kanya sa loob!"
Pag bubulungan nila! Agad naman akong lumapit para makiusyoso!
"Ah excuse me,anong nangyayare dito?" Tanong ko sa isa sa mga empleyado doon.
'At sino ka naman?" Balik tanong ng babae!
"Claire ano ka ba?! Ahh mister baka naman pwedeng patulong kami! Yung boss kasi namin kahapon pa nag kukulong diyan sa opisina niya at hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas! Nag aalala na kami baka may nangyare nasa kanya sa loob!" Singit ng isang babae samantalang yung Claire ay sinisipat pa akong mabuti!
"Kahapon pa siya diyan? Ibig sabihin diyan nadin siya nag palipas ng gabi? At hanggang ngayon hindi pa kayo tumatawag o gumagawa ng paraan para gisingin o bulabugin man lang siya?!" Medyo iritado ng sambit ko!
"Ade ikaw ang gumawa! Hindi mo lang alam kung ano siya pag naistorbo!" Si Claire!
"Kahit nalang! Paano nalang kung may nangyare na palang masama sa boss niyo?" Pakikipag-talo ko pa!
'Hindi mo lang alam kung gaano kadami ang matutuwa pag nangyare yu--
"Claire ano ba?! Seryoso nato! Kaya pwede ba isantabi muna natin ang galit natin kay mam? Please Mister, gawan niyo po ng paraan!" Baling muli ng mabait na babae sa akin.
Kaya naman wala akong nagawa kundi bumwelo at sipain ang pintuan!
Boooggggssssdhhh!!
BINABASA MO ANG
^my Lady Boss^
Random"RESTO DEL VALLE" A family owned business of Valdez family.. May ilang branches nadin sa ibat'ibang malls at sa ilang five star hotels.. Si Mindy Valdez, the only daughter of Juan Valdez II is the next generation handler of the business. A sophistic...