[2] Iyak ng Alas Diyes

465 16 4
                                    

Whispers of Horror (Volume 1)

                                    Ian Joseph Barcelon

©All Rights Reserved 2014-No parts of this story may be reproduced without written permission from the author-13 Pure fiction horror stories collection-Written by Ian Joseph Barcelon

Iyak ng Alas Diyes [2]

                Naisipan ni Kathy na magbakasyon sa bahay ng lola niya sa Quezon. Isang linggo naman ang bakasyon nila kaya’t pansamantala muna siyang manunuluyan doon. Iilang empleyado lamang ang naiwan sa kanilang opisina para sa holiday work. Naisip niyang tama rin ang isang linggo para maipahinga niya narin ang kanyang sarili.

Malapit na ang pagpatak ng Nobyembre, magsisimula na ang araw ng mga patay, ang undas. Noong nakaraang taon ay doon siya umuwi sa Cavite, sa bahay ng kanyang mama, ngunit sinabi nitong doon din ito magbabakasyon sa bahay ng kanyang lola kaya doon narin siya pupunta. Magkikita sila sa isang food chain at sabay na pupunta sa bahay ng kanyang Lola Teodora.

Maagang namatay ang kanyang ama, nakalibing ito sa public cemetery sa Quezon gaya ng kagustuhan ng kanyang lola. Mas gusto raw kasi nitong malapit lang sa kanya ang libingan ng anak. Gaya ng ginagawa nila taon-taon, bumibisita sila sa puntod nito at doon magtitirik ng kandila.

                “Hindi ka parin nagbabago, Kathy. Ang ganda mo paring bata,” bati sa kanya ng kanyang lola na sa edad nito ay nakaupo na sa wheel chair. Marami naring puting hibla ang buhok nito at nakasalamin narin ito.

                Ngumiti siya sa matanda. “Naku, lola, siguradong mas maganda pa kayo sa akin noong kabataan niyo pa,” ganting-bola niya naman dito. Parehas silang natawa roon.

                Bumaling naman ang kanyang lola sa kanyang mama na nasa likod niya. “O, Mildred, kamusta na? Salamat pala sa mga regalo mo noong nakaraang buwan, ha?”

                “Wala pong anuman, nay,” turan naman ng kanyang ina na kasalukuyang nagtatanggal ng sandals.

                Mayamaya pa’y lumabas naman ang kanyang Lolo Tonyo kasama ang Tita Rica niya, kapatid ng kanyang ama na palagi nang naroon upang bantayan ang lolo’t lola niya. Malakas pa si Lolo Tonyo kahit na nasa edad anim na pu’t siyam na ito. Nakakalakad pa ito at malinaw pa ang paningin.

                “Mildred, Kathy, narito na pala kayo. Kamusta?” bati sa kanila ng kanyang tiyahin. “Halina, pumasok kayo, handa na ang pagkain,” nakangiting wika ng kanyang Tita Rica.

                Pumasok na sila sa loob. Halos walang nagbago sa bahay kung ikukumpara noong nakaraang taon. Ganoon parin ang hitsura nito. Ang mga antique na gamit na namalagi na sa bahay sa loob ng ilang taon ay nanatili parin sa kani-kanilang puwesto. Ilang dekada nang namalagi ang ilang koleksyon ng pigurin ng kanyang lola sa mga kabinet kung saan nakapuwesto ang mga iyon.

 Mahilig ang kanyang lola sa mga kahoy na gamit, katulad na lang ng mga narra na upuan nito. Pati na ang ilang vase na babasagin, mula pang-tsina hanggang hapon ay may koleksyon ang kanyang lola. Manika, bulaklak, plato pati na mga baso. Ang kanyang lolo naman ay mahilig magpinta noong kabataan pa nito, at ilan sa mga litratong ipininta nito ay naka-display sa salas. May nakatalaga pa ngang silid na kung tawagin ay artwork room ng kanyang lolo Tonyo.

                Naupo silang lahat sa mesa. Tapos nang kumain ang kanyang Lola Teodora kaya’t nakikinig na lamang ito sa usapan nila. Paminsan ay tumatawa at nagsasalita ito. Ang Tita Rica niya naman, panay ang kuwento tungkol sa pagiging makakalimutin ng kanyang Lolo Tonyo na ikinatuwa naman ng dalawang matanda.

WHISPERS OF HORROR [Volume I]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon