Ang malungkot at pinakamasakit na hiwalayan ay nagdulot ng pinsala dito sa aking kalooban
Hindi ko alam kung ano ang iyong dahilan,ano ang iyong dahilan kung bakit mo ako iniwan,isang dahilan na hinding-hindi ko kailanman maintindihan
Bakit?Ano bang problema?Bakit nawala yung mga pangako mong tayo'y magtatagal pa..Bakit nawala ang pangako natin sa isa't isa
Bakit ni ang tumingin sa aking mga mata'y di mo man lang magawa...Bakit?.....
Ano ba ang nagawa kong kasalanan?
Tadhana pakiusap sagutin mo ang aking katanungan
Bakit?Dahil ba hindi kami ang itinakda para sa isa't isa?
Ngunit bakit mo siya sakin ibinigay kung ang kahahantungan lang pala ng relasyon naming ito ay isang mapait at malungkot na paghihiwalayBakit?...
Punong-puno ng katanungan ang aking puso't isip
Mga katanungang nais man lang mabigyang kahulugan
Mga katanungan patuloy na nagpapasakit ng aking kaloobanWalang araw na hindi ako umiiyak,ngunit bakit hanggang ngayon patuloy parin itong pumapatak
Ang akala ko'y hinding-hindi na niya ako mawawasak
At akala koy hindi na ito mabibiyak
Pero nagkamali ako..Nagkamali ako kase nung araw na nakita kita na may kasamang iba at masaya na
Nakita ko nalang ang aking sariling umiiyak at ang malulusog na mga luha ay walang tigil sa pagpatak;Nakatutop ang bibig at pinipigilang may makarinig ng aking mga hagulhol at pagtangis
Pati ang utak ko'y naaawa na at sinusubukan nitong turuan ang puso kong wag nang umiyak at di na dapat lumuhaNgunit ang iniuutos ng utak ko'y di ko sinunod
Sapagkat ang puso ko'y unti-unti ng nalulunod
Nalulunod sa isang imahinasyong sana akin ka pa
Nalulunod na ang puso ko sa sakit at pagdurusaIsang kalapastanganan ang hindi ko pagsunod sa aking utak
Kase sa mga nangyayare ngayon akoy unti-unting nawawasak at nabibiyak
Na parang isang gusaling dahan-dahan kung bumagsakAng pagmamahalan nating nagtapos
Maraming luha ang bumuhos
Saan nga ba tayo nagsimula?
Kailan kaya ako nakapili ng tama?
Ang mga taong naging saksi sa ating pagmamahalan
Ay biglang nawala,pagkatapos ng iyong paglisanHindi ko alam kung saan nga ba tayo nagsimula
Hindi ko alam kung meron ba tayong nasimulang pagmamahalan
Hindi ko alam kung ano ba ang nangyare at naging kahinatnanPara bang bigla lang akong nabigla,nabigla at di ko pa nga inakala
Ang pagmamahalan nating biglang nagtapos
Di ko akalain ng lubos
Ano bang problema?Bakit ba bigla ka nalang nawala
Pinahalagahan naman kita,minahal at inaruga
Pero ang lahat ng iyon ay ititigil ko na,dahil sobrang sakit na't di ko na kaya
Ititigil ko na ang paghahabol sa isang taong wala na...Matagal na
At ititigil ko na ang pagsunod sa puso ko dahil ako rin naman ang magdurusaNgayon..Sa mga oras na to narealize kong kahit nabigo man ako sa pag-ibig
Hindi dahilan iyon para tumigil na rin ang paggalaw ng aking buong daigdig
Dahil ngayon ko lang narealize na may nagmamahal pa sa'kin ng sobra;
May nagmamahal at nag-aalaga pa sakin at yun ay ang aking ina..Tama na ang sakit
Gusto ko nang ngumiti kahit pilit
Tama na ang tong pag-iyak ko
Tama na ang pinsalang naidulot mo dito sa puso ko..
Tama na...TAMA NA...............
--------------eNd-------------
YOU ARE READING
My Creation-[On GOING] (Unedited)
PoetryMy creation is all about EVERTHING..This is a spoken poetry,short story etc.. #752- Spoken