Kyla's POV
I pull the trigger, letting the bullet hit the target in the center, bull eyes .
"Sheeet K! Pati ba naman dito, panalo parin? Ma uubos na sasakyan ko nito, ampupu ka!" sabi ni Rio ng makita niya ang Score ko 100, sabay baba ng baril na ginamit niya sa Firing namin .
Kinasa ko ang baril at itinutok sa kanya "dalawang mura, dalawang bala" malamig kung saad tyka idinikit sa kanyang noo ang bunganga ng baril .
*Bang*
..
.
.
.
.
.
"HAHAHHAHAHAHAHHA Bakla ka ang laswa ng mukha mo, putek parang isang gulatan ka nalang sa Funeral Homes na bagsak mo! Tanghammida" saad ko habang nakaturo sa mukha niya, tung baklang to akala ata may bala pa ang baril lintek.
"K! Muntik na akong atakihin don!" tumayo ito sa pagkaka salampak at dali-daling tumakbo, lumingon siya sa akin sabay taas ng nasa gitnang daliri "BALIW NA BABAENG TO! KA-MUNTIKAN NA AKONG MAIHI DUN" at tuloyan ng pumasok .
Naiwan naman akong tumatawa habang patuloy na nilalagyan ng bala ang magasin ng baril, nang matapos na ito, itinutok ko ito sa target at sunod-sunod ang pinakawalang bala. Hindi ko ito masyadong makita sapagkat umuusok pa ito .
*Ting* Bull Eyes Score : 100
Binaba ko na ang baril at, inayos ang kalat na ginawa namin, habang hinihintay ang pinsan kong si Rio habang naka upo sa lamesa na naka laan para sa mga baril. Ang tagal ganun ba siya katakot kaya nahihirapan siyang ilabas ang ihi niya? Tae ampupu lang.
Tumayo ako ng makita ko si Rio na naglalakad papalapit sa akin .
"Ang tagal mo!" mahina kong sabi sa kanya sabay lahad ng aking kamay "asan na ang susi ng sasakyan mo?" well as you can see natalo ko lang naman siya sa Firing, at ang premyo? Tumataginting na McLaren 570S, na kabibili lang ni tito nung nakaraang dalawang buwan sa States.
"Lagot ako kay papa'ng nito" bulong niya na narinig ko naman.
Mahina akong natawa at inakbayan siya "Okay lang yan, better luck next time. Malay mo makuha mo na yung Chopper ko" tsaka ko siya tinapik sa puwetan dala kuha ng susi ng sasakyan sa Back pocket niya, ang tagal naman kasing ibigay.
At nauna na akong maglakad habang pinapaikot ang susi sa daliri ko at minsa'y hinahalik-halikan ito.
Nagtungo ako sa Parking Lot at agad na nakita ang Sasakyan ni Rio .
*Witwew*
Nagpatuloy ako sa paglalakad at pinatunog ang sasakyan, Sh*t na malagkit ang ganda ng sasakyan. Sasakay na sana ako ng makita ko si Rio sa repleksyon ng bintana ng sasakyan KO.
"HOY DARION! Bilisan mong ulopong ka" Huminto siya sa paglalakad at sinamaan niya ako ng tingin bago umirap at nagpatuloy sa paglalakad.
"Ewan ko sayo!" Singhal niya at napakamot ng batok ng makitang naka hawak na ako sa pinto-an ng sasakyan KO. "K? Ano sasakyan ko? Paano ako makakauwi nito? Naman oo"
Nginisihan ko siya bago kinuha ang susi ng Duccati ko sa pantaloon at tinapon sa mukha niya "Pag may nakita akong kahit maliit na gasgas sa Honey ko, ipahanda muna ang Kabaong mo ililibing kita ng buhay" nakita ko kung paano siya mamutla, bakla nito eh.
"P-pero alam mo na takot ako sa m-motor"
Asdfghjkl! Naman! Bakit ko ba nalimutan yun? Tsk!
"Sige na nga! Ikaw na magdadrive nito" naiiritang saad ko sabay tapon ng susi sa upoan ng sasakyan at nag lakad pa punta sa kanya at hinablot ang Susi ng Duccati ko sa nakalahad niyang kamay "Siguradohin mo lang na i-uuwi mo yang sasakyan sa bahay, kundi papaulanan kita ng Dagger!"
Inirapan ko sya at sumakay na ng motor ko at kinuha ang helmet, gloves at jacket ko bago ito isinuot at ipinasok na ang Susi sa keyhole at pina-andar na ito. Inalis ko ang stand ng motor at nilisan na ang lugar 'di ko na nilingon si Rio at mas binilisan pa ang pagpapatakbo ng motor ko.
Huminto ako sa Crossing ng nag RedLight ang ilaw, at pinanuod ang mga sasakyan na dumadaan. Ilang segundo pa ng nag Green na ang Ilaw kaya pinaharurot ko ang motor ngunit may sasakyan na mula sa kabilang daan ang humarurot at binilisan ang pagmamaneho kaya muntik na kaming magkabungoan, pero ang pvta nakita na ngang muntik kaming magkabungoan mas binilisan pa ang pag mamaneho, kaya wala akong choice kundi pabilisan ang pag aarangkada sa motor at hinabol ang pvtang muntik nang bumunggo saakin.
Nang magkatapat na ang motor ko at ang bintana ng Driver seat kinatok ko ito ng malakas at pinakyuhan ang driver kahit 'di ko ito nakikita dahil hindi nito ibinaba ang binta ng kanyang sasakyan. Nang akma nang baba ang binta ng sasakyan nito mas binilisan ko ang pag mamaneho at inunahan siya at lumiko sa daang walang masyadong tao bago inihinto ang motor ko sa ginta ng daan at bumaba na.
Ilang minuto pa nakita ko ang sasakyang muntik ng makabungo sa akin na papalapit.
Sh*t lang ang ganda ng sasakyan para basagin. Lamborghini ampupu.
Mas bumilis ang pagpapatakbo nito ng sasakyan ng malapit na siya sa aking ngunit 'di man lang ako natakot, kaya tinitigan ko lang ang sasakyan habang naka sandal parin sa motor ko.
Nang ilang metro na lang ang layo huminto ito sa harap ko. Ilang inches lang ang layo ng sasakyan niya sa paa ko.
Mabuti na lang naka helmet ako kundi, langhap na langhap talaga ang alikabok. Tarantadong driver to ang yabang.
Yumoko ako at dahan dahang tinagal ang helmet kaya bumagsak ang aking buhok ko. Ginulo ko ito bago kinuha ang tali sa kamay ko at itinali ito paitaas. Inalis ko ang kaliwang gloves ko at hinayaan ang kanang kamay kung may suot paring Gloves.
Umalis na ako sa pagkakasandal sa motor ko at naglakad papalapit sa binta ng kotse.
Mukhang walang balak bumaba eh.
Nang magkaharap na kami ng binta, umatras ako at bumwelo bago buong lakas na sinuntok ang bintana.
*Sheeeeeeeerkksssh*(dongkir sa sounds effects)
Nakangising lumayo ako at tinadyakan ang gulong nang sasakyan.
Tss! Tagal lumabas.
Tumingin ako sa sahig at umatras ng naka pamulsa, nakow nakow nakow baka nakalunok na ng bubog to *smirk*
Nakatingin parin ako sa sahig ng bumukas ang pinto ng sasakyan at naghulogan ang mga natitirang bubog.
Nang bumukas ang pinto, nakita ko ang paa ng driver.
Lalake pa ata! Naman oh!
Bumaba ang driver ngunit 'di parin ako nag aangat ng tingin. Nag lakad ito papalapit saakin, gandang sapatos oh leather tas ang bango-bango pa niya. Amoy na amoy ezit ril ezit ril nesPvta!
"Do you know that you just broke a car with a Million Dollar price?"
Pak nganga, shutang*na!
ANG PANGIIIIIIIIIIIT!
-----
BINABASA MO ANG
Want to Want Me
RomanceThere are things that we can't change about People... But, one thing for sure, This is not the end... but the beginning .