Ex-Pert 14 •Boss ko na Siya•

127 4 0
                                    

Grace

"Unang araw." Nagpakawala ako nang hininga habang naglalakad papuntang opisina niya.

"Good morning beh." Bati sakin nang isang babaeng nakasalubong ko. Isa yata sa mga entertainer dito base sa kanyang kasuotan.

Ngumiti lang ako nang konti saka kinindatan niya ako pabalik. Alam kong magiging masama ang ihip nang hangin kaya agad ko nang binaling ang mga mata sa dinadaanan ko.

Nang makarating ay kumatok ako sa pinto nito, ngunit walang sumagot kaya dinikit ko ang aking tenga sa pinto upang makasigurado.

"Sir?" Tawag ko ngunit wala paring sagot.

Wala naman na akong pagpipilian kaya ako'y nagdesisyong buksan nalang ang pinto.

Dahan dahan akong sumilip pero wala akong nakitang bakas ng pagkatao niya. Maaga pa kasi kaya naman bumungad sakin ang katahimikan at kadiliman ng kwarto. At dahil 'dun, agad ko nang tinungo ang aking sariling lamesa at agad na inilapag ang mga gamit ko doon.

I-non ko na yung ilaw at ginawan na siya ng kape, saka naman agad na inilagay ito sakanyang lamesa.

Inayos ko na rin ang mga gamit na sa palagay ko ay dapat ayosin. 

Pero ng mga gamit ko naman ang aking inaayos, napagtanto kong may iisang bagay na nawawala sakin.

"Yung bracelet?" Kinapa ko ang mga bulsa ng aking bag.

"Hindi."

"Hindi. Hindi!" Halos bungkalin ko na lahat ng bagay na may meron ako mahanap lang ang bracelet ng anak ko.

"Asan na'ba 'yun?" Mangiyak ngiyak na imik ko.

Tuloy parin ako sa paghahanap nito ng biglang bumukas ang pinto.

Umangat ang aking ulo at nang makita siya'y agad na inayos ko ang aking pagkakaupo.

Napalunok ako ng walang siyang imik na dumiretso siya kanyang lamesa. 'Ni hindi man lang ako nilingon, kahit nga sinulyapan nalang eh.

Wala namang salitang lalabas sa bibig ko kaya kibit balikat na  binaling ko nalang ang atensyon sa aking hinahanap.

"Being courteous is important. And incase you forgot, Im the boss here... Show some respect Ms. Mendel."

Napakurap-kurap ako nang marinig iyon. Tinignan ko siya at nakitang hawak hawak na ang kapeng inihanda ko.

"Cappuccino, good thing you still remember." Natuyo ang lalamunan ko nang umiling siya sabay inom 'dun sa kape.

Naalala ko dati, cappuccino siya macchiato ako. Corny man pero sinasakyan narin lang naman namin. Ugh! Wake up Grace those are in the past!

Hindi ko napigilan kaya nagawa kong pagmasdan ang bibig niya habang nilalasahan ang kape.

Kinagat niya muna ang kanyang pangibabang bibig bago tumingin sakin.

Tinitigan ko rin siya sa mga mata habang naghihintay sakanyang sasabihin. Ngunit tango lang 'rin naman pala ang ibibigay sa'kin kaya bahagyang napayuko ako.

Parang may kong anong pader na namamagitan samin. Walang imikan at sadyang iniiwasan ko ang tinginan.

Gayun pa'man, nang dumaan na ang nakaririnding katahimikan muli ko nang narinig ang kanyang boses.

"Pakikuha nga ng pulang folder  diyan." Siya'y seryosong nakatitig sa kanyang binuksang laptop. Wala mang emosyon  alam ko ang tintukoy niya.

Tumingala ako at nakita ang isang cupboard na nakadikit sa kaliwang pangitaas na bahagi ng pader.

Nandoon nakalagay ang mga iba't ibang dokumento na may kaniya-kaniyang folder.

"Uh--" Nagdadalawang isip ako. Hindi ko kasi abot yung cupboard kaya hindi ko makukuha 'yung pulang folder.

Tinignan ko siya na hindi naman nakatitig sakin. Hindi naman na ako bata para bigyan pa nang gabay upang makagawa ng mga simpleng bagay.

Umiling ako at muling sinulyapan ang pagmumukha niya bago pa'man hinawi ang upoan ko.

Umakyat ako dito at pumatong sabay abot doon sa kulay pulang folder.

Ngunit ang hindi ko inasahan ay ang maramdaman ang titig niya.

Nakatingin siya sakin habang sapilitang inaabot ko yung folder.

Hindi ko kasalanan na 5'4 lang ang height ko kaya pursigido akong inabot ito.

"Careful, you might fall." Sarkatiskong paalala niya.

Hindi ko na siya pinansin at napagtagumpayan ang pagabot sa pulang folder.

"Heto na." Ibinigay ko na ito sakanya at agad na bumalik sa aking lamesa.

"You changed." Walang emosyong sabi niya kaya nanatiling tikom ang bibig ko.

Ngumisi siya pero bigla rin naman itong nawala nang magsalita siya uli.

"Ito. Palitan mo na yang suot mo." May inilabas siyang damit kaya sabilisang tumayo naman ako para kunin ito.

"Gusto ko yan parati suot mo. Kahit saan man tayo pumunta dapat nakagan'to ka. Huwag na huwag kang magkakamaling suwayin ako. Maliwanag?" May awtoridad sa boses niya kaya napalunok ako at parang batang tumango tango.

Napahawak siya sakanyang panga at pansamantalang tinigil ang pagkakatutok sa laptop.

"Sige na! Go change your clothes because I couldn't get your Booty's image out of my head."

My Ex Is Pert; The ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon