Chapter 4
Kris' POV
Medyo nakakairita na talaga sila, hindi man lang marunong sumakay sa joke ko? Mga walang common sense! Ang babagal pa mag-isip. Nakaka-asar! Hindi ko kasing level ng talino. Pag pasensyahan niyo na ako, ganito talaga ako, mainitin ang ulo at matampuhin.
Pero ang kina-iinis ko kasi talaga kanina pa ay yung, babaeng yun, si Sooyoung. Hindi naman ako galit sakanya pero naalala ko kasi ang mga nangyari dati sa babaeng kamukhang-kamukha niya, si Soojin. Parang siya talaga si Soojin, kaso nga lang, medyo payat. At tsaka, nasobrahan sa tangkad at parang wala ng laman ang katawan. Tapos si Soojin, yung pangalan lang ni Luhan ang dinagdagan niya ng IE sa dulo, pero si Sooyoung naman, lahat daw tinatawag niya na may IE sa dulo. Pero maliban doon, parehas talaga sila ng ugali, pagsasalita at pati narin yung tapang nila na parang walang kinatatakutan.
Isa pang kinatatakutan ko ay baka magkagulo na naman ang EXO. Bakit kami magkakagulo? Kasi dati madaming nagkagusto kay Soo-jin at isa na ako doon. Pero ang talagang nag-away ay si Luhan at Sehun, pero hindi na mahalaga 'yun ngayon. Ang dapat na problemahin ay si Sooyoung, dapat hindi na ulit kami magkagulo.
Speaking of, bakit nandito siya sa garden? "Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya at yung reaksyon niya, sobrang gulat na gulat. Malalim ata ang iniisip kaya hindi rin napansin na nandito ako.
"Ay anak ng tipaklong!" Sigaw niya.
"Hindi ako anak ng tipaklong, anak ng pogi at maganda, pwede pa." Sabi ko sakanya at ang expression niya gulat na gulat padin. Tinignan ko lang siya, hintayin ko muna na makabalik sa realidad!
"Ah-eh, uhm.." Sabi niya at para siyang natatakot sakin, kaya medyo lumalayo siya.
"A-E-I-O-U, ano bakit ka nandito?" Sabi ko sakanya at bigla niyang tinapik ang ulo niya. Tama nga ako, malalim ang iniisip niya kaya hindi ako napansin at parang natutulala siya. Pero dahil unayos na siya, naiisip niya na yatang bumalik sa realidad at magsalita.
"Ah, eh kasi wala na kong kasama eh. Nag memeeting sila Suho, tinawag ng principal sila Sohyun tas si Min-Ah pinauwi na." Sabi niyang ganun at bigla siyang nalungkot. Umupo siya sa bench na kinauupuan ko, pero nasa magkabilang dulo kami ng bench.
"Ahhh..." Sabi ko sakanya at tumingin lang ako sa fountain.
"Teka bakit ka pa pala nandito? Diba dapat kasama ka nilang nagme-meeting?" Tanong niya sakin at tumingin ako sakanya, pero siya nakatingin lang sa fountain. Nung tinignan ko siya, parang biglang nag slow motion ang paligid ko at nakafocus lang talaga sakanya. Bakit ba niya kamukhang-kamukha si Soojin? Naalala ko tuloy yung first time niya ko kinausap, parang napaka-problemado niya nun.
"Kris..." Bigla akong nabalik sa realidad at ngayon ko lang napansin; nakatingin na din pala siya sakin.
"Ha?" Yun nalang nasabi ko at tumingin ako sa fountain ulit.
"Sabi ko, bakit di ka nila kasama?" Tanong niya ulit sakin. Oo nga, bakit ba di nila ako kasama?
"Alam ko na naman yung pag uusapan nila. Tinext na sakin ni Suho, tska kami ang unang nag-usap ni Suho, leader naman kami eh." Sabi ko sakanya.
"Leader ka din?" Tanong niya sakin at medyo lumapit siya sakin. Bakit di niya alam? Akala ko alam niya na at na-orient na siya? Ang alam ko nga leader din siya ng grupo niya eh.
"Hindi ka pa ba nao-orient? Hindi mo alam na leader din ako?" Sabi ko sakanya at tumingin ako sakanya at nakita ko ang mukha niya talagang nagtataka. Wala nga talaga siyang alam, dapat sinabihan man lang siya ng mga ka-grupo niya.
BINABASA MO ANG
Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)
FanfictionNainlove ka na ba? Sa tamang oras pero sa maling tao? Kahit na alam mong hindi siya para sayo, ano ang gagawin mo? Ipaglalaban mo ba siya, kahit may malaman ka ding kakaiba sakanya? Ipaglalaban mo ba siya hanggang dulo?