9--- ANG MGA PODRE

77 4 0
                                    


........

di mapakali si ferdenand sa bahay. nagkakagulo nanaman sa lugar nila.

"manang celia ano ng balita?"

"senyorito isang halimaw daw ang pumapatay sa mga kalalakihan dito sa atin"

"pano naman nila nasabi na isang halimaw nga manang celia? nahuli naba nila?"

"hindi pa nahuhuli senyorito. mabilis daw ang galaw ng halimaw na eto. at sabi nung saksi ay tao daw eto na bigla nalang naging malaki at mabangis na aso"

"aso?"

"oo senyorito. kaya natatakot ng mga tao ngayon"

kung isa itong aso sigurado syang hindi si victoria ang may kagagawan ng mga kaguluhan ngayon. nasaan na kaya si amarah. pag alala nya.

..........

"ano victor tama ba?"

"oo amarah ang mga Poder nga"

nasa bahay sila ni fausto ngayon at nag uusap.

"anong klaseng lobo sila victor at bakit puro lalaki lang ang kanilang pinapatay?"

"sila ang mga mababang uri ng mga lobo. pero mga walang takot na nilalang. ang pag patay ay parte ng kanilang ritual. taga isang dekada ay pumapatay sila ng trese ka lalaki. nag sisilbing alay eto sa kanilang panginoon para madagdagan ang kanilang lalakas"

trese? ngayong gabi ay naka sampo na sila. ibig sabihin may tatlo pa silang kulang. at hindi sila titigil hangat hindi eto na kokompleto bago ang kabilugan ng buwan. isip ni amarah.

"at hindi tayo pwedeng makisali sa ritual nila amarah dahil eto ay isang ritual. nasa kasundoan na eto amarah at hindi tayo pwedeng sumuway o makialam at ganun din sila sa'tin"

"alam na ba ni victoria ang kasunduan na eto victor?"

umiling si victor.

"amarah natatakot ako para kay victoria"

nagulat naman si amarah sa sinabi ni victor.

"may tinatago ka ba sa'kin victor?

"patawarin mo ako amarah ngayon ko lang din na komperma. ang mga Poder ang tumapos sa buhay ni gabriel"

napahawak naman si amarah sa kanyang bibig. at hindi makapaniwala. akala nya kasi ay si ferdenand ang dahilan ng pagka matay ni gabriel. mali sya, maling mali.

"pano victor?"

"nung nabaril sya ni ferdenand ay buhay pa sya nun at nahimatay lang. at nung nahulog ka na sa bangin ay dali dali ka namang puntahan ni ferdenand kaya hindi na nalaman ni ferdenand ang nangyari kay gabriel. akala ng karamihan ay nag sama at nag palayolayo na sina victoria at gabriel"

gulat parin si amarah sa mga nalaman nya.

"at pano mo naman nalaman ang mga eto victor"

"sinabi sa akin ni victoria ng na abutan ko sya dito sa bahay. hindi nya nalaman ang kasunduan dahil umalis sya ka agad nung nasabi nya na ipaghihiganti nya si gabriel"

naisip naman ni amarah si victoria?

"kung mahahanap natin ang kaibigan mo ay hindi sya manganganib kapag kasama niya tayo"

"victor ikaw ang bumuhay sa kanya hindi ba? hindi mo ba talaga sya maramdaman?"

umiling naman si victor.

"sinara nya ang isipan nya amarah kaya hindi natin sya mahahanap, pwera na lang kong baguhin nya eto"

"pano kung mag hihiganti na si victoria sa mga Poder victor?"

"pwede syang maghiganti bastat wag lang syang makialam sa ritwal dahil masisira ang kasunduan"

"ngunit napabilang na sa ritual si gabriel victor at nasa onse na ang napatay ng mga Poder ngayon kasama na si gabriel dun. Pihadong papatay nanaman sila ulit victor dahil malapit na ang kabilugan ng buwan"

"kaya nga amarah. sana mahanap ko na si victoria bago pa magka gulo"

"marami ba ang grupo ng mga Poder victor?"

"nasa trese din sila, kaya nga trese din ang pinapatay nila"

"natatakot ako para kay victoria at ferdenand victor"

"pwede mo ayain na dumito muna si ferdenand sa atin amarah. at ako na ang maghanap kay victoria"

tumango naman si amarah.

.........

AMARAH...lust & love (vampire chronicles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon