Whoo! This is my first story to publish and Im using my classmates' names for characters hahaha. Enjoy guys, sana magustuhan nyo.
~Miksy~~●~~
Hello! My name is Calix Ignacio. I'm 17 years old. Sisimulan ko ang kwento ko nung nag-enroll ako ng kursong Education sa University of Rizal System. Oo, hindi kami mayaman pero maganda ang school na to. Kahit na ang daming nag-offer sakin ng Scholarship ay ayaw ko pa rin dahil kaya naman nila mama na pagtapusin ako, mahirap naman na magkaroon ng utang na loob sa ibang tao. Masarap kaya ipagmalaki na mismong magulang mo ang gumawa ng paraan para sa pag-aaral mo.
Ayun na nga, kasalukuyan nakong third year at nakapila nako sa registrar para kunin ang schedule ko. Bachelor of Secondary Education Major in English nga pala ang kinuha ko, nakapasa na rin ako ng Qualifying exam. Second Semester na.
Ang haba ng pila, masyadong nakakainip. Kanina pa akong umaga dito. Good thing may upuan kaya hindi hassle ang pagpila.
"Ang bagal naman umusad ng pila. Nakakangalay aah."
Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa tabi ko. Nasa dulo kase ako ng upuan kaya nakatayo na sya. Syempre bilang isang gentleman, I offer her my seat.
"Thanks, may gentleman pa palang lalaki ngayon." sabi nya habang tumatawa, lumalabas tuloy ang kanyang malalalalim na dimples. Hindi sya kagandahang babae at medyo kinapos din sa height, mahaba ang kanyang mga buhok at halata mo namang matalino sya.
"Syempre naman, Ate." Sabi ko na lang.
After the talk with that girl, bumilis naman ng konti ang pila. Actually, pwede naman umalis sa pila since walang singitan na mangyayari kase may number.
Nung turn ko na, syempre madali na lang akong nakakuha ng schedule ko. Sinabihan ako ng Registrar na pwede na akong pumunta sa classroom ko. I did what she said.
Medyo malayo din ang building ng education. Napaka-presko ng pakiramdam dito sa school na to, feeling ko conducive nga ang location ng Education Building. Nasa gitna kase ng palayan at makakarinig ka rin ng ungol o huni ng iba't-ibang hayop.
Dumiretso nako sa loob ng room namin, sa room 102 pala ang unang subject ko. First day ng klase kaya puro introduction lang. Hindi nako nakinig kase makikilala ko rin naman sila.
Vacant, naglibot ako sa school dala-dala ang camera ko. Oo, mahilig ako mag-picture. Nakakatuwa kase kapag nakukuhanan mo ng picture ang mga magagandang bagay sa paligid mo. Parang naipapaalala nito sa sarili ang magagandang ala-ala na nangyari.
Pagkatapos ko maglibot sa buong campus, nagpunta nako ng library sa third floor. mahilig din kase ako magbasa para magpalipas ng oras.
Umupo ako sa pinmakadulong table para walang makapansin sakin, ayoko ng storbo. Pagkahanap ko ng libro, nagsimula nakong magbasa.Aaminin kong hindi ako palakaibigan dahil ayoko ng atensyon. Gusto ko lang kase saglit lang din ang apat na taon na itatagal ko rito, mahirap magpaalam. Kaya might as well avoid interaction with them before its too late. Saying goodbye, really hurts.
Napansin ko na may isang camera ang nakapatong dito sa table na napwestuhan ko. Magandang model ng camera ito pero bakit kaya iniwan na lang ng basta-basta dito? Kaparehas pa ng camera ko. Nakakatuwa lang.
I shrugged at the thought na baka nga naiwanan lang yun ng may-ari. Ibabalik ko na lang mamaya kaya inilagay ko na lang muna sa bag ko kung saan nandon din ang camera ko.
I continued reading the book am holding.*minutes passed*
"Excuse me, ikaw yung classmate namin diba? at ung nag-offer ng chair sakin sa pila kanina?"
Narinig kong sabi ng isang babae kaya iniangat ko ang tingin ko sa kanya at sya ang babaeng nagreklamo sa pila. Ang cute nya talaga.
"Bakit?" Cold na sagot ko.
"I just want to ask kung may nakita kang camera sa table na'to. Akin kase yun, naiwan ko." nakangiti nyang sambit.
So, sa kanya pala un.
"Ah oo, ito oh" Sabi ko na lang habang kinukuha ang camera nya sa bag ko.
"Thanks for keeping this."
YOU ARE READING
Ingrained Mem'ries
JugendliteraturA story featuring an endless love that only death could separate them but memories still connects them two. 😊