Dahil naaalala mo na lang ako kapag wala sila sa paligid mo...
...at kapag nandiyan na sila, iiwan mo na ulit ako.
Masaya ako para sa'yo.
Sana magka-amnesia rin ako katulad mo... para kapag nandiyan sila, makakalimutan din kita. At hindi magiging mas masakit sa akin ang isiping dahan-dahan ay lumalayo ka na.
Pero masaya ako para sa'yo. Masaya talaga ako.
Kung halimbawa mang biglang mawala ako, sigurado akong hindi mo ako masyadong hahanapin...
Kasi nagkaka-amnesia ka na.
Nakakalimutan mo na ako, 'di ba?
Sige na. Gumawa ka ng mga bagong alaala. Kasama ng mga bago mong kakilala. Maging masaya ka.
Kasi ayos na. Mas naiintindihan ko na ang sakit na amnesia.
At hindi lahat ng nagkaka-amnesia ay kinukulit para maka-alala pa.
Makalimutan o maalala.
Kung kakalimutan mo ako, kalimutan mo ako. 'Wag mo na akong paaasahin na naaalala mo ako ngayon, tapos kinabukasan, iba na naman ang takbo ng panahon.
Kung maaalala mo ako, 'wag mo na akong kakalimutan. Kung kakalimutan mo lang din ulit ako, 'wag na lang. Magka-amnesia ka na lang ng tuluyan.
'Wag mo na akong saktan.
Wala akong sakit na amnesia. Kaya hindi kita makakalimutan. Hindi kita nakalimutan... hindi kita kinalimutan.
Kahit nakakalimutan mo na ako.