ang pag momove-on ay hindi lamang sa mga taong naghiwalay sa relasyon meron din sa mga taong umasa, sa mga taong may crush, sa mga taong inlove, sa mga taong may gusto pero ang gusto nila'y hindi naman sila gusto,
ang pagiging broken ay hindi katapusan ng lahat,
marahil ay inilayo kalang ni God sa taong di deserve ang pagmamahal mo,
menting a broken heart is never be easy, walang madaling paraan para pahintuin masaktan ang puso,
it really takes a lot of time para makalimutan ang isang taong minsan ng naging parte ng buhay natin,
panahon at oras ang kailangan para makalimutan talaga yung taong minsan nating minahal,
yung taong nakapag-bago sa atin
yung taong tinuruan tayo kung ano talaga ang ibig sabihin ng pagmamahal,
yung taong naging mundo natin,
ou, ramdam ko kayo mahirap kung sa mahirap ang pag momove-on
madaming dahilan kung bakit nasasaktan tayo at kailangan nating mag move-on
may iba't iba kasing sitwasyon
tulad ng:
nung una mahal ka niya pero nung tumagal nagbago na siya sayo pinakita na niya talaga yung tunay na pakay niya sayo, meron ding Sobrang minahal mo sya, akala mo kayo na, sa kanya umikot ang mundo mo, pero nang tumagal nag iba na sya ng hangarin, iba na ang nararamdaman sayo.
Sabi nya friendship is all he/she can offer. Pag katapos ng lahat sasabihin nya cool off muna tayo, after a week or so friends na lang tayo.
Hello? pwede ba yun? friends?
can exlovers be friends? katol pa loko!!!
O kaya its not you, its me.. hindi ikaw ang problema .. ako.
minsan naman, kailangan ko muna hanapin sarili ko naguguluhan ako,
hampasin mo ng mapa at sabihin mong dyan mo hanapin sarili mo kung mahahanap mo !!
Eto ang mas masakit, ” Hindi na kita mahal, meron na akong mahal na iba kalimutan mo na ako”
one sided love ang peg neto !! ang sarap hambalusin ng wreaking ball ni miley, matapos mo siyang mahalin ng buong puso bigla niya sasabihin yun, anak naman ng........
At marami pang scenario kung paano ka nasaktan.
Ang hirap ea… alam niyo yun tagos hangang buto-buto fren !! minahal mo siya tapos ganun ung maririnig mong approach mula sa kanya,
ang sakit, sobrang sakit...... kung di malakas ang pain tolerance mo malamang nabaliw kana,
kapag naramdaman mo to kung anu-ano na yung maiisip mo na gawin ea
meron dyan yung maglalasing, magpapaka-emo, maghiganti at ang malala magpakamatay,
naranasan ko na lahat yan pero anung nangyari??
lalong lumala yung sitwasyon, lalong dumami yung problema ko,
kung dati sakit lang, ngayon sobrang sakit na kasi hindi kulang pinalala yung sitwasyon, nakasakit pa ako ng ibang tao.
tulad ng sinabi ko nung una hindi ganun kadaling mag move on it takes time, pero how long?? 2years?? 5years?? 8years??
tatanda ka sa pag mo-move on lang keri mo ba yon??
madami nagtanong sa akin kung paano ako nakapag move-on ng ganun kabilis,
ang sabi ng iba kaya ako nakapag move-on ng ganun kabilis kasi hindi ko naman daw talaga siya minahal,