"Siguro nga MAHAL pa kita"

15 3 0
                                    

"Siguro nga mahal pa kita"


Bakit kaya?
Bakit kaya sa tuwing naalala ka,lagi nalang akong napapaluha
Bakit kaya hanggang ngayon patuloy parin akong nasasaktan
At patuloy na umiiyak kase palagi nalang iniiwan?
Bakit nga kaya?!

Bakit....

Bakit...

Naaalala mo paba?
Naaalala mo pa ba nung mga panahong lagi mo akong kasama
Kasama kapag sa tuwing lagi kang lumuluha?
Naalala mo pa ba nung mga panahong nandito ako sa malapit na minamahal ka at patago lang pero umaasa
Umaasang magiging akin ka at umaasang baka sakaling mahalin mo rin ako kahit..kahit man lang PANSAMANTALA

KAIBIGAN...

Kaibigan ang salitang ayaw kong paulit-ulit pakinggan

Isang salitang ayaw kong tanggapin
Isang salitang nagpamulat sakin sa isang katotohanan,na ang isang tulad ko'y isang KAIBIGAN lang..

Ginawa ko ang tulang ito di dahil para sa'yo kundi dahil gusto kong masagot ang mga katanungang bumabagabag sa kalooban ko

Naranasan mo na bang magmahal ng patago lang

Naranasan mo na bang magmahal ng paulit ulit pero lagi lang palang masasaktan

Siguro sa mga oras na to hindi mo ko maintindihan
Siguro sa mga oras na to ikaw ngayon ay naguguluhan
Siguro sa mga oras na to nararamdaman mong isa lang itong katangahan
Siguro sa mga oras na to naiisip mo na isa lang pala itong kalokohan
Siguro sa mga oras na to naiisip mong ito'y isang trip lang
Siguro sa mga oras na ito naiisip mong ako'y nababaliw na at naghahanap lang ng atensyon ng iba
Siguro naiisip mong isang lang itong drama...Siguro..

Puro nalang siguro..Siguro mahal na niya ako,siguro mapapansin na rin nya ako,siguro..Siguro

Hah!Sa huli umaasa lang ako,sa huli ako rin pala ang nagbibigay ng motibo,binibigyang kahulugan ang bawat kilos mo,binibigyan ng pansin ang mga kilos mo na akala ko'y mahal mo na ako..

Masakit magmahal ng taong ang turing sa'yo ay isa lang kaibigan

Masakit magmahal ng isang taong wala ka namang karapatan kasi ang totoo wala ka namang pinanghahawakan
Masakit magmahal ng isang taong hindi ka naman sineseryoso
Masakit...masakit na ang pinaniniwalaan mo ay isa lang itong biro
Hindi man lang magawang maging totoo ang panaginip ko na sana...sana ay maging TAYO

Siguro nga mahal pa kita

Siguro nga minahal kita ng sobra

Siguro nga hindi ko magawang pangarapin ang isang panaginip na hinding-hindi magiging akin
Siguro nga hanggang kaibigan lang tayo
Siguro nga kaibigan lang talaga ang turing mo

Ngunit darating ang rin ang takdang panahon na balang araw makakalimutan rin kita at makakalimutan ko rin ang isang imahinasyong sa utak ko lang gumagana

Balang araw malilimot rin kita,hindi man ngayon ngunit darating din ang takdang panahon na itong sugat sa puso ko...Itong sugat sa puso ko ay unti-unti ring maghihilom..

BALANG ARAW.......



*********

Inspired by:Dj Dos Amon;Mark Justin Crisostomo and John Brylle Arnaiz

My Creation-[On GOING] (Unedited)Where stories live. Discover now