6--- KAGULUHAN

98 4 0
                                    

........

tulala pa rin si ferdenand sa silid nya. wala syang makapa na kasagutan sa mga tanong nya.

"pano nawala na lang ng bigla yung victor na iyon?"

"pano sila naging magkapatid na gayon ay solong anak naman si amarah?"

"at si amarah pano nya na gawa iyon? nawala na lang syang bigla?"

"buhay nga ba talaga si amarah? pero imposibleng hindi. naramdaman nya eto. ang katawan nito at ang mga ginawa nila buong mag damag"

"amarah babalik ka pa ba?"

.......

tatlong buwan nadin ang nakalipas ng umalis si amarah. taimtim paring umaasa si ferdenand na babalik si amarah dahil nangako eto sa kanya at iyon lang pinanghahawakan nya.

napatayo si ferdenand ng may marinig syang ingay sa labas ng bahay nila. dali dali naman syang bumaba para alamin kong ano na naman ang kaguluhan.

"manang celia may kaguluhan bang ng yari nanaman?"

"senyorito may natagpuang bangkay nanaman sa may sapa"

natatakot na sagot ng matanda.

"sino nanaman ang biktima ngayon manang celia?"

nababahala nyang tanong.

"ang anak nina don isidro. si isko ang natagpuang patay sa sapa"

humagulgol sa si manang celia sa pagka sabi nyang yun.

kaibigan nya din si isko, magkababata sila. mabait ito at hindi nga ito napa away ng kahit minsan.

"sino kaya ang may gawa nito? pang sampo na syang biktima sa lugar namin at hanggang ngayon ay hindi parin nahuhuli ang salarin"

nababahala narin si ferdenand dahil puro kalalakihan lang ang biktima.

karumal dumal pa naman ang sinapit ng mga eto. hubot hubad ang mga eto ng natagpuan. maputla na tila walang bahid ng dugo na sa katawan at bali ang mga leeg nito.

........

"kailangan mag dagdag tayo ng tao para mag ronda gabi gabi sa lugar natin"

bungad naman ng kapitan nila.

"sabi ni chief mag dagdag din sila ng pulis na sasama sa pag roronda natin"

sabat naman ng tiyuhin ni ferdenand.

"nakakabahala eto kasi puro lalaki pa naman ang inaataki ng kriminal. dapat maging mapagmatyag tayong lahat"

........

kakauwi lang ni ferdenand galing sa pagpupulong sa barangay nila.

"kamusta na senyorito ang pag pupulong? alam naba nila kong sino ang salarin?"

tanong naman ni manang celia habang nilalapag ang tasa na may kape sa lamesita.

"wala parin manang celia. pero gabi gabi ay salitan ang pag roronda ng mga kalalakihan"

"nababahala ako senyorito para sa iyo. nag iisa ka pa naman sa bahay na eto. paano na lang kong. dios wag naman sana"

sabay kros naman sa sarili ng matanda.
ngumiti naman si ferdenand.

"wag kang mag alala sa'kin manang celia. hindi ako takot kung sino man ang kriminal na iyan at lalong hindi ako takot mamatay"

sabay inum naman ng kape nya.

AMARAH...lust & love (vampire chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon