Chapter 24

291 13 2
                                    

(Jungkook's P.O.V.)

Byun ... Sammy...

Ang babaeng nakita kong umiiyak sa rooftop nang minsang nag-ikot ako sa kompanya

Paniguradong si TaeHyung nga ang dahilan...

Overtime kami ngayon dahil sa sunod-sunod na mga projects

Ikalawang araw na ng pagtulog namin dito, hindi kami makauwi sa dami ng aayusin

"Kakaantok!" Sigaw ni Joo Young

"Bili ka ng kape," utos ni Ih Dae

"Anong oras na!" Reklamo nya

11:39 na ng gabi

"Uhm, ako nalang ang bibili," sabi ko

"Talaga?" Tanong nila

"Jungkook, anong oras na uy," sabi ni Sammy, nginitian ko nalang siya

"Ok lang," sabi ko sa kanya

"Hindi, ako nalang," sabi niya

"Sira ka ba!?" Sigaw ni TaeHyung

"Baliw ka Sammy," sabi naman ni Sanyel

"Ako nalang ang bibili," sabi ni TaeHyung

"Hindi, ako ang nauna," sabi ko

"Ako na," sabi niya

"Hindi, ako na nga lang," sabi ko, nakita ko ang bakas ng pagkainis sa mukha nya

"Buti pa iyong pagbili ng kape pinag-aagawan huuu!" Biro ni Yoseob, natawa tuloy kami

"Sasamahan ko nalang sya," sabi ni Sammy

"Hindi, ako nalang ang sasama," kontra nya

"Ano ba, kaya kong mag-isa," sabi ko

"Duh~" rinig kong tinig ni Han Yeok, naiinis ako na nasasaktan sa kanya

Akala ko kasi iba sya...

"T-TaeHyung, alagaan mo nalang si Sanyel," sabi ni Sammy, tumingin ako kay TaeHyung na napalitan ng pag-alala ang ekspresyon

"Wag ka na ring sumama, kaya nya naman daw mag-isa," sabi nya

TaeHyung, matagal na akong may napapansin sa iyo... Hindi kaya?

"Ang tagal naman oy, ito na yung pera oh," reklamo ni Yoseob

"Sige na Sammy, ako nalang," sabi ko, tumingin ako sa kanya na antok na antok na rin

"Matulog ka nalang muna," dagdag ko at ni-pat sya sa ulo, ngumiti lang sya at naupo sa desk nya, lumabas na rin ako

Tama kaya ang naiisip ko? Malamang, pero kailangan ko ng patunay, obvious naman kasi...

Nang marating ko ang JJ's Café, tumingin agad ako ng mga kapeng bibilhin ko

"Good evening Sir!" Bati sa akin ng cashier na napilahan ko

"Ahmmm, apat nga pong cafe latté tapos tatlong black coffee," sabi ko

"Sige po sir, wait nalang po kayo sa table #1," nakangiti nyang sagot

Bumili nalang rin ako ng ilang pastry para paghatian namin, panigurado kasing gutom na rin sila

Pumunta ako sa Table 1 at napaisip habang inaantay ang order

Bakit kaya kailangan nya pang masaktan si Sammy at bakit di nya maamin ang totoo?

/Flashback/

A Stupid Contract With The C.E.O.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon