Gotta Find You

1.6K 40 5
                                    

Eto na naman ako, naghihintay... sa wala. 

Nagmamahal ng taong di naman ako kilala.  

Pero di siya artista. 

Siya yung babaeng nakabighani sa puso ko. 

Pero di siya mabait. 

In fact, mataray siya. 

At yun ang nagustuhan ko sa kanya.

"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw niya sakin. May nabunggo akong babae. Di kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko. I'm daydreaming about her... again.

"S-sorry miss." tinulungan ko siyang pulutin yung mga libro niya. At nagulat ako nung nakita ko yug mukha niya.

Siya.. Siya ang babaeng pinapangarap ko. Siya ang babaeng napapanaginipan ko lagi. Siya ang dahilan kung ba't ako nandito ngayon. Siya.. siya ang dahilan kung ba't hanggang ngayon, broken hearted parin ako.

Dyan nagsimula ang love story namin. Este, love story ko. Masisisi ko ba siya dahil one-sided love lang 'to? Kasalanan ko din naman. Torpe ako. Tuwing lalapit ako sa kanya, naduduwag ako. Eh sino nga naman ako diba? Isang hamak na NERD sa isang university. At siya? Siya lang naman ang Secretary ng buong student council. Mahirap siyang abutin. Hindi ko siya kayang abutin... kailanman.

Singer siya. At tuwing magpeperform sila sa school o kaya sa labas, nanonood ako. Kahit magkano pa yan, basta makita ko lang siya. Marinig ko lang ang boses niya, kumpleto na.

Siya ang dahilan kung ba't ako naging ganto. Kung ba't ako nagbago ng itsura, kung ba't ko piniling maging parte ng isang banda.

Iba na ako ngayon. Hindi na ako yung Daniel Gino Rivero na nerd. Ako na si DANIEL  RIVERO, ang miyembro ng Parking 5. Pinagakaguluhan na ako ng mga babae ngayon. Pero broken hearted parin ako. Hindi ko magawang magmahal ng iba. Dahil wala siyang katulad. Ang babaeng minahal ko, si Ella Maghirang. Di pa nga ako nanliligaw, basted na agad ako. Di na ko umaasa. Hanggang pangarap ko na lang siya.

Tuwing may gig kami, umaasa ako na makikita ko siya. Na kahit isang beses man lang, manonood siya. Makinig siya. Para malaman niya kung gano ko siya kamahal. Pinili kong magkaron ng banda para mahanap ko siya. nagbabakasakaling makikita ko ulit siya. Ang babaeng nagpapatibok sa puso ko.

"Pre, magready ka na. Ikaw kakanta ngayon diba? Galingan mo ha! Para pag dating mo sa States, magka-album ka agad. Hahahaha." biro ni Katsumi sakin. Tumawa na lang din ako.

"Baka makita mo dun si Ella, pormahan mo agad!" -Jc

"Baka maunahan ka pa ng iba." -Lester

"Nga naman." sang-ayon ni Seth.

Nagreready na kami ngayon dito. Isa lang ang kakantahin ko. Sana marinig ni Ella. Ito na ang last gig ko kasama ang Parking 5. Di ko alam kung kelan mauulit eh. Pupunta na kasi ako sa States para dun ipagpatuloy yung studies ko.

Lumabas na kami at nagtilian na naman yung mga babae. Pag kaharap ang fans, ako si Daniel. Pero sa mga kaibigan ko, ako si Gino. Maraming pinagkaiba si Daniel at si Gino. Si Daniel, masayahin, romantic at laging nakangiti sa harap ng fans. Si Gino, broken-hearted, hopeless romantic at naghihintay parin kay Ella. At ngayon, ako muna si Daniel.

"Guys, may sasabihin kami sa inyo. Ito na ang last gig natin kasama si Daniel. Papunta na kasi siya sa States. Kaya siya ang kakanta sa atin ngayon." -Katsumi

Gotta Find YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon