Introduction

7 1 0
                                    


Sabi nila ang pinaka-magandang klase ng camera sa buong mundo ay ang mga mata natin. Sa tingin mo bakit? Maybe because it is the most convinient and probably, effortless way of capturing beautiful things in life. Ang mata natin ang lens at ang utak natin ang nagsisilbing memory card. Ang galing talaga ng pagkakalikha satin ng Panginoon no? Naisip mo ba yun? Siguro hindi, marami kase satin ang nabubulag na ng mga makamundong bagay kaya nakakalimutan na ang lumikha. Which is the first thing we should do.

Naniniwala ako na kahit anong plano ang gawin mo para sa buhay mo, mas maganda pa rin ang plano niya.

Sabi nga, "Unexpected things are the best."

Teka lang, balik tayo sa topic natin. Tatanungin kita, handa ka bang itago ang mga ala-ala na sobrang sakit na?

Ala-ala na tuwing naalala mo, mas gugustuhin mo na lang na mamatay. Handa ka ba?
Ako kase, hindi ko pa yan masasagot pero alam ko sa sarili ko na kahit masakit sakin na alalahanin pa yun ay mas gugustuhin ko pa ring balik-balikan. Sa tingin mo, bakit? Ayoko nang ipaliwanag, mas mahirap magpaliwanag ng paliwanag lang.

Sabi nila, your happiness is your greatest weakness. Naniniwala ako dun kase ako mismo, naranasan ko. Experiential Learning ika nga.

A story will do the explanation.

Ingrained Mem'riesWhere stories live. Discover now