Krizza's P.O.V.
Mayroon ka bang bestfriend?
Syempre halos lahat naman tayo meron noon.
Eh kung boy/girl bestfriend ? Mayroon ka?
Well, parehas tayo. I have a boy bestfriend. First Year pa lang kami magbestfriends na kami.
Five years na yung friendship namin.
Nakita ko yung panliligaw niya
Yung pagkakaroon niya ng girlfriend
At yung pagbebrake nila.
Lahat yun nandoon ako, ako yung sinasandalan niya, ako yung kumo-comfort sakanya.
At sa lahat ng yun nasaktan ako , Oo nasasaktan ako kasi ang hindi ko alam mahal ko na pala siya.
Siya kasi yung tipo ng lalaki na ideal e.
Sobrang sweet.
Sobrang Caring.
Gentleman at higit sa lahat pogi.
Parang yung sa kanta ni daniel padilla, nasayo na ang lahat.
Kaya sa limang taon na yun nagtiis ako. Tinago ko yung nararamdaman ko, kasi natatakot ako.
Ayokong irisk yung friendship namin.
Pero kasi ngayon. Gusto ko na ng closure. Para wala akong regrets. Lalo pa't mahal niya ang bestfriend ko at mahal din siya nito.
----
Bes , Sa dating lugar tayo. 8 pm. Antayin kita.
Tinext ko sa kanya. Hinihintay ko siya dito. Sa lugar na una kaming nagkita.
"Uyy, bes bakit moko pinapunta?"
Nandito na siya. Umupo siya sa tabi ko.
Nakatingin lang ako sa langit.
"Naalala mo yung una nating pagkikita?"- ako
"Hm. Oo naman! Paano ko ba naman makakalimutan yon? Eh uhugin ka nun e!"- siya
*Flashback*
"Miss, panyo."
Sabi nung isang lalaki. Tumingala ako sakanya . Gwapo siya. Mapungay ang mata , matangos ang ilong at mapula yung labi niya. Matangkad siya at tama lang yung kulay ng balat niya.
BINABASA MO ANG
Before I Let You Go (One Shot)
Teen FictionKapag ba mahal mo yung bestfriend mo magririsk ka? A story of love and friendship.