Tampo

48 0 0
                                    

Tampo

Alam kong wala ntayoong karapatan sayo
Wala nang karaoatan magtampo
Pero ito ang naramdaman ko
Anong magagawa mo?

Minsan, gusto ko na lang itanong 'to sayo
Isigaw sa mundo lahat ng hinanakit ko
Kahit alam kong walang magbago
Basta lahat malaman mo

May pakialam ka pa ba sa akin?
Oh sadyang tinangay na lang ito ng hangin?
Sa akin ay wag ka ng magsinungaling
Alam kong ayaw mo na sa aking piling

Hindi mo ba talaga nararamdaman ito
Na hanggang ngayon may pagmamahal pa rin ako sayo
Hindi mo ba napapansin lahat ng tula ko
Oh sadyang binabalewala mo lang ito

Ni hindi man lang ba pumasok sa isip mo
Na kamustahin naman ako
Naisip na kausapin kahit minsan
Naisip 'tong aking nararamdaman

Ni hindi mo na ba naramdamang muli
Na nais mong ibalik ang dati
Naramdaman na ako'y mahal mo
Wala na lang ba talaga ako sayo?

Hindi ko na dapat sinasabi pa
Mga hinanakit ko sayo sa aking tula
Hindi na dapat ako nagtatampo sayo
Kase wala akong karapatan at hindi tayo

Hanggang dito na kang siguro ito
Sana kahit papaano naramdaman mo
Itong mensahe ng tula ko
Na sinasabing di ko kayang magalit sayo hanggang tampo lang ako

Tula Para Sa Aking Mga Naging SintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon