........
"masarap ba sya amarah?"
napamulat sya ng mata ng marinig nya ang nagsasalita. tiningnan nya muna si ferdenand . naka pikit parin eto at mahinag humihinga sa tabi nya. tumayo naman sya at hinarap kung sino man ang nagsasalita.
"oo victor, masarap na masarap"
sabay tingin nya naman sa naka hubad na si ferdenand.
"mataas ang kapit ng lalaking iyan ah, hindi parin namamatay?"
umiling naman si amarah.
"may paraan pa ba syang mabuhay victor?"
mariin nya na tanong?
"mahal mo ba?"
"hindi"
mabilis naman nyang sagot. naka tingin ulit sya kay ferdenand.
"mmmm"
tiningnan naman nya si victor.
"hindi mahal nito"
sabay turo ni victor sa puso ni amarah.
"ngunit mahal ng katawan mo. tama ba?"
"hindi ko alam victor. naguguluhan ako"
iling naman nya ulit.
"sya ang naka una sa iyo hindi ba amarah? eto ang una nyong gabi?"
tumango naman si amarah.
"kung na ubos mong sipsipin ang dugo nya ay mmmm alam mo naman na siguro kong ano ang kakahantungan nya...kamatayan amarah"
"oo alam ko pero hindi ako sigurado kong na ubos ko ang dugo nya. pwede mo bang surian sya?"
naguguluhang wika nya.
"kung nakarami kayo nung gabi ay iisa lang ang ibig sabihin nun"
"ano victor?"
"na hindi mo pa na ubos yung dugo nya. hindi sya mamatay amarah"
hindi malaman ni amarah na kong bakit ay nagagalak sya sa sinabi ni victor.
"ganun ba victor?"
"oo. sa dinami mo ba namang kinunan ng dugo eh pihadong pagkarating mo kay ferdenand ay busog kana kaya tikim lang ang nagawa mo sa kanya"
halakhak naman ni victor.
"anong ibig mong sabihin victor?"
pagtataka naman ni amarah
"hindi mo ba natandaan amarah?"
umiling naman sya.
"tumingin ka sa labas"
sinunod naman ni amarah ang sinabi ni victor at dahan dahang lumabas sa silid ni ferdenand. ganon na lang ang gulat nya ng may dalawang tao ang naka handusay sa sahig ng salas nina ferdenand. duguan ang mga eto at wala ng buhay.
"ako ang gumawa sa kanila nyan?"
"oo amarah"
unti unti namang na alala ni amarah ang ginawa nya. sa tindi ng galit nya kaya nagawa nya yun. pero wala namang bahid ng pagsisi sa kanya.bahagya pa syang ngumiti at lumabas pa ang kanyang pangil.
"maldita ka talaga amarah. pero eto lang ang dapat ang una at huli amarah kundi ay magagalit si papa"
"alam ko victor. pwede bang tulungan mo akong linisin ang kalat ko?"
BINABASA MO ANG
AMARAH...lust & love (vampire chronicles)
VampireFerdenand kailan ko maririnig sa kanya ang matagal ko ng inaasam. Amarah mahal kita... mahal mo din ba ako? Amarah bakit tumibok muli ang nahihimlay kong puso? wala ng rason para gumising akong muli. pero pa ano? bakit ganito ang nararamdaman ko? il...