-Third person POV-
Tahimik lang si Emma na nakaupo sa isa sa mga benches sa isang tulay na puro love locks habang tinitignan ang isang partikular na love lock habang nagre- reminisce.
~flashback~
Nakatayo silang dalawa sa tulay habang nakaback hug at nakasandal si Ethan sa shoulder nya.Pareho lang silang tahimik dahil kahit ganoon, ramdam na ramdam parin nila ang pagmamahal ng isa't isa.
"Emma" biglang putol ni Ethan sa kanilang katahimikan at ginalaw bahagya ang kanyang ulo para makaharap kay Emma.
"Hmm?" tugon ni Emma.
"Happy anniversary babe"
'Di niya maiwasang mapangiti. Nakaramdam bigla ng kung anong kiliti sa tiyan nya ng marinig niya ang salitang iyon.
Minsan lang kasi kung gumamit si Ethan ng mga nicknames sakanya kaya sa minsan na iyon, parang unang beses lang siyang pinakilig ng pinakamamahal niya.
"You're blushing" sabi ni Ethan ng may isang pilyong ngiti sa kanyang labi.
Pabirong pinalo ni Emma ang kamay ni Ethan na nakapulupot sa bewang niya. Natawa nalang siya dahil kahit matagal na silanng nagkasama, hindi parin nagsasawa si Ethan sakanya at ganun din siya.
"Happy anniversary too..."
Biglang napa- pout si Ethan dahil ine- expect niyang tatawagin din siyang babe ni Emma
"Babe"
Sa narinig nya, napangiti nalang siya bigla. Hinarap niya si Emma sakanya at niyakap ng mahigpit.
"Iloveyou"
"Iloveyoutoo"
Sunset na, kumuha sila ng isang love lock at inilagay iyon sa tulay.
"Pangako, hinding-hindi kita iiwan."
Mabagal na lumapit ang mukha nila sa isa't isa hanggang sa lumapat na ang labi nila sa isa't isa. Unang bumitaw si Emma at yinakap ng mahigpit si Ethan.
"Iloveyou iloveyou iloveyou" bulong ni Emma
"I love you today, and I'll always love you until I'd stop breathing."
Pagkatapos niyang sabihin iyon, sabay nilang itinapon ang susi sa tubig sa ilalim ng tulay na iyon.
~end of flashback~
"3 years na Ethan. Akala ko bang hindi mo ako iiwan?" sabay 'non ang pagpatak ng luha sa kanyang mata.
Lumapit siya sa love lock na iniligay nila doon. Dahan dahan niyang hinawakan 'yon. Matagal din niya iyong tinitigan. Nabalik lang siya sa kanyang sarili ng mapansin niyan may luhang tumulo sa love lock na iyon.
"Well, I guess that promises are meant to be broken" mapait siyang ngumiti.
Pinunasan na niya ang luha niya at ipinangako sa sarili niyang 'di na siya magiging mahina. Magmo- move on na kay Ethan dahil wala namang magagawa ang mga luha niya.
Pero hindi ibig sabihin ng pagmo- move on niya ay kakalimutan na niya ang pinagsamahan nila ni Ethan, at si Ethan.
Mahirap kalimutan ang taong mahalaga sayo. Ang taong minsan ng naging parte ng buhay mo, ang taong nagpasaya sayo, ang nagturo sayo kung paano magmahal ng tunay.
BINABASA MO ANG
Locked Promises
RomancePeople that had been a part of your life can never be forgotten. It's better to remember the ones who once made you happy than to forget them just because they had once hurt you too. Happy memories are more important than the sad ones.