Chapter 5

274 13 0
                                    

Chapter 5

Sooyoung's POV

Maaga ako ngayon pumasok sa school kasi may bubugbugin pa ko. Tama! Bubugbugin, si Kris! Bakit? Kasi iniwan ako sa garden na natutulog mag-isa. Pero kagabi, napag-isip-isip ko din na, okay na yun kasi ang gwapo naman ng gumising sakin. Si taecyeon... Sila yung boy group ng 1-B. Pauwi na daw siya galing sa last class nila, 7pm na, nung nakita niya daw akong tulog na tulog.

Nandito na ako sa mini-auditorium kasi dancing class padin and unang klase namin ngayong araw. Umupo na ako agad sa pinaka gitnang upuan paa magpahinga. Para narin pagpasok ni Kris matakot siya sa akin. Hindi lang pala si Kris kundi pati ang iba pa, kasi pakiramdam ko nakita naman nila ako kahapon pero hindi lang ako ginising.

Pero dahil wala pang tao, binuksan ko muna ang bag ko at tinignan kung may nakalimutan ba ako. Pagtingin ko sa baba, nakita ko din na hindi naka-ayos ang sintas ng sapatos ko kay inayos ko at tinali ko ng maayos para makasayaw ako ng maayos mamaya. Pero biglang bumakas yung pinto.

Pumasok si Xiumin at sunod-sunod na sila, si Luhan, Si Suho, Teka?! Bakit wala si Kris? Siya dapat kasunod ni Luhan ah. Tumayo ako at nagpamewang, pero sila dere-deretso lang sa stage na para bang hindi nila napansin na nandito na ako. Si Kris at Sehun ang huling pumasok. Halatang antok na antok pa sila at lahat sila humiga sa stage...

Naglakad ako ng padabog papunta sa stage at umakyat, bigla silang umupo lahat maliban kay Chanyeol at Kris na parang nakatulog na agad. "Soo, nandyan ka na pala." Sabi ni Baekhyun. Pero di ko siya pinansin dumeretso lang ako papunta kay Kris.

Nasa harapan na ako ni Kris ngayon. Dumilat siya at nakita ako, pero pumikit siya ulit. Nainsulto ako kaya ipinatong ko ang paa ko dibdin niya at bigla siyang dumilat at sinabi, "Hey what the-" Hindi niya tinuloy ang sasabihin niya kasi diniinan ko pa ang paa ko sa dibdib niya.

Onti-onti siyang tumatayo pero di ko hiniwalay ang paa ko sa dibdib niya. Hanggang sa onti-onti din sumusunod ang legs ko sakanya, hanggang sa nakatayo na talaga siya. Habang nakatayo siya, ako din nakatayo pero naka-one leg balance kasi yung isang leg ko nakatapak padin sa dibdib niya.

Pero biglang hinawakan ni Kris ang binti ko, "Hmm *smirks* Mali ang ginawa mo." Sabi ko sakanya at sinipa ko ang tiyan niya ng isang paa ko at nagbalance. Tumalon ako at nag-balance para makatayo din agad kasi baka sumugod agad 'tong si Kris, kailangan ko i-handa sarili ko. Pero hindi naman siya gumalaw kaya naisip ko nalang na maglakad papalayo at umalis nalang ng walang sinasabi.

"Hindi pa tayo ta-" Tumalikod ako agad at salamat sa 7th sense ko, naramdaman kong papalapit na siya kaya sinipa ko ka agad siya sa tiyan.

Kinuha ko ang braso niya at ipinaikot ko sa likod niya, "Minsan, matuto ka gumalang sa babae..." Sabi ko sakanya at nag-smirk.

"Babae ka pala..." Sabi niya sakin.

"Anong sabi mo?" Pagalit kong tinanong sakanya at ewan ko kung ano ang naramdaman ko pero parang gusto ko na siyang patayin ngayon. Kung kanina naiinis lang ako, ngayon parang hindi ko na ma-control ang sarili ko. Tinignan ko si Kris at nakita kong nagulat siya, pero hindi lang siya pati sila Tao.

"Bakit ganyan a-ang mata ni S-sooyoung?" Tanong ni Tao at lahat sila nakatingin padin sa akin.

Mata ko? Ano meron sa mata ko? Biglang tumakbo papalapit sakin si Suho at niyakap ulit ako. Sobrang higpit ng pagkakayakap niya pero pinipilit kong maka-alis. "Suho, bitawan mo ko!" Sabi ko sakanya at sinusubukan kong makawala.

Lahat sila nagsama-sama na para bang nagkukumpol. "Bibitawan lang kita pag ginawa mo ang sinabi ko!!" Sabi ni Suho sa akin pero pinipilit ko pading makawala sa higpit ng yakap niya sakin.

Inlove with a Wolf?! (EXO FANFIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon