Chapter 5

21 2 0
                                    


Nakamulat na ang mata ko pero tinatamad pa akong Bumangon dahil Sa halik nung abnormal na yun.. Hays..

Thursday nga pala ngayon parang may nalimutan ako?  Parang may dapat akong gagawin ngayon...

..nagayos na ako ...

Pababa na ako ng marinig kong naguusap ang mama at Papa ko..

"kaya ba natin to Alex? "

"Ma kakayanin natin para Kay ivy"

"Kailangan ba talaga natin ibenta tong bahay? Madami tayong Alaala dito Alex. "

"Ma Mas mahalaga Ka samin..pano kami kung wala Ka? "

Sumasakit yung dibdib ko ..may sakit ba si mama?  Bakit parang seryoso yung pinaguusapan nila.. Saka itong bahay?  Ito lang ang meron kami ito ang puno ng Alala namin ..  Ayoko ng marinig pa ang pinaguusapan nila kaya bumababa na ako...

"Ma... Pa" Sabay beso Sa kanila

" Ma.. Pa bakit po ang lungkot niyo may problema po ba? " act Normal Ivy

"a wala anak masama Lang pakiramdam ng papa mo"

"Ma may dapat po ba akong malaman? "

"wala anak Pagod Lang ang papa mo Sa trabaho. Kumain ka para makapasok kana"sabi ni mama na may matamis na Ngiti sa labi

Kaya nawala yung Mga iniisip ko dahil sa matamis na Ngiti ni mama

Kakarating ko Lang Sa room namin ng malaman ko na wala daw  si Mr. Thomas na 1st sub ko kaya nagpunta muna Ako Sa soccer field para magpahangin

Napaisip akong bigla ano kaya ang problema ni mama at Papa panigurado naman ako na di nila yun basta basta sasabihin sakin


"ay Oo sis may game Mamaya Si mark kaya dapat manood tayo"excited na pagkakasabi Sa malanding boses

"talaga suportahan natin dapat Di tayo mawala jan"

"tama girls!"

Grabe tong Mga babae na to Kala mo kung Sinong artista ang susuportahan
Tss. Si mark ithan Lang pala.. Oo yung mark ithan na 1st kiss mo  sabi ng isip ko Napahawak ako Sa labi ko wala na yung 1st kiss ko pero Sarap pala mahalikan ni mark.. Ay shet ano ba tong Mga naiisip ko iniling iling ko ang ulo ko

"o Ivy naloka kana Jan?"Sarcastic na sabi ni yen

"ano ba kasi your thinking girl?"si Erica sa malanding boses

"a wala may lumipad Lang na insekto kaya napailing ako no"depensa ko Sa sarili

"a talaga Lang ha!"yen

"Ivy Sama Ka samin ni yen manonood kami Sa game ni papa mark at baby James ko"excited na sabi ni Erica

"o talaga manonood Ka yen? Haha fan kana ngayon ng basketball at Sina mark at James pa talaga huh?"panunukso ko Kay yen

"Hindi kasi wala akong choice dahil HRM yun at makulit Lang talaga itong si erica"

"a talaga fan na fan Ka Erica ni Mark huh"panunukso ko Kay erica

Naningkit naman ang mata ni Erika Habang nagaatay ng susunod ko pang sasabihin

"d kaya si James ang Mas type ko.. Pero may nabalitaan ako...na Ikaw daw ang secret girlfriend ni papa mark? "

"Hoy! not in my wildest nightmare...never akong magiging babae nang kumag na yun"

"so di Ka manonood"pangaasar ni Erica

"Oo Hindi!"

"Ok sabi mo e! "Sabay na sabi ni Erica at yen

"Jan na nga kayo"umirap ako at umalis na

Di ako manood ng game Tss.. Asa!
Pero nawala lahat ng iritasyon ko nang makita ko si Rick sa classroom Habang prenteng nakaupo Habang may nakasuksok Sa Tenga niya
Dug dug Dug dug aatakihin ata ako Sa puso nito bat ba kasi may napaka gwapong Adonis dito at seatmate ko pa waaaah...

Nagangat siya ng tingin sakin... Nasa  tapat na pala niya ko nawawala ako Sa sarili ko ...OMG gwapo!

"hi Ivy bat Di Ka pa Umupo? May dumi ba yung Mukha ko? "at Ngumiti ng pagkatamis tamis

"a-e-ano kasi wala ano-a Uupo na hehe" kainis! Diyos ko lupa lamunin Mo na ako...

"hahaha Ikaw talaga ang cute mo"

"talaga Salamat"pabebe ako

"ahm Ivy pwede kaba Mamaya after class? Sa may bench tayo malapit Sa soccer field?"

Dug dug
Dug dug
Dug dug

"ano-e Oo naman free ako mamaya"niyaya ako ni crush yieee!

"kanina kapa nauutal may sakit kaba"sabay lagay ng palad Sa aking nuo

Lalo akong namula Bes natutulala ako...

"a wala Pagod Lang siguro"

Hanggang Sa matapos na ang last sub..   Maaga pa naman kaya matagal ko pa siyang makakasama  ...

Nasa bench na kami ngayon. Grabe nacoconcious ako bakit ba ganito Kapag Kasama mo ang crush mo?

"Sarap tumambay dito no?"Ngumiti Habang Nakatingin sa malayo

"Oo dito nga ako palagi"sabi ko

"talaga?  So pwede na tayo dito tumambay Kapag free ka?"

"Hahahaha Oo naman"

"alam mo napapangiti talaga ako Kapag Nakikita ko yung Ngiti mo"tumitig siya sakin speechless ako

"alam mo crush kita ay Hindi gustong gusto na kita umpisa pa lang"

------------

Please comment po sorry po kung matagal magupdate first story ko po kasi to :)

Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon