Prologue

60 1 0
                                    

Malakas ang pag-ulan sa labas.

Mula sa kinatatayuan ko sa gilid ng bintana'y tanaw ko ang marahang patak ng ambon rito. Kung hindi mananatili ay dadaloy pababa. Madilim ang kalangitan na paminsan-minsan ay naliliwanagan lamang ng pagkidlat.

Though I couldn't hear anything because my room is sound proof, the sight for me is to behold.

I appreciate everything I see. I took up every details and store it deep within me. Dahil minsan sa buhay ko, hindi ko nagawa.

When once in your life you see nothing but darkness, everything you're able to see is a gift, a treasure. When once in your life the chance isn't yours, every opportunity presented is to be taken. When once in your life you are blind, then everything you see right now is a blessing.

Kahit pa gaano kapangit sa paningin ng iba. Kahit pa wala naman silang nakikitang kagandahan sa bagay na iyon. Kahit pa ang maliliit na bagay lang.

Huminga ako ng malalim at marahang pinilig ang ulo. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang pakawalan ang parteng iyon ng buhay ko. It's a part of me. Engraved deep within me.

But on the outside, I am fine. I had moved on. Everyone see me as someone happily married and so in love with my husband. Everyone thinks I've got a perfect life.

Mabait ang asawa ko. Maalaga. He was everything a woman would wish for a husband. I know because I'm his bestfriend. Since teenage days.

Mahal ko siya, but not in a romantic way. Dahil...

Naputol ang linya ng pag-iisip ko ng tumunog ang telepono. Umalis ako sa pagkakatayo sa gilid ng bintana at sinagot iyon.

"Jesha! Oh my God, Jesha! Guess what?"

Sa tinis ng boses ni Thanya'y agad kong inilayo ang telepono sa tenga. Napairap na lang ako.

"Ano? May sale na naman nung mga eyed designer bags mo?"

Ito lang naman ang nakakapagpahyper sa kanya. Shopping, shopping, shopping. Kaya kapag may sale, ibig sabihin niyon sa kanya ay langit.

"Hindi, gaga! Shit! Hindi ka maniniwala! Kalma ka lang, ha, Jesh. Please, huwag kang mabibigla."

Nakikinita ko na ngayon na pinapaypayan niya ang sarili habang nagsasalita siya. Typical Thanya.

"Ikaw kaya ang kumalma! Nakakabingi ang tinis ng boses mo."

"Your eardrums is not so important right now, friend. Because, Zsolt is so coming back to the country! Yes, Zsolt. As in si Zsolt Eros del Breau!"

The moment she said his name, I drop the telephone.

Si Z-Zsolt? Nagbalik na siya?

Automatikong namuo ang luha sa mga mata ko.

Zsolt.

Siya ang tanging taong nagparamdam sa akin na kahit madilim sa mundo ko'y magiging masaya pa rin ako. Siya ang tanging taong nagparamdam sa akin na sa kabila ng kapansanan ko'y may magmamahal pa rin sa akin. Nang hindi dahil sa yaman ko.

Siya ang tanging lalaking minahal ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Within The Heart's PerspectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon