Sarap ng Tagumpay

1K 1 1
                                    

   Hindi sa lahat ng pagkakataon, panalo tayo. Tandaan, ang buhay ay tulad  ng isang karera sa laro. Maaaari kang mandaya para manalo o maaaari kang lumaban nang patas para sa prinsipyo.

    Ang buhay ay dumadaan sa maraming paliko-likong pagsubok. Puwede tayong mawala pero  maaari rin tayong makarating sa paroroonan nang matiwasay.

   Sa laro ng buhay, puwede kang manira para makakuha ng simpatya pero ika nga, mas masakit ang ganti ng karma kaysa sa sakit ng kabiguan kahit na maayos kang naglaro.

  Mas mainam ngang madapa, masugatan at magpatulo ng maraming pawis kaysa sa makaapak ng iba. Sabi nga nila, kung gaano man kahirap ang pinagdadaanan, basta't kumakapit sa Maykapal, mas may hindi maipaliwanag na tuwa't saya ang mararanasan o naghihintay dahil sa tagumpay.

  Mas masarap matikman ang hatid ng tagumpay na dumaan sa maayos na paraan kaysa sa tagumpay na dulot ng pandaraya, dahil masakit magparusa ang tadhana.

SANAYSAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon