Chapter 5

16.7K 371 50
                                    

Pasukan na!

Pero hindi ko pa rin alam pangalan niya.

Sa 16 taon kong buhay sa mundo, ngayon lang naging excited sa pasukan. Yung sobrang ngiti ako ngayon kasi pasukan na.

Mas lumalaki na ang chance para makita ko si abo, para makilala ko siya at malaman ang pangalan niya.

"Oh yung baon mo, nadala mo na ba?" Tanong ni mama.

"Opo ma pati payong, papel, ballpen, ruler, crayola, notebook, envelope, bag, payong at sarili ko ma." Sabi ko habang nakangiti.

"Sobrang saya mo ah, oh sige na alis na, hanapin mo siya. Pag uwi mo dapat kayo na ah." Natatawang sinabi ni mama.

"Ako na bahala dun ma." Sabi ko.

--------

"Oo eto na! Paalis na ako!" Sabi ni Gale habang kausap ko siya sa cellphone.

"Paalis pero naliligo palang? Di kita kaibigan ng apat na taon para lang di ko alam yan!" Sabi ko.

"Oy hindi ako naliligo! Maliligo palang!" Sabi niya. "Bye na! Mamaya nalang!" At binaba niya na ang tawag.

Napabuntong hininga nalang ako.

Ang usapan namin 5:30 magkikita kami sa school.

Tapos ngayon 5:45 na maliligo palang siya?!

Top 5 na malelate sa first day of school.
1. Gale
2. Gale
3. Gale
4. Gale
5. Gale

Sige na papasok na akong school!

Pagod na akong maghintay sa wala lalo na sa alam mong malelate!

Habang naglalakad ako, may nakita akong babaeng tumatawid...

Parang alam ko yung mata na yun ah...

Parang alam ko yung buhok na yun ah...

Parang alam ko yung katawan na yun ah, yung flat na yun...

Abo?!?!?! Iz dat you?!

Alam mo yung para kang nakainom ng isang litro ng kopiko 78, nararamdaman kong yung loob ng katawan ko lalo na yung mga laman loob ko sumasayaw at nagpaparty sa loob, yung utak mo nagtitwerk, yung pati pwet mo kinikilig, ganun ang mga nararamdaman ko ngayon.

"Ikaw ba talaga yan abo? Bakit parang lalo kang gumanda simula nung unang araw tayong nagkita"  tanong ko sa sarili ko.

Tumakbo ako at sinundan ko siya, pero syempre hindi ako nagpahalata nasa likod niya lang ako at nakikisabay lang ako sa mga dumadaan.

Lumingon lingon pa siya.

Please don't look at me po.

Look in other way po.

Habang naglalakad nagsecellphone siya.

Aba, may kachat siya?! Sino yun?!

Ah baka kaibigan niya lang.

Hindi! Baka syota niya!

Napatigil ako sa paglalakad  ko, parang gusto ko nalang gumapang papuntang school tinamad na ako eh.

Ay hindi! Bawal pala, kailangan ko mag-aral! Labyu ma, labyu pa, labyu pamileh.

Nainspired pa ako sa quote na nabasa ko sa facebook. "Ang pag aaral parang pag momove on, mahirap pero kailangan."

Sige na, eto na papasok na ako.

Pumasok na akong gate at dalawang tao lang ang pagitan naming dalawa.

Sobrang daming tao pero kahit may nababangga na ako at may nakakabangga sakin hindi ko inaalis paningin ko sakanya.

Naghintay akong halos isang linggo para makita lang siya.

Tapos masisira lang dahil sa kachat niya?!
Kung sino man yon?!

Pumikit ako sandali at huminga ng malalim para kumalma.

"Calm your tits"  sabi ko sa sarili ko.

Pagmulat ko... nawala bigla si abo?!?!

Nakatulog ba ako?! Bat nawala siya?! Asan ka abo?!

Nilibot ko ang mata ko, tinignan ko kung asan siya baka nandiyan lang pumunta lang pala sa kubeta.

Kaso wala?!

Naku abo, minsan na nga lang kita makita mawawala ka pa.

Minsan na nga lang magmahal, nasasaktan pa.

Baka umalis na yun. Hays.

Baka pumunta na sa classroom niya.

Ano kaya ang kinuha niyang strand?

Nakayuko nalang akong pinuntahan ang building ng senior high.

Bat kasi pumikit pikit pa ko eh.

Hinintay ko tong araw na to tapos mawawala agad siya dahil lang sa pagpikit ko?!

Pumunta na ako sa tapat ng room namin.

Marami rami na ring nasa harapan ng room namin, siguro sila mga bago kong kaklase.

Tumabi muna ako sa medyo chubby kong magiging kaklase.

Malungkot pa rin ako sa totoo lang.

"Osige na Lexy,papasok na ako." Narinig kong sinabi ng katabi kong medyo mataba. Di naman siya masyadong mataba, chubby lang.

"Makapagpaalam ka naman! Magkatapat lang room natin." Sabi bg kausap niya, di ko makita kung sino eh.

At umalis na nga ang matabang katabi ko.

Malungkot pa rin ako, nawala agad si abo kanina?! Namimiss ko agad siya.

At may nakatapak ng sapatos ko. Eto ang pinaka ayoko sa lahat abg matapakan ang sapatos ko.

At pag-angat ko ng ulo ko para tignan ang nakatapak sakin...

Abo? Ikaw ba yan?

------

A/N Hi....... :D










Unang Tingin (gxg) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon