........
"mmm amarah"
ungol ni ferdenand ng maramdaman nya ang halik ni amarah.
"gising na"
minulat naman ni ferdenand at kinuskos pa eto.
"nag luto ka amarah"
tumango naman si amarah at ngumiti kay ferdenand.
"kumain ka na"
inayos naman ni amarah ang mga pagkain sa lamesita sa gilid ng kama ni ferdenand.
"bakit isa lang ang pingan amarah? hindi ka ba kakain?"
umiling namam si amarah.
"hindi ako kumakain...sa umaga"
"ah ganuna ba... eh matakaw ka naman kumain dati ah"
"iba na ngayon ferdenand"
sabay tabi naman ni amarah ky ferdenand.
"baka may iba kang gusto. kape? gatas o tubig?"
umiling naman si amarah at hinilig ang ulo nya sa leeg ni ferdenand. inamoyamoy pa nya ang leeg ng lalaki.
"pwede bang dugo mo na lang?"
natawa naman si ferdenand.
"pwede naman amarah kung ikakabusog mo"
"talaga ferdenand?"
hinilig din ni ferdenand ang ulo nya para maging mas pabor kay amarah ang mga leeg nito.
dinilaan pa ni amarah ang leeg ni ferdenand. sinipsip nya muna eto bago kinagat ng napakapino. napa galaw naman si ferdenand ng maramdaman nyang bumaon ang tila matulis sa kanyang leeg. ngunit hindi naman sya umalis at nagpa ubaya lang kay amarah na akala nya lang ay nag bibiro.
nasa likuran si amarah ni ferdenand at naka pulopot ang kamay nito sa dibdib ng lalaki. mahinang sinisipsip ni amarah ang leeg nito. kunti lang ang kailangan nya. pampabasa lang sa kanyang mga labi.
"ahhh ang sarap mo ferdenand"
humarap si ferdenand sa kanya. nakapikit si amarah habang dinidilian ang mga labi nito na may bahid ng dugo ni ferdenand.
biglang na alala ni ferdenand si victoria sa nakikita nya sa ekspresyon ni amarah. duguan ang mga bibig. may naka akitakit na boses at senswal ang galaw ng katawan.
"amarah"
pukaw ni ferdenand kay amarah. hindi kaya ay naging katulad si amarah kay victoria. ang mga di maipaliwanag nitong bilis. at walang pagod sa pakipag talik? naiiba na si amarah? naalala nya nung nakita nyang nahulog si amarah sa bangin. ang katawan nito tila lasoglasog sa ibaba nung datnan nila eto at kunin. ngunit nawala nalang etong bigla nung dinala nila eto sa bahay nina amarah at hangang nakita nya lang etong muli sa bahay nya at sinabi nitong buhay sya.
"ferdenand"
nababasa ni amarah ang nasa isip ni ferdenand.
"natatakot ka ba sa akin ferdenand?"
umiling naman si ferdenand. siguro eto nga rin yung naramdaman ni gabriel kay victoria.
"hindi amarah"
niyakap naman ni ferdenand si amarah. mahal na mahal nya si amarah at gagawin nya ang lahat para sa babae. kahit ubosin mo pa ang dugo ko amarah ibibigay ko eto sayo. isip ni ferdenand na nabasa naman ni amarah kaya napa tawa eto.
"bakit ka tumatawa amarah?"
humarap naman si amarah kay ferdenand.
"hindi ko uubosin ang dugo mo. pano nalang ang pangangailangan ng katawaan ko"
"nababasa mo ang nasa isip ko?"
tumango naman si amarah at namangha naman si ferdenand.
"amarah pano ka nagbago?"
yumuko naman si amarah.
"kung ayaw mong sagutin ay naiintindihan ko amarah"
inangat ni amarah ang tingin kay ferdenand. sa tingin nya ay eto na ang tamang panahon para malaman ni ferdenand ang tungkol sa kanya. sa lahat lahat ng mga ng yari.
"nung nahulog ako sa bangin ferdenand... may dalawang lalaki ang lumapit sa akin...mamatay na ako nun at dinugtungan nya lang ang buhay ko. naging kapareho ako nila. at sya na ang kinilala kong ama. at si victor ay kapatid ko. nalalaytay sa amin ang dugo ng aming ama na si fausto"
"pero nung kinuha namin ang katawan mo ay patay kana amarah. dinala pa nga namin ang labi mo sa inyong tirahan ngunit bigla ka namang nawala"
"kinuha na ako nina victor at ni fausto kaya nawala ako"
"at pinuntahan mo ako?"
yumoko naman si amarah.
"inaamin ko na nagalit ako sa iyo ferdenand. at gusto kong maghiganti. kaya napatay ko ang dalawa sa mga tauhan mo. kakabuhay ko lang nun at matindi ang tawag ng dugo sa'kin"
"pero hindi mo parin ako pinatay"
"hindi ko naubos ang dugo mo kaya hindi ka namatay"
"sana ay inubos mo na lang amarah para kahit paapano ay napaghiganti mo ang pagkasala ko kay gabriel"
"hindi ko alam ferdenand. nag bago ang lahat nung sinabi mong mahal mo ako. nagugulohan ako ferdenand"
"amarah..."
sabay yapos naman nya dito.
"alam ko ferdenand... tangap mo parin ba kahit ganito na ako ngayon? kahit isa na akong... bampira?"
"tangap ko ang lahat sa iyo amarah dahil mahal na mahal kita. tandaan mo iyan. ikaw ang pinaka mamahal ko"
.........
BINABASA MO ANG
AMARAH...lust & love (vampire chronicles)
VampireFerdenand kailan ko maririnig sa kanya ang matagal ko ng inaasam. Amarah mahal kita... mahal mo din ba ako? Amarah bakit tumibok muli ang nahihimlay kong puso? wala ng rason para gumising akong muli. pero pa ano? bakit ganito ang nararamdaman ko? il...