Finally Free (Oneshot)

776 37 14
                                    

YUMI

Nakapatong sa mesa ang aking mga siko at pinagsilop ko ang aking mga palad dahil sa sobrang kaba. Hinihintay ko ang kanyang paglabas. Gusto ko nang umatras ngunit hindi ko magawa dahil gustong-gusto ko na siyang makita.

"What are you doing here?"

Nanlamig ang buo kong sistema pagkarinig ng kanyang boses. Kahit kinakabahan, nag-angat pa rin ako ng tingin. His cold brown eyes directed towards me like he wanted to kill me by merely staring. The gentleness and love are all gone.

Yumuko ako at kinalma ang aking sarili. Binuksan ko ang paperbag na may lamang pagkain. Hindi siya umuupo pero nararamdaman ko pa rin ang pagtitig niya.

"Go home."

Dalawang salita lang 'yon pero sobrang nasaktan ako. He doesn't want me here. Dati, 'pag nakikita niya ako, nakangiti na siya ngunit iba na ngayon. Wala na siyang pakialam at maramdaman. Kahit punung-puno ng panghihinayang, hindi ko pa rin siya pwedeng sukuan. "M-Mga paborito mo 'to."

"Nanggagago ka ba?"

Pinilit kong ignorahin ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Kailangan kong maging matatag para sa kanya. "K-Kumain ka na."

"Tangina." Napakurap ako sa malutong nitong mura. I wanted to hug him but I can't. Masyado siyang galit sa akin at sa buong mundo. "You set me up and brought me to rot in this stupid cell! Tapos pupunta ka dito nang wala lang?!"

Kahit nakaupo, nanghina pa rin ang aking mga tuhod. Kailan pa naging kasalanan ang gumawa ng mabuti para sa ibang tao? Kailan pa naging ganito kahirap gumawa ng tama? Kailangan bang ganito katindi at kasakit?

I wanted to cry for him but I need to be strong. "I-I d-did this because I love you. I just saved you from hell."

Natawa siya- tawang puno ng pagkamuhi at pagka-sarcastic. "Wala kang kwentang magmahal. Ang sakit mong magmahal."

Tama na please.

"I don't need saving Yumi. You burried me alive."

My heart is breaking into pieces but I don't care. Kailangan kong ipaintindi sa kanya na lahat ng ginawa ko kahapon ay para sa kanya. "Mas gugustuhin ko pang nakikita kang nandito sa kulungan kaysa mamatay at hindi na kita makita ng tuluyan."

Nagpapasalamat ako na nanatiling matatag ang aking boses kahit durog na durog na ang puso kong marinig ang masasakit niyang salita. "Umalis ka na at huwag ka nang magpapakita."

Nag-angat ako ng tingin na agad ko ring pinagsisisihan dahil namumula ang kanyang mga mata. Punung-puno ito ng hinanakit at pagkamuhi. Tumayo ako upang lapitan at yakapin siya. Pero paghakbang ko palang palapit, lumayo na siya. "Huwag kang magkakamaling hawakan ako, baka mapatay kita. I don't need you. I hate you. I abhor you."

Nanghina ako.

God, can I give up? I don't want to feel his indifference anymore. Para akong paulit-ulit na sinasaksak. It's too excruciating and painful.

"Don't even cry in front of me!" My body shivered down to my spine. Nagulat pa ako sa biglang pagdating ng isang nagbabantay. Nagulat rin siguro sa sobrang lakas ng sigaw ni Terrence. Umiling ako upang ipakita na okay lang kaya lumabas din ito kaagad. Nang tumingin na ako kay Terrence, nag-igting ang kanyang panga. "Wala kang karapatang umiyak sa harap ko."

Tama na.

Tumalikod siya at naglakad na paalis sa kinaroroonan ko. Naramdaman ko na lang ang mainit na luhang dumadaloy sa aking pisngi. I tried not to cry but I can't hold it anymore. Hindi ko na kaya ang kirot at hapdi ng puso ko. Baka bigla na lang akong mahimatay kung pipigilan ko pa.

Finally Free (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon