SIMULA
“Bakit? Bakit hindi mo masabing mahal mo ‘ko? Gusto kita Amelia! Gustong gusto kita!”
“Ayoko na George, sawang sawa na ako sa’yo. Nasasakal na ako sa’yo.”
“Ahh! Punyeta naman oh! Bakit ba kasi ang choosy mo Amelia! Andyan na nga si George oh! Andyan na nga siya ang choosy mo pa! Pwe!” naiinis kong sigaw habang pinapanood ko ang palabas sa TV.
“Jane, ano ba--- ‘wag ka ngang paapekto dyan. Pelikula lang ‘yan, siyempre ganyan ‘yan kasi ‘yan ‘yung nakasulat sa script.” nagsalita naman si Erin na katabi ko. Isinuksok ko ang aking kamay dun sa chichiryang kinakain niya pero laking gulat ko lang ng wala na palang natira.
“Erin naman! Ugh. Isa ka pa! Di mo man lang ako binigyan niyang sweet corn!” naiinis ako kasi ang panget na nga nung eksena sa TV, di pa ako makakain. Ang sarap palamunin ng marshmallows ‘tong bibig ko e. Naiinis talaga ako kay Amelia dahil binabalewala niya lang si George.
“Oh, ayan! Kumain ka dyan.” inilahad niya ‘yung bagong bukas na chichirya. Agad ko itong ibinuhos sa kamay ko at ipinasok sa bibig ko. Minumuya ko ito habang nakasimangot. Pinapanood ko na ngayon ‘yung eksena na umiiyak si George dahil iniwan na siya ni Amelia.
Alam niyo ‘yung masakit? Pinapanood ko ‘yung asawa ko na umiiyak. Huhu. Si Billy Fernandez ang gumaganap na si George tapos pinapaiyak lang siya dyan sa pelikula niya. Ayoko na! Ang sakit sa puso promise!
“Hay George, kung sa’kin ka lang napunta, di na kita papakawalan. Alam mo ‘yon? Sa’kin ka na lang kasi, sayang luha mo!” muntik ko nang masira ang screen ng TV dahil binato ko ito ng unan. Buti naman hindi nakakabasag ang unan noh? Pero wala eh, walang makakapigil sa sakit na nararamdaman ko ngayon!
Hindi na nagtagal si Erin at agad na siyang umalis. Sandali lang siya dito sa’min kasi inihatid niya lang ‘yung cake materials na hiniram ni Tita Edrin kay mama.
Lumipas na rin ‘yung masakit na mga eksena, at eto na.. balik na naman si Amelia sa pagiging sweet kay George. Ngunit huli na ang lahat dahil nakapag move on na si George at nakahanap na ng babaeng magmamahal sa kanya. Akalain niyo nga naman at Jane din ‘yung pangalan ng bagong babae? Edi parang ako na rin ‘yon! Bwahaha!
“George, sorry ha? Sorry kung ganon ako sa’yo dati.” aniya nung Amelia.
Nakasimangot ako ngayon habang pinapanood si Amelia na umiiyak sa harapan ni George. Ayan naman talaga kayo eh! May gwapo na nga sa harapan niyo, pinapalampas niyo lang tapos magsisisi sa huli! “Hoy! Kainis ka rin Amelia noh? Kung kelan masaya na kaming dalawa ni George, tsaka ka eepal!” sigaw ko. Ako na nga lang mag-isa dito na nanonood nito.
“Sorry Amelia, Sorry dahil si Jane na ang mahal ko ngayon.”
“Aaaaahh! Emegesh! Amazing! Labyu George! Mwa! Mwa! Mwa!” kinikilig akong hinahawakan ang unan dito. Ang sarap sa tenga marinig na mahal na mahal ka ng taong mahal mo. Syempre alam ko namang hindi ako ‘yung Jane na tinutukoy niya pero bahala na basta kapangalan ko ‘yung character na Jane na ginagampanan ni Mara Montes.
Bigla namang may sumingit sa kalagitnaan ng kasentihan ko rito, “Ate Jane, lipat mo naman ‘yung channel please?” bulyaw ni Cesca sa akin. Kanina pa siya pabalik balik dito sa sala. Si Cesca ay nakababata kong kapatid, 14 years old na siya ngayon.
Sinimangutan ko siya at ibinalin ulit ang tingin sa pinapanood ko, “Ayoko. Mamaya na!” kung kelan ngayon na nga lang ako makakapanood nitong movie ni Billy, ngayon pa siya eepal. Kung kelan ngayon na nga lang ‘to maipapalabas sa Pinoy Movies, ngayon niya pa ipagpipilitan ang American Movies na channel. Pwe! Gusto ko sa Pinoy eh, kasi andun ‘yung asawa ko, si Billy.
“Sige na naman oh! Sa iba naman! Kanina ka pa nanood dyan eh!” lumapit siya sa akin at kinuha ang remote na nakapatong lang sa gilid ng sofa. Walang isang segundo, agad niyang inilipat ito sa channel 20, ‘yung American Movies na sinasabi niya.
“Akin na nga ‘yan! Ang sama mo! Wala kang galang sa’kin!” kinuha ko agad ang remote at ipinindot ang channel 1. Boom! Eksaktong nagflash ang mukha ni Billy myloves. Emegesh! Penge oxygen please?
“Akin na nga kasi ate! Kanina ka pa dyan eh!” kinuha niya ulit at ipinindot sa channel 20.
Kinuha ko agad ang remote at inilipat ito sa channel 1.
Inilipat niya ulit sa channel 20.
Inilipat ko ulit sa channel1.
Inilipat niya ulit sa 20.
Inilipat ko ulit sa channel 1.
Inilipat niya ulit sa 20.
*Boom!*
Nagulat na lang kami nang biglang napatay ang TV. Tinignan ko ang paligid at napatay din ang mga ilaw. Sinamaan ko siya ng tingin na alam kong nanghihinayang lang dahil hindi niya napanood ‘yung gusto niyang panoorin.
“Aaaaaahh! Nakakainis ka Cescaaaaaa!” sigaw ko sa kanya bago ako tumalikod at lumabas ng theatre room. Agad kong napansin ang dilim na bumalot sa buong bahay.
Sinubukan kong i-on ang ilaw sa kwarto ko pero hindi pa rin. At naisip kong nag brown out nga siguro. Ibinagsak ko na lang ang aking katawan sa kama ko. Nakakainis talaga. Nabitin ako dun sa pinapanood ko! Ano na kaya mangyayari sa lovestory ni Jane at ni George? Ahh! Grabe! Fan na fan pa naman ako sa loveteam ni Mara at Billy, ‘yung MarBi! Tss. Ito na ata ang pinakamasaklap na maaaring mangyayari sa isang fan girl, ang mapatayan ng ilaw habang pinapanood ‘yung pelikula nang pinaka paborito mong loveteam!
Napansin kong biglang nag-on ang ilaw sa kwarto ko at agad akong kumaripas ng takbo papunta sa theatre room. Nadatnan ko si Cesca na nag aala prinsesang nakaupo habang pinapanood ang channel20. Nainis ako bigla. Alam kong di pa natatapos ‘yung pinapanood ko pero sigurado akong malapit na iyong matapos.
“Hoy! Akin na ‘yan!” kinuha ko ulit ang remote at inilipat sa channel1.
“Akin na ‘yan Ate Jane! Tapos na naman ‘yan eh!” hindi ko na siyan pinakinggan at sa halip ay itinuon ang pansin ko sa advertisement na kasalakuyang pinapalabas.
Isang minuto akong naghintay na bumalik ‘yung pelikula pero ‘yung paalala ng MTRCB ang nakita ko. Ibig sabihin, kakatapos lang nung pinanood ko kanina! Shet naman eh! Kung minamalas ka nga naman. "O sabi ko sa'yo dba?! It's my turn! Bwahahaha!" mala-demonyong halakak ni Cesca. Inirapan ko lang siya. Sarap niya talagang itapon palabas ng bahay. Pakainin ko siya dyan sa American Movies niya eh!
Nakabusangot akong naglakad palabas ng theater room pero napatigil ako nang narinig ko ang nagsasalita sa TV. “Kakapasok lang na balita, nagbigay na ng anunsyo ang sikat na actor na si Billy Fernandez sa press con nila—“ agad akong lumingon nang marinig ko ang pangalan ng asawa ko. Tumabi ako kay Cesca nang nakalaglag panga. Ang gwapo niya doon sa pinapalabas na clips. Ang gwapo talaga ni Billy myloves. Haaa-- tumutulo na laway ko!
Medyo nacucurious din ako kung ano ang ibabalita ngayon tungkol sa kanya, “At kinumpirma niyang mayroong siyang isa pang kapatid. Ang buong detalye mamaya sa Pinoy News Patrol. Manatiling nakatutok para sa iba pang nagbabagang balita---“
Ilang minuto din akong nakatulala sa screen ng TV. Hanggang sa inilipat na ito ng channel ni Cesca.
Pero ano daw? Ano daw ‘yung balita tungkol sa asawa ko? Mayroon siyang isa pang kapatid? Sino kaya ‘yon?!
__
Matagal kong nasimulan kasi tinatapos ko pa ang trailer. Plano kong ipost ang trailer bago simulan pero gusto ko na talagang simulan kasi April na. Haha! Ayun, simula pa lang ito! Sa susunod pa ang chapter1.
Vote. Comment. Follow
Twitter: @MCSilvertulip
BINABASA MO ANG
The Long Lost Sister of Billy Fernandez
FanfictionSikat na actor at teen heartthrob na si Billy Fernandez, kinumpirmang mayroong isang kapatid na babae. Ngunit sa kasamaang palad, hindi niya na kasama itong lumaki. At sa pagtungtong niya ng legal na edad, desidido na siyang hanapin ang nawawala ni...