GMAMR Chapter 20

26 6 0
                                    

Nakita ko ang sarili ko sa salamin suot ko ang gown ko na puti. Habang pinagmamasdan ko ang sarili ko hindi ko mapigilang maiyak.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni mommy saakin habang tinitignan ako.

"Mommy, parang ayaw ko muna ikasal na gusto ko. Mommy kinakabahan ako.." Agad naman niya akong nginitian na parang may naalala siya.

"Alam mo ba, Ganyan rin ang naramdaman ko ng ikasal ako sa daddy mo. Takot ako na iwan niya ako, na baka maghiwalay kami, Pero tignan mo matanda na kami naglolokohan parin kami" sabay pakita sa picture na medyo may kalumaan na. "Nung una ang akala ko pag ikakasal na kami ni daddy mo happy ending na kami. Walang gulo na mangyayare. Pero anak hindi ibig sabihin na ikasal Happy ending na, Walang problema na gugulo sainyo. Sa totoo mabait si Axell nakikita namin kung gaano ka niya kamahal at inaalagaan. Kaya nga nung nagpaalam siya na balak ka niya pakasalan masaya kami na madadagdagan nanaman ang pamilya natin." Agad kong niyakap si mommy dala na rin siguro na tama siya.

"Tara na?" Aya ni mommy saakin, kaya naman umoo na ako. Lumabas naman ako para tignan ang mga abay ko. At syempre ang maid of honor ko.

"WOW, GANDAAAA NAMAN NG DESIGN NI NICAAA!!" Sabi naman ni Alex.

"Alam mo alex, ikakasal na nga ako gown parin pinupuri mo, langya kaibigan ba kita!?!? Hahaha" nagtawanan naman kami at tyaka nag picture picture.

Lumabas naman ako ng kwarto. Nauna naman yung mga abay at flower girls ko sumakay naman ako ng sasakyan. Habang nasa biyahe kami hinawakan ni daddy ko ang kamay ko.

"Nandito lang kami ni Mommy mo" alam ko naman na pinipigilan niya umiyak.

"Kailan ba kayo nawala sa tabi ko Daddy?" Agad naman niya ako niyakap.

"Pakabait kang bata ka, Mahirap ang buhay pag may pamilya pero masaya kung nakikita mo ang mga anak mo na masaya... Kaya ikaw.."pagbibilin niya saakin. Hindi naman nagtagal nakarating na kami sa simbahan kung saan maraming bulaklak. Hindi rin nagtagal ay nag umpisa na, lahat sila ay nakapila at ako naman ay nakaupo lang sa loob ng sasakyan. Gusto ko tumakbo palayo sa simbahan pero mahal ko si Axell. Tinawag naman ako ng sakristan na maari na akong lumabas. Dahan dahan akong lumabas ng Kotse at tumayo sa pintuan na unti unting bumubukas.

Naglakad ako ng matagal at pinatugtog ang song na favorite naming dalawa. Hindi ko akalain na sakanya parin ako sa tagal naming hindi nagkita. Nakita ko naman ang mga kamag anak ko, umiiyak naman si Alex, Gab, Nica at si Stacey saakin parang mga baliw. Ng makita ko si Axell na umiiyak kusang nagsilabas ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Nakarating naman kami sa altar at kinuha ni Axell ang kamay ko. Walang nagsalita saaming dalawa, Para bang nagkakahiyaan pa kaming dalawa. Nag umpisa ang kasal hanggang ngayon wala paring nagsasalita saamin. Ng marinig namin ang 'You may now, kiss the bride' ay agad naman nasi sigawan ang mga kaibigan ko at ang mga kamag anak ko hahaha. Pero kinuha ni Axell ang isang mic at nagsalita siya.

"Bago kita halikan, I have a message for you. Eheeemmm! To the girl I loved, Thank you so much for the second chance, I always pray that you'll be with me someday at ngayon sinagot na ni lord ang dasal ko. Be together no matter what and let's be a good parent to our children.Im so glad I got a chance to meet someone like you. I LOVE YOU SO MUCH MRS. VASQUEZ"




Agad ko siyang niyakap, kinuha ko naman ang mic sakanya at ako naman ang magsasalita para fair.



"Hindi ako handa hahaha, Salamat sa pagmamahal, pag aalaga, pagpapasaya saakin. Hindi lang saakin kundi na rin kay Sam at Keoh. Alam ko hindi pa ito ang happy ending natin, ito palang ang simula ng kwento natin. ITS STILL US AND BE MY FOREVER A.J."




Hinalikan niya ako sa maraming tao at sa harap ng diyos at nangako na kahit anong problema ay sabay namin haharapin dahil iisa na lang kami at magtutulungan sa kahirapan o kaginhawaan.




Alam mo ba kung saan ang reception?  Ayun grabe yung plano ni Gab sa reception namin. Nasa isang sikat kami ng hotel, Habang kumakain kaming lahat ay kinausap naman ako ni A.J.



"I.C. saan mo gusto mag honeymoon?" Agad ko siyang kinurot sa tagiliran niya.


"Ang sakot nun ah, tinatanong lang haha" nakakaloko niyang sabi.



"Huwag kang epal diyan mamaya marinig ka nila mommy diyan eh" pag babawal ko sakanya. Nilapit naman niya yung bibig niya sa tenga ko at sinabing.



"Gusto ko lima anak ko na lalaki at dalawang bunsong babae" agad ko siyang kinurot ulit sa tagiliran niya.



"Hindi ka titigil?! Anong akala mo saakin? Sa tingin mo ba kakayanin ko? Gusto mo bang mamatay ako ng maaga?" Agad naman niya akong niyakap.





"Eto naman.... Kahit ano ilan pa yan basta masaya ka hahaha" napangiti na rin tuloy ako.


"Alam mo ba kanina gusto ko ng lumayo sa simbahan" agad naman siyang nalungkot dahil alam niya natatakot rin ako.





"So balak mo ako iwan?" Malungkot niyang sabi saakin.




"Oo sana e, nainggit kasi ako sa mga sakristan parang gusto ko mag extra HAHAHA" agad naman siyang nag smirk saakin.





"Humanda ka saakin mamaya!" Pagbabanta siya saakin.





"Edi lagot ka kila mommy hahaha" agad naman siyang ngumuso saakin.






"Pagbigyan mo na kasi ako, Magsusumbong ka naman kasi e" agad naman akong natawa sakanya para kasing bata na hindi pinapayagan ng magulang.




"Bawalllll!!!!" Sigaw ko sakanya.




"Bakit bawal?! Asawa naman na kit-" hindi ko na siya pinatapos dahil naiinis na rin ako dahil gusto ko na sabihin talaga.





"Buntis nga ako! Binuntis mo ko loko ka" agad naman siyang napasigaw sa sobrang saya. Binuntis ako ng walang ka alam alam loko, ngayon 4weeks na akong buntis at alam ko na mahihirapan agad si Axell sa pag aalaga saamin nila Sam, Keoh, at sa baby namin.



"I have something to tell you guys! Good news. IVY IS PREGNANT! DADDY NA AKOO!!" nakita ko naman sakanya kung gaano siya kasaya. Pati ang mga kaibigan ko ay nag sisigawan at nag hihiyawan. Napa yes naman si daddy dahil may apo na sila. Bumalik naman si Axell sa upuan niya katabi ko.



"Kaya mag tiis tiis ka muna kung hindi ka makascore HAHAHAA" agad naman siya umoo at excited na siya sa baby namin. Nung una hindi ko alam gagawin ko dahil suka aki ng suka pero ngayon. Masya na rin ako at hindi makapaghintay para sa baby namin.

Million Reason [FLND] Book 2Where stories live. Discover now