Heartbreaker.com
ckaichen©
Prologue:
Summer's POV
"Ang sakit pa din best! Alam mo 'yun? Kahit ano'ng pilit ang gawin ko, parang hindi ko kayang kalimutan siya." Ulit ko na naman kay Lheine, one week ko na ata'ng pinaulit ulit sakanya 'tong mga sinasabi ko.
"Ewan ko ba naman kasi saiyo 'te? Niloko, sinaktan, pinaglaruan ka na't lahat lahat nung hinayupak na gunggong na iyon, ayan ka hindi ka pa din matauhan? Ipumpog ko kaya yang ulo mo sa pader ng magka-amnesia ka?" Tumingin ako sa kanya, sa itsura niya, mukhang seryoso siya sa pagumpog ng ulo ko sa pader kapag hindi ako tumigil.
"Wag ka naman mag biro nang ganyan best." Aktong sasabunutan na niya ako, pero nag pigil siya.
"Oh my~ Stay calm, stay calm Lheine. It's not healthy to argue with Summer again." Sabi niya habang kinakalma ang sarili.
"I want to get even, Lheine. Siguro makakamove on lang ako kapag nakaganti ako kay JERKson." Okay, Jason talaga 'yun, pero dahil bitter ako at jerk naman talaga siya. JERKson. With capital J-E-R-K.
"Revenge?" Tanong niya na para bang may biglang naalala. May kinuha siya sa pocket ng bag niya. Inabot niya sa akin yung papel na nakatiklop. "Ito, ito ang sagot sa problema mo Sum!" Kinuha ko yung papel at binasa.
Quote:
HEARTBREAKER your one stop shops for revenge.
Sawa ka na ba na laging sinasaktan? Inaapi? Pinaglalaruan?
Gusto mo ba'ng makaganti?
Ibalik ang mga sakit, pang-aapi, at paglalarong ginawa nila saiyo?
Kung oo...
Tumawag na sa: 143-5254
O mag email sa: sagotkita@heartbreaker.com
For more details visit us at http://www.heartbreaker.com
Unquote
"Are you serious? Meron ba talaga nito?" Tanong ko habang pinupunasan yung pisngi ko.
"Oo, hindi yan scam. Kilala mo si Jesse? Yung nerd na pinaglaruan ni Isaac? Siya yung nagbigay niyan sakin eh. Effective daw."
"Really? So ano ginawa ni Jesse? Paano siya nakaganti?" Well, naintriga talaga ako. Grabe kaya yung ginawa nung Isaac na iyo kay Jesse. Tsk.
"Nagsubmit daw siya ng form, tapos kinabukasan may dumating daw na hot hunk sa labas nang bahay niya. 'Yun daw yung tutulong sakanya para gumanti." Umupo siya sa kama ko, tumabi sakin. "Ang ginawa nung hot hunk... Hindi ko alam, pero ang alam ko nakaganti siya kay Isaac at nasatisfied siya ng bonggang bongga! Nakamove on pa siya, and look at Jesse now, hindi na siya yung nerd na Jesse." Oo nga, yung dating ugly duckling nagtransform into a swan.
"Eh kung make over lang ang gagawin nila sakin, how can I get even 'non? Haler? I'm hotter, and smarter than anyone. I have the looks, and everything."
"Oo, you have everything, kaya ka naging tanga sa love eh matalino ka kasi sa academics... Aray! Totoo naman eh! Makabatok 'to."
"Oo na, I fell in love with that jerk so? Akala ko totoo siya eh."
"When it comes to varsity player ng school, I doubt wala ako'ng maririnig na nagseryoso sila. Kaya noon una pala ayaw ko na talaga sa Jerkson na iyon eh, pero dahil tang... mapilit ka wala naman ako'ng nagawa para pigilan ka."
"When it comes to love hindi mo pagigilan 'yun, hindi mo rin pwede digtahan yung puso mo kung sino ang magugustuhan mo."
"Summer, I just hope you'll be smarter next time you fall in love. Hindi bagay saiyo ang tanga pag dating diyan." Tumingin siya sa relos niya. "Girl mauna na ako ha? May make up class pa ko eh. Move on okay? Balitaan mo na lang ako kapag nag pasa ka ng form diyan. Hihih." Nag bye lang ako tapos umalis na siya. Loka loka talaga 'yun.
Hinawakan ko ulit yung papel na binigay niya kanina. Hmm... Itry ko kaya? Wala namang mawawala eh. I mean, pag hindi dumating okay lang, pero pag may dumating better. Inopen ko yung laptop ko, binuksan ko kagad yung browser at tinype yung url nila. Pag-open ko nagulat pa ako, akala ko school website yung nabuksan ko, bakit kanyo? Eh yung pinakaweb design, yung background may parang school building, which I think big time na school. Ang ganda kasi eh.
"Navigation... Oh here... Hmm... What we offer? Click...Cool, they have different kinds of revenge huh? So ano kaya saakin? Create your own? Coooool! Ito na lang." Kinlick ko yung 'create your own'. Hindi kasi ako makapili dun sa mga ibang choices eh. May nag open na new window. "Fill up the following..."
Name: Summer Danielle Antonio
Nickname: Sum, Dan, Summer
Age: 18
Address: 143 Mahal Kita St. I love you Village Ti amo City.
Email address: summerdanielle@loveyou.com
Phone Number: 09171435254
What do you need? Please be specific. (E.g Hot Hunk, good at cooking, etc.) We have the best actors/actress in town you don't need to write that down.
Handsome, hot, tall, chinito, good at cooking, caring, athlete, has a nerdy yet hot looks, knows different languages, smarter than me, willing to be my slave, and we must share the same age or he can be older than me but only 2-3 years. Can I include this? He must be rich. Thank you. (Huh, ewan ko lang kung makakita sila nito.)
How long do you need our service? (If you think you need more time, please let us know before the expiration of the contract.)? 3 months
Please specify what kind of revenge are you into: I just want to get even, can you just give me your best actor and let me help to build up a great plan?
You're studying at? : Matthew College
"Okay submit. HAHA. Tignan natin kung may makita silang ganyan."
***
*ding dong ding dong*
"Ang aga-aga naman niyan." Tinignan ko yung phone ko, 8am palang ah? Sino ba yang nag dodoor bell?
*ding dong ding dong*
"Andyan na!" Sigaw ko sabay tayo sa kama, hindi ko na tinignan kung ano itsura ko, bahala nang matakot 'tong nag iingay sa kakadoorbell dito sa pananahimik ko sa pad ko.
*ding dong ding dong*
"Aba! Andyan na nga!" Binuksan ko yung pinto, nagulat ako lalaki na may dalang bulaklak yung nasa pinto. "Hindi ako umorder nang bulaklak." Isasara ko na sana yung pinto pero hinarang niya yung paa niya.
"Handsome, hot, tall, chinito, good at cooking, caring, athlete, has a nerdy yet hot looks, knows different languages, smarter than you, willing to be your slave, and we share the same age. Lucky you, I'm also rich. Dustin Parker at your service." Napapikit pikit ako, ano ba yung sinasabi niya?
"Sorry, hindi kita kilala eh." Hinatak ko ulit yung pintuan, pero hinarang na din niya yung kamay niya.
"Uh. I'm from heartbreaker.com, and you filled up a form, and we need to discuss about your revenge and the payment procedure." Bigla ako'ng natauhan.
"So uhm... Totoo yung website na iyon? Akala ko joke lang..." Alanganin ako'ng ngumiti. "Ang totoo niyan... Hindi naman talaga ako seryoso..." Umiling iling siya.
"Rule number one: No backing out." Inabutan niya ako ng isang medyo mahabang papel. "Can I come in?" Habang binabasa ko yung laman nung papel, nawala yung lakas ko na pumipigil sa pinto nakapasok tuloy siya... "Nice pad you got in here."
"Please proceed to our office for the payment; you must settle your payment once your order arrived." Basa ko dun sa payment procedure, so uhm pwede siya'ng installment pwede din namang full na kagad. "So magkano ang babayaran ko?"
"Andyan sa lower part nung papel." Napaluwa yung mata ko sa nakita ko. "150,000 ata." Sabi niya sabay kibit balikat.
"LABAS! HINDI KITA KAILANGAN PARA MAKAPAG REVENGE AKO!!!!!"
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ckaichen's note: So uhm. Balak ko ipopost ko yung mga chapters nito kapag natapos ko na siya lahat itype, pero dahil makati ang kamay ko. Pinost ko na yung prologue, siguro kung kukulitin niyo ako sisimulan ko na 'to. HAHAH. Yown lang. :))
BINABASA MO ANG
Heartbreaker
HumorSEEN ON TV5'S WATTPAD PRESENTS (03/16-20/2015)! Published under LIB/PASTRYBUG! (Be sure to grab your own copy! Two special chapter are in there!) Now available in all Precious Pages for P109.75 only! HEARTBREAKER your one stop shops for revenge. Saw...